Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Ang dami kasing tinuro sakin ni Jonathan kanina sa work and ang dami ko inasikaso na mga papeles na naiwan ni Ethan. Sumabog yung ulo ko sa pag absorb ng mga tinuturo ni Jonathan.
Buti medyo nagegets ko na ang pamamalakad ng kumpanya. Kaya lang need ko pa ng training talaga dahil wala talaga ako alam sa pagbubusiness. Thankful ako kay Jonathan dahil di ko na kailangan bumalik sa school. Hahaha!
Pagpasok ko sa bahay, nakita kong nakahiga si Sandra sa isa sa mga sofa sa sala habang si Manang Gloria naman ay nakahiga din sa kabilang sofa. Wala na sana ako balak pang gisingin si Manang Gloria kasi alas nwebe na ng gabi pero light sleeper ata siya dahil pagbukas ko palang ng pinto, nagkusot na agad siya ng mata. Mukhang hinihintay niya ako. Samantalang si Sandra naman ay tulog na tulog.
Sinenyasan ko si Manang na wag maingay dahil natutulog si Sandra. Sinenyasan ko din siya na magpunta ng kusina at kausapin ko siya. Agad namang tumalima ang babae at dahan dahang nagpunta ng kusina. Maingat kong sinara ang front door para di magising si Sandra at dumiretso na ako ng kusina.
"Dito na kayo matulog Manang Gloria. Gabi na. Baka mapano pa kayo sa daan. May kwarto dito sa baba. Doon muna kayo. Bukas ko na rin ibibigay yung bayad pagkauwi niyo. Kumain ba si Sandra?" Sabi ko kay Manang. Ayaw ko sana umalis kanina ng hindi nakikitang kumain si Sandra. Kaya lang naisip ko din na baka mas lalong di siya kumain hangga't nakikita niya ako kaya nagpunta na lang ako ng work agad kahit na late na ako kanina.
"Maraming salamat po, Sir. Kumain na po ata siya. Pagtingin ko po kasi sa manok kanina wala na. Buti nakakain po ako bago maubos." Sagot sakin ni Manang. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sapat na sakin na malamang kumain siya kesa malamang hindi. Hindi ko kasi alam kung pano siya aalagaan ng hindi siya nagagalit sakin.
"Kanina paba siya tulog?" Tanong ko ulit kay Manang sabay sulyap sa living area kung nasan si Sandra na mahimbing na natutulog. Natatanaw lang kasi ang living room mula sa kusina.
"Opo, Sir. Nainip po atang maghintay sakin kasi nilinis ko po ng maigi yung kwarto niya. Nilabhan ko rin po maski mga kumot kaya nakatulugan niya na paghihintay sakin na matapos." Sagot niya sakin. Masaya naman ako sa narinig. Uunti-untiin ko ang pag aayos ni Sandra sa sarili. Even if it means of dealing with her anger all the time.
"Sige po. Magpahinga na kayo sa kwarto niyo. Ako na po bahala kay Sandra." Sabi ko sakanya. Tumango naman ang babae at dumiretso na sa kwarto nito para matulog. Hinintay ko munang makapasok si Manang sa kwarto nito bago ako tuluyang lumabas ng kusina.
Dahan dahan kong pinuntahan si Sandra sa sala. Ayaw ko siyang magising. Kapag nakalikha ako ng konting ingay, baka mag alburoto nanaman siya.
Umupo ako saglit sa sahig upang pagmasdan ang kaniyang mukha. Ilang minuto ko ring tinitigan ang kaniyang mukha. God! I can stare at her all the day nang hindi nauumay. Iginilid ko ang ilang hibla ng kaniyang buhok na nagtatakip sa maamo niyang mukha.
Bumungad sakin ang mahahaba at makakapal nitong kilay. Mas lalo sigurong nakakaattract yung mata niya kung nakatingin mga yon sakin ng walang bahid na kahit anong galit. Kahit na medyo madilim sa sala, naaaninag ko kung gaano siya kaganda. Siya na ata ang pinakaperfect ang mukha sa paningin ko.
Napangiti ako habang tinitignan siya ng malapitan. She is sleeping peacefully. Kung titignan siya habang tulog, parang napakabait niya. Parang hindi mo iisiping malaamazon siya na babae. She looks like a princess waiting for her prince to kiss her. I looked at her luscious inviting lips that are partly wide open. Napakagat ako sa labi ko sa pagpipigil sa sarili ko na wag siya halikan.
Naaalala ko. This is the spot where she kissed me passionately. I was too shocked that time to respond. I thought when I didn't responded, she would stop but she didn't. Instead, she deepened the kiss like she wants me to respond to her kisses. That's when I lose my control and kiss her back.
BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
RomanceSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...