XXIII - Reconciliation

17 5 0
                                    

Ezekiel's POV

"I thought you guys are in the hospital?" Tanong ko agad pagkapasok ko sa kwarto sa baba. Bumungad sa harapan ko si Papa na nakahiga sa kama habang si mama naman ay nakaupo sa gilid niya. Hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan ni Papa. Kahit na ang laki ng sama ng loob ko sakanila, I still care about them.

"Your dad doesn't want to. Sabi niya, baka dumating ka." Sagot ni Mama na halata sa boses ang pinipigilang iyak. Lumapit ako at tumayo sa bakanteng gilid ni Papa. Napansin ko ang ilang pamumuti ng buhok niya at mga wrinkles niya sa mukha.

Masyado ng matagal na panahon simula nung huli ko silang makita. Since the day they sent me to US, di ko na ulit sila nakita. They were reaching out to me while I'm in the US but it's my choice not to talk to them again. Habang tinitignan ko si papa na nakahiga sa kama, halata sa kaniyang itsura na mahinang mahina na siya.

Umupo ako sa gilid niya. Bumukas ang kaniyang mga mata ng dahan-dahan tsaka siya lumingon sakin. He smiled bitterly when he saw me sitting next beside him.

"I'm here now, Papa." Seryosong sabi ko sakanya. Napansin kong pumayat ng husto si papa. Noong huling kita ko sakanya, malusog na malusog siya. Pero ngayon, halos wala ng laman ang kaniyang katawan.

"Can you leave us for a while, Amanda?" Sabi niya kay mama. Mukhang gusto ni papa na mag-usap kami ng dalawa lang. Bakas sa mukha ni mama na ayaw niyang umalis at parang gustong tumutol pero dahil sa nagmamakaawang mukha ni papa, sumunod na lamang ito. Nirespeto ko lang din gusto ng matanda.

Nang makaalis si mama sa kwarto, nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni papa. He is just staring at me like he doesn't want to keep his eyes off on me. Nakita kong unti-unti pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi ko maalis sa loob ko ang awa sa matanda.

"How are you, anak?" Mahinang tanong niya sakin. Nang sabihin niya iyon, di ko naiwasang lumuha sa kaniyang harapan. Simpleng pangangamusta pero parang hinahaplos na ang puso ko. Di ko alam kung bakit. It's been a long time since I talked to him.

"I'm okay, Papa." Simpleng sagot ko. There are so many things I want to tell him. I want to ask him so many questions pero ngayong andito na ako, parang nawalan ako ng lakas ng loob para magsabi sakanya. Siguro dahil sa matagal ko na siyang hindi nakakausap. He smiled at me again bitterly.

"I'm sorry kung wala ako nung burol ni Ethan. I really want to come pero hindi na kaya ng katawan ko." Nanghihinang sabi niya. Bakas sa boses niya ang sakit at paghihirap hindi lang sa sakit niya kundi yung sakit na tinatago niya sa kaniyang loob. I wonder if ganon din ba nararamdaman niya ng mahiwalay ako sakanila.

"It's alright. I know he understands." Sagot ko sakanya para gumaan ang kaniyang loob. And I'm pretty sure, kung nasan man si Ethan ngayon, alam kong mauunawaan niya kung bakit hindi nakapunta si papa. Ethan is more understanding than me.

"How is your life in US? Maganda ba trato ng tita mo sayo?" He asked again. Kapatid ni mama ang tinutukoy neto. Si Tita Dianne ang lumaking magulang ko sa US. She treated me like her own child. Kahit na nilayo ako ng sarili kong mga magulang, naging thankful din ako kay tita Dianne dahil inalagaan niya ako.

"I'm a psychiatrist in my own clinic now. Mabait si tita Dianne. When I can finally live on my own, she sets me free. She's the best mom I ever had." Sagot ko sakanya. Si tita Dianne ang tumayong nanay ko sa mga panahong kailangan ko ang mga totoo kong magulang. Ayaw ko pairalin ang galit ko kay mama at kay papa pero di ko napigilan ang sarili ko na sabihin ang mga katagang iyon. Rumehistro sa mukha ni papa ang sakit yet he managed to answer me with a bittersweet smile.

"I'm glad." He said. Iniwas niya ang kaniyang tingin sakin tsaka pinikit ang kaniyang mga mata na parang may inaalala. "Your aunt wanted to have a kid for so long. At her age that time, she was desperate." Pagkwekwento niya.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon