Ngayon lang ulit ako nakaligo sa loob ng ilang araw. Kumikirot kirot kasi yung bali ko sa tuhod at kailangan ko ulit palitan ng bandages. Nakakalakad naman ako ng bahagya pero kailangan ko lang maging maingat dahil kakasemento lang sa tuhod ko.
Sariwa pa sa alaala ko kung bakit ako napilayan. Sabi ng doctor, buti na lang daw at pwede pa maagapan. Pwede naman daw ako makarecover kahit sa bahay. Ilang buwan lang ang hihintayin ko bago ako makalakad ulit ng maayos.
Every week dinadalaw ako ng doctor to check my knee and kapag masyadong makirot, tinatawagan ko si Mang Lance para dalhin ako sa hospital. Buti na lang andyan si Mang Lance para mautusan ko minsan lalo na pag emergency. Siya din yung tinatawagan ko para bumili ng mga kakailanganin ko.
Buti sobrang bait ni Mang Lance. Okay lang sakanya lahat. Sabi niya, bawi na lang daw niya kay Ethan dahil sa kabutihang loob nito. Hindi ko maiwasang maluha ng sandaling sabihin niya iyon. Ethan was indeed a kind man.
Nang mapalitan ko na yung bandage ko sa tuhod, humiga ako para magscroll sa phone ko. Bukod sa pagtunganga at umiyak sa loob ng kwarto ko, hobby ko din ang manood ng movie. Heto ako ngayon, nagsscroll para maghanap ng panonoorin.
Sabi nila, isa daw sa nakakatulong sa pagrecover ay ang panonood ng movie para maging occupied ang sarili. Ang akin naman, hindi ko naman ginagawa ang manood para makarecover. Ginagawa ko to para bigyan ng break ang sarili ko sa pag-iyak dahil kung maghapon akong iiyak, sumasakit ang ulo ko, and I hate the feeling.
Habang nagsscroll ako, biglang may kumatok sa kwarto ko. Napabaling ang atensyon ko sa pinto. Tumaas ang kilay ko dahil alam kong iisang tao lang ang magkakatok sa kwarto ko dahil wala namang ibang nakatira dito kundi ako lang at si Ezekiel. Iniisip ko kung bubuksan ko ba yung pinto.
Ano naman kaya kailangan ng lalaking to?
I decided na wag na lang pansinin ang katok ng lalaki. Magsasawa din yon sa pagkatok. Sinabi ko na sakanya na wag siya magpapakita sa harap ko and yet, heto siya, iniistorbo ang buhay ko. Hindi ba malinaw sakanya na ayaw ko siya makausap o makita? Kahit paghinga niya, naiirita ako pakinggan. Kung pwede ngang wag na siya huminga para payapa na buhay ko.
Napabalikwas ako ng biglang bumukas ang pinto. Halos mahulog sa mukha ko yung phone ko sa sobrang gulat. Umarko ng kusa ang kilay ko ng iniluwa ng pinto ang isang babae na may edad na. Hindi ko siya kilala. Nakakapagtaka na nakapasok siya ng bahay. Bakit kung sino sino na lang nakakapasok ng bahay ng di ko alam.
"I'm sorry. Who are you?" Masungit kong tanong. I don't want to sound rude pero after what happened kay Gary, medyo naging distant na ako sa mga tao. Ni wala akong tiwala sa kahit na sino. Feeling ko kasi lahat ng tao may hidden agenda kaya masyadong mataas ang pader na tinayo ko sa sarili ko.
"Ay! Pasensya na po, Mam. Akala ko po kasi walang tao. Kanina pa po kasi ako kumakatok. Kukunin ko lang po sana mga madudumi niyong damit para labhan." She said with sincerity. Nakaramdam naman ako ng regret konti dahil masungit ang bungad ko sa babae pero ayaw kong pairalin ang awa at kabutihan. Hindi ko siya kilala. Malay ko ba kung sino siya. Baka mamaya nagbabalatkayo lang siya para mapalapit sakin and then sasaktan pala ako sa huli just like Gary and Cheska to Ethan.
But wait? She said she's going to wash my clothes. Naghire ba ako ng labandera? Wala naman ata akong naaalalang kumuha ako ng labandera.
"Nagkamali po ata kayo ng bahay na pinasukan. Hindi po ako naghire ng labandera, and how did you get in here?" Tanong ko sabay bangon sa higaan. Kailangan ko na atang kumuha ng gagawa sa pagpalit ng keylock ng mga pinto sa bahay. Masyado ng maraming taong nakakapasok ng hindi ko man lang nalalaman. Like seriously? Sino pa mga taong may duplicate key ng bahay?

BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
RomantikSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...