XIX - Feelings

29 6 0
                                        

Nagdecide ang dalawa kung saan kami kakain. Pinili nila ang isa sa mga expensive Korean Restaurant sa lugar. Kung titignan ang kabuuan ng restaurant, magmumukha akong squatter na naligaw ng landas sa sobrang gara at mamahalin ng bawat kagamitan sa loob.

My two men are on their business attire while I'm just wearing simple white T-shirt and a denim shorts. Para akong teenager na may kasamang dalawang tatay. Ughh! I really look a child on my attire tapos ganito pa ka-masculine mga kasama ko. Pinagtitinginan tuloy kami sa loob ng restaurant.

Biglang nauna si Jonathan samin at pumunta sa bandang sulok. He seated on a single booth chair and in front of him is a double seated booth chair. Tatabi na sana ako kay Jonathan kaso nakita kong umupo siya sa gitna na parang sinasabi niya na ayaw niya ng may katabi. That leaves me sitting next to Ezekiel.

Wala akong choice kundi katabi si Ezekiel. Nilingon ko muna siya kung okay lang sakanya pero mukha namang walang issue sakanya dahil tahimik lang siya. Nauna na akong umupo bago siya sumunod sakin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Katabi ko lang naman siya pero para na akong mauubusan ng hininga.

I looked at Jonathan and he was grinning. Napataas ang isa kong kilay. Binigyan ko lang siya ng matalim na tingin. Ito pala plano niya. Ang pagtabihin kami ni Ezekiel. Just because I said that, tingin niya talaga may gusto ako kay Ezekiel? Hell no!

I noticed Ezekiel is just looking at the menu silently. Gusto ko malaman kung ano naiisip niya sa sinabi ko kanina. Is he mad at me? Or does he think I like him? Oh gosh! Please. Not the latter part. I don't want him to think that way. Over my fucking dead body.

Biglang dumating yung waitress para kunin mga order namin. Sinabi na namin isa isa yung mga order namin tsaka kami iniwan ng waitress.

"Me and Sandra will go to Batanes next week. I'll still keep in touch pero pwede ikaw muna sa office ko habang wala ako?" Sabi ni Ezekiel kay Jonathan pagkatapos naming sabihin yung order namin sa waitress. Nanlaki naman mata ko at napalingon kay Ezekiel. Muntik ko na makalimutan yung issue na yon. Eto nanaman siya sa padecide decide niya ng hindi ako kinoconsult.

"What? I didn't say yes yet." Nagulat na sabi ko. Medyo lumakas pa yung boses ko dahil nakita kong napatingin samin yung mga nasa kabilang table. Agad naman akong nagtago sa likod ni Ezekiel. Nakakahiya!

"We already talked about this, Sandra. You're coming with me whether you like it or not." Seryosong sabi niya tsaka lumingon sakin. Nagtama ang mga mata namin. Sa di ko malamang dahilan parang biglang uminit ang mukha ko. Ewan ko sa nararamdaman ko. That's why I dont like meeting his gaze. Para akong hinihila sa mundo niya. May something sa mga mata niya nagpapahina ng tuhod ko. Iniwas ko ang tingin ko bago pa ako matunaw.

"Still, I did not agreed." Mahina pero madiin kong sabi. I can still see him in my peripheral vision that he is staring at me. Bakit ba lumalakas tibok ng puso ko pag tinitignan niya ako? Gusto ko iiwas ulo niya para di ako tignan kaso baka masyadong obvious na distracted ako sa paraan niya ng pagtitig kung gagawin ko yon.

"We had an agreement and you know that. I won't leave you alone. This case is closed, Sandra." Dagdag niya ng nakatingin parin sakin. Napatingin ako kay Jonathan na nakangiting nanonood lang samin na parang natutuwa pa na nag aargue kami ni Ezekiel. His eyes are showing amusement while watching us. Yung mukha niya para siyang nanonood ng romantic movie. Seriously?

Hindi na ako umimik pa. Ayaw ko mageskandalo at paganahin yung pagiging warfreak ko dito sa loob ng restaurant lalo na't ang daming tao. Nakakahiya kung magalburoto ako dito.

Gaya ng sabi ko, hindi ako manalo-nalo sakanya sa di ko malamang dahilan kung pano niya nagagawa yon at nakakabadtrip yung feeling. Dapat babae yung palaging tama pero sa estado namin ni Ezekiel, siya yung masusunod. Nung mapansin niyang hindi na ako sumagot, doon niya lang iniwas ang tingin niya at tinuon ang tingin niya kay Jonathan.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon