CHAPTER FORTY-TWO: SI MA'AM TARAY AT SI BOSS PIKON

75 4 0
                                    

"write the 5th term in each sequence:
1.7,9,11,13=15
2.6,9,12,15=18
3.11,16,21,26=31
4.24,32,40,48=56
5.46,53,60,67=74
6.15,18,21,24=27
7.16,21,26,31=36
8.35,41,47,53=59
9.19,21,23,25=27
10.44,53,62,71=80"

pinapanuod lang ni Avril na sagutan ng mga bata ang math problem nila. hindi na sya nakialam dahil kampante sya sa talino ng dalawa. sya ang unang naging tutor nila mula nung nagsimula silang mag-aral.

"Ahiya, tama po ba 'to?" tanong ni Amir sabay pakita sa kanya ng librong sinagutan nito.

"itong sa 'kin din po!" si Avi naman ang sumunod.

"okay. let's see." aniya na tiningnan ang sagot nila. tumango sya at nag-thumbs-up sa kanila. pumalakpak ang mga paslit saka muling kinuha ang kanilang libro.

isa sa mga pinagpapasalamat nya ay ang pagiging self-reliant ng mga bata. kapag ganitong may takda silang aralin, madalang na hingin ng mga ito ang kanyang tulong. marahil ay nauunawaan ng mga pamangkin na sobrang pagod na sya pagka-galing nya sa trabaho. napalaki nila ng tama ang magkapatid.

"anong gusto nyong kainin?" tanong nya sa mga pamangkin
"ipagluluto ko kayo. mooncake kaya?"

hindi muna sya pumasok ngayon para makasama ang dalawa. wala rin namang masyadong gagawin kaya mas minabuti nyang manatili sa bahay.

"raviolli at lasagna po ang gusto ko, Ahiya." ani Avi.

"sa 'kin po maki at sushi!" sabi naman ni Amir.

"sige. i'll go and prepare it. walang gadget, okay? tapusin nyo muna yan."

"okay po." tugon nila. hinanda nya ang mga gagamitin para sa lulutoin nya. ngunit pagbukas nya sa cupboard, wala ang mga kailangan nya para gumawa ng lasagna.

"pambihira. it's almost empty. pa'no 'to?" aniya na muling sinara ang cupboard. "Bethany!" tawag nya sa isa sa mga kasambahay.

"po?" ang nagkukumahog na paglapit sa kanya.

"ano 'to? bakit walang laman? hindi ba't trabaho nyo ang panatilihing puno ang pantry?!" singhal nya. namutla at namawis ang kasambahay sa takot.

"a-ano po kasi...n-ngayon pa po kami mago-grocery. p-pasensya na po." anito na yumukod. napapalatak na lang sya.

"huwag mo nang pagalitan si Bethany. as if naman lilitaw dyan ang ingredients ng lulutoin mo kapag pinagalitan mo sya. kaya tama na yan." ani JShawn. "pumunta ka na sa garahe, Bethany. dun mo kami hintayin." utos nito sa katulong na matulin pa sa alas kwatrong umalis.

"kami? anong sinasabi mo dyan?"

"tayo. tayo ang pupunta sa Mall para mag-grocery."

"ano? okay ka lang? ayoko nga. hindi ko obligasyon yan." angal nya pa. nagkibit-balikat lang ito.

"wala ka nang magagawa. sinumpong ng rayuma si Nanay Sylvia at si Mang Igme, hinihika. si Ludwig naman, sya ang magda-drive para kay Wendy. immunization ni Soda ngayon. kaya sa samakatuwid-- we'll do the grocery. ganun lang."

hindi sya agad kumilos. ayaw nya kasi talagang pumunta sa mga grocery stores. boring at nakakapagod para sa kanya.

"mag-online shopping ka na lang. ano pang silbi ng technology kung 'di mo gagamitin?" katwiran nya.

"at anong silbi ng mga paa kung 'di mo ilalakad?" counter naman nito. napakamot-ulo na lang sya at naupo.

"tayo na riyan, tangkad. halika na."
anito na hinila sya patayo.

"oo na. langya talaga. pupuntahan ko muna ang mga bata."
****************0o0*****************

pumanhik sya sa taas at tiningnan ang mga bata. abala pa rin ang dalawa sa mga assignments nila.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now