XIII - Just Wanna Have Fun

27 5 0
                                    

Sandra's POV

Kausap ko ngayon sa telepono si Vanessa. Ang matalik kong kaibigan noong nagtatrabaho pa ako sa kumpanya ni Frank. It's been a long time since I talked to her. Medyo gumaan pakiramdam ko dahil naisipan niya akong kontakin.

"I miss you, Sandra. Can we go out? Let's go bar." Masayang bungad niya sakin mula sa kabilang linya. Napaisip ako kung kailan ba kami last nag-usap. Wala na akong balita sakanya these past few months.

"I miss you too, Vanessa. I'm glad na tumawag ka. How are you?" Sagot ko sakanya. Iniisip ko kung makakapaghangout ba ako sakanya dahil sa tuhod ko. Nakakalakad naman ako konti pero hindi pa ganon kagaling para pwersahin sarili ko na gumalaw galaw.

"I'm doing fine. Break na kami so gusto ko sana magbar tayo to have fun. Nadedepress lang ako pag andito sa bahay. Sige na Sandra pleaseeee." Pangungulit niya sakin. Nagulat naman ako sa binalita niyang iyon. I wonder why nagbreak sila ng boyfriend niya. Last time I checked, mukhang okay naman sila.

"I want to be there for you and you know that. Kaya lang hirap pa ako makalakad. Hindi pa ganon kagaling yung bali ko sa tuhod." Sagot ko sa paanyaya niya. Gustuhin ko man sumama pero medyo mahina pa yung katawan ko dahil kagagaling ko lang hospital tapos etong tuhod ko pa kaya medyo hindi ko pa kayang makipaghangout sakanya. Ayaw ko naman sabihin sakanya na galing ako hospital kasi for sure, marami nanaman siyang mga tanong.

"Ughh! I'm so depressed na, Sandra. I really want to go out. Mababaliw ako sa kwarto ko. It's like... everywhere I look, nakikita ko siya. That's not healthy you know. Baka magpakamatay na ako sa depression. I need to unwind." Naiiyak niyang sabi sakin. I can hear her frustration and desperation.

Kahit na nasasaktan na siya, pansin parin yung pagiging kwela niya at hyper. Hindi mo siya makikitaang nagmumukmok sa gilid para umiyak at magdalamhati. She would rather go out than cry in her room.

Naawa naman ako sa kaibigan.  Nauunawaan ko pinanggagalingan niya. Alam ko kung gaano kasakit. Naiinggit ako kasi compared sakin, mas gusto niya labanan yung sakit. Ako naman, ayaw magmove on. She's a fighter. I'm not.

"I understand what you are feeling right now.." I told her. Rinig ko ang bahagya niyang pag-iyak mula sa kabilang linya. Gusto ko siya damayan. Alam ko kasi yung pakiramdam na wala kang malapitan. I'm not yet okay pero it hurts to see her like this na parang nahihirapan sa sitwasyon niya. Nalulungkot lang akong makita siyang ganito. "Okay. For you, sasamahan kita. Pero uupo lang ako sa tabi. Sasamahan lang kita okay?" Pagsuko ko. I'm not sure kung tama ba na sumama ako.

Inisip ko na lang na maybe, it can help me too to recover. I mean, we are on the same page now. Both broken. Of course, I don't want to forget Ethan. I'm just gonna hangout with her to be with her. We don't know. Maybe I'll be okay also in the long run. Nasapo ko na lang ang noo ko. Why can't I say no to this woman?

"Sabi mo yan ah. Later night? Are you down?" Sabi niya. Halos malaglag ako sa kama ko sa biglaan niyang pagdedecide. Lumingon ako sa bedside table ko to check the time and it's already 4PM. May time ba ako magmake over? Pabigla bigla naman kasi tong babaeng to.

"Teka lang. Ang bilis naman. Mamaya na agad? Ni hindi ko pa nga alam isusuot ko." Pigil ko sakanya. Nataranta tuloy ako. Naging aligaga ako bigla kung ano gagawin ko. Napabangon pa ako sa kama ko para icheck ang closet ko kung may mga damit ba ako na pwede isuot.

"Oo kasi nabobored ako dito sa bahay. Malay mo may mahanap tayong pogi mamaya. Sayang opportunity bes." Sabi niya na medyo nagglow yung boses. Kanina lang medyo malungkot yung boses. Nung boy hunting na, parang naiimagine mong pumupuso yung mga mata niya. Ganito na talaga character niya. Madalas na hyper kaya siguro nangangati ang pwet niya na magbar kasi di siya sanay maging loner.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon