CHAPTER FIFTY-ONE: THE NIGHT CHANGES

72 5 0
                                    


*****************0o0****************

Cecelia is beyond amazed as she look down the helicopter. ang mga nagtataasang gusali, para na lang mga maliliit na christmas tree at ang mga ilaw nila ay tulad na sa series lights.

"how's the view?" Avril ask her thru the headphones. ito ang nagpapalipad sa helicopter kasama ang isa pang piloto. isa pa ito sa ikinamangha nya talaga kay Avril. para itong libro na paganda at paganda ang kwento sa bawat pagpinid ng mga pahina. sa bawat araw, mas marami syang nadidiskubre dito. kahanga-hanga.

"sobrang saya nito! grabe, ang ganda pala ng ciudad sa gabi." bulalas nya na nasa labas pa rin ang tingin.

"iikot tayo sa Metropolis saka tayo babalik sa hotel." wika nito. lumipad pa sila at walang tapon sa lahat ng tanawin. she got her smartphone and took photos.

maya-maya'y umikot muli ang helicopter pabalik sa Metroceanna. lumapag ang abyon sa helipad ng Maharlika Delta Hotels.

"salamat sa pagsama sa 'min, Russ." wika ni Avril sa piloto saka nakipag-fist bump dito.

"no biggie, Boss. next time ulit." anito.

sumaludo si Avril dito saka nito hinawakan ang kamay nya.

"uuwi na ba tayo?"
tanong nya pagkalulan nila sa lift.

"nope. the night is still young. kaya lalabas tayo. but you have to change your clothes first."

pagkabukas ng pinto, hinatid sya nito sa isang kwarto.

"go and change. i'll wait for you here." anito. pumasok na sya sa loob ng silid at nagpalit ng damit. isang pink tank top na pinatungan ng hoodie jacket sa kaparehong kulay. pinili naman nya ang isang maong skirt at puting ballet flats.

when she open the door, casual na rin ang attire ni Avril. itim na leather jacket, sa ilalim ay isang gray shirt. nakasuot ito ng slim fit jeans at high-cut sneakers.

"uhm, Avril?" tawag nya rito. ngumiti ito. a close-lipped, warm kind of smile. Cecelia felt her heart flutter and she can't help but blush.

"halika na. let's stroll around the city." Avril said. they held hands again.

***

"a-ano yan? itlog na may balahibo sa loob?"

ang nagugulomihang tanong nito, na sinipat-sipat ang hawak na balut.

she giggled loudly. ang cute nito na parang paslit na ngayon pa lang nakakita ng ganung street food.

"kainin mo, masarap yan." pagkumbinsi nya rito. napangiwi ito ng maamoy ang balut at aktong masusuka ng makita ang sisiw. umiling-iling ito at umayaw kaya 'di na nya pinilit.

ang sinunod nilang pinuntahan ay ang barbequehan sa ciudad. nakakatakam ang masarap na amoy ng iniihawng pagkain.

"dun tayo!" aniya na hinila ito palapit sa isang stall. kumuha sya ng mga ipapaluto-- gaya ng isaw, betamax, adidas, backbones at petcho. nang maluto ang isaw, pinatikim nya ito. nung una'y nag-alangan ito at umiiwas ngunit nakumbinsi nya kalunan. pakagat-kagat lang ito pero nang tumagal, kumakain na ito ng buo. nagulat na lang sya ng nakaubos ito ng limampung isaw, 'di pa kasali ang iba nyang pinaluto.

napangiti sya dahil ang gana nitong kumain. pati hanging rice, sinasawsaw nito sa toyo at suka na tadtad ng siling labuyo. pinakyaw pa nito ang tindang barbecue ng may-ari.

"busog na busog ka, ah. kaya mo pa ba?"

tanong nya ng makita ang simot na nilang pinagkainan. anlakas pa ng dighay nito.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now