XXII - The Villa of Batanes

21 6 0
                                    

Bethany's POV

Chineck ko ang oras sa wristwatch ko. Mag aalas diez na ng umaga. Medyo nagugutom ako pero kaya ko pa naman magtiis hanggang tanghalian. Kakain na lang ako pagkatapos ko kausapin si Ezekiel.

Magmula sa hotel ko papunta sa address ng lalaki, inabot ako ng tatlong oras. Hindi ko alam na ganito pala kalala yung traffic sa Manila. Sobrang daming sasakyan and sobrang daming tao. Buti hindi ako naligaw. Ang dami ko pinagtanungang mga tao.

Naubos yung Php10k ko para lang sa pamasahe at pangsuhol ko sa mga pinagtatanungan ko. I didn't know it's expensive to live here in the Philippines. Pero kung cocompute ko sa US dollar, it's not that bad. Medyo hindi pa kasi ako sanay sa pera dito sa Pinas kaya feeling ko ang laki ng 10k pesos.

Anyway, andito na ako sa tapat ng bahay nila Ezekiel. Mala-mansyon yung itsura sa labas. Yari sa mga mamahaling material kung titignan ang labas ng bahay. Totoo nga ang naresearch ko, mukhang mayaman nga ang mga Ramirez Family dito sa Pinas. Napangiti ako nang maisip ko ang lalaki. He must be inside this mansion.

"Ezekiel!" Sigaw ko sa kanilang gate. Nakita kong may doorbell sa gilid kaya pinindot ko rin yun ng dalawang beses. Nakangiti akong dumudungaw sa medyo matayog nilang gate. Naiimagine ko na yung gagawin ko pag labas ni Ezekiel sa bahay. Sasalubungin ko siya ng mahigpit na yakap at pauulanin ko siya ng halik. He will probably smile if he see me in front of the house.

Naghintay ako ng ilang segundo kung bubukas ba yung pinto at lalabas si Ezekiel para salubungin ako pero nakailang sigaw na ako sa pangalan niya at nakailang doorbell na din ako pero hindi pa rin ako pinagbubuksan ng pinto. Unti-unti nang nabubura yung ngiti sa mga labi ko.

It looks like the house is empty. I'm not sure kung tama ako pero parang walang tao sa loob. Gusto ko isipin na baka tinataguan lang ako ni Ezekiel. I'm starting to panic and getting irritated. Alam ko na tama yung address na pinuntahan ko. Imposibleng nagkamali ako ng bahay na pinuntahan. I'm pretty sure na dito nakatira si Ezekiel.

"Ay miss.. walang tao dyan. Naabutan kong umalis kanina yung dalawa." Sigaw sakin ng isang babae na nakatira sa tapat ng bahay. Awtomatikong napalingon ako sa likod ko. Lumapit naman ako ng bahagya sa babae para di kami magsigawang dalawa.

"Alam niyo po ba kung san sila nagpunta?" Tanong ko sa babae. Nagbabakasakali ako na may alam siya kung saan nagpunta si Ezekiel. Baka malapit lang at pwede ko puntahan or baka he just grab some food somewhere and babalik siya anumang oras. Pwede naman ako maghintay kung sakali. Nawala yung galak at excitement ko ng makitang umiling iling yung babae.

"Pasensya na iha. Di ko naman alam mga ganap nila pero may mga dala silang maleta at mga bag kanina." Sagot niya sakin. Parang binagsakan ako ng langit sa sinabi niyang iyon. Ramdam ko na parang naguumapaw yung negative na emotion ko sa loob. Maybe if I got here earlier, baka naabutan ko pa siya. If I know na sobrang traffic dito, mas inagahan ko pa sanang gumising. I could have gotten here sooner. Ngumiti ako ng pilit sakanya tsaka siya tuluyang nagpaalam sakin.

Muli kong nilingon ang bahay. Kung may dalang mga bagahe si Ezekiel, he probably went somewhere for vacation. He will probably gone for weeks or months, who knows how long he's going to stay on his vacation. I don't even know what to do in those days or weeks na wala siya. I want to see Ezekiel.

Naalala ko na sinabi ng babae na dalawa silang umalis. Sino yung kasama ni Ezekiel na umalis? Si Sandra kaya yon? Pero bakit sila magkasama? Gusto ko sana tanungin yung babae kanina pero wala na siya sa paningin ko.

What should I do? I can't wait that long. Baka mabaliw ako kakaisip kung nasan si Ezekiel, kung sino yung kasama niya at kung ano ginagawa nila. I went here in the Philippines to see him. Wala sa plano ko ang maghintay.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon