Vanessa's POV
Andito ako ngayon sa Starbucks malapit sa trabaho ko. Umorder ako ng coffee habang hinihintay si Uno. Sabi niya sakin, kailangang makausap daw niya ako at importanteng magkita daw kami. Iniwan ko yung tambak kong trabaho sa opisina para kitain siya ngayon. Buti pinayagan ako ni Sir Frank na umalis saglit kahit ang dami kong trabaho.
Ewan ko ba sa sarili ko. Alam kong kakabreak lang namin ng long term boyfriend ko pero sa ikli ng panahong nakilala ko si Uno, pakiramdam ko ang gaan ng pakiramdam ko sakanya.
Nagawa niyang alisin yung sakit na naramdaman ko sa ex ko. Hindi ko alam kung pano pero I just find myself na hindi na nagdadamdam at si Uno na lang yung hinahanap hanap ko.
Magtatatlong linggo palang kami na magkakilala ni Uno pero alam ko sa sarili kong nahulog na ako ng tuluyan sa lalaki. After we had sex nung unang araw na nagkakilala kami, akala ko hindi na siya magpaparamdam sakin dahil after nun, dalawang araw din siyang di nagparamdam sakin.
I was about to forget about him kasi sa isip ko, baka it's just a one night stand for him which is not a big deal kasi di naman ganon kalalim pinagsamahan namin. On the third day, nagparamdam din siya na ipinagtaka ko. Akala ko hindi na magtutuluy-tuloy yung nasimulan namin kaso nasundan lang yon ng nasundan hanggang sa madalas na kami magkita.
Iniisip ko kung ano naba kami ngayon. I know that we are more than friends kasi we fuck each other all the time but we are certainly not lovers as well. Nahihiya naman ako magtanong sakanya kasi he seems to be satisfied of what we are right now. Kuntento naman ako sa kung anong meron kami kaya lang napapaisip lang ako kung saan hahantong samahan naming dalawa.
Uno is a type of guy that is so mysterious. Tahimik siya at hindi socialize na tao pero hindi rin naman to the point na hindi ko na siya makausap. Kapag kasama ko naman siya, nageenjoy ako kasi mas madalas na siya magsalita kumpara noong unang week na magkasama kami.
Pero may awra parin talaga siya na sobrang misteryoso. Lalo na kapag tahimik siya. Parang ang daming tumatakbo sa isip niya and sa tuwing ganon siya, alam kong ayaw niya pag-usapan at nirerespeto ko yon. He will open up if he wants to. Gustuhin ko mang alamin, alam ko kung hanggang saan lang yung boundary ko sakanya.
Masakit ng kaonti na wala ako magawa or wala akong karapatan sakanya. Hindi rin naman ganon kasakit kasi hindi ako yung tipo ng tao na naghahabol or umaasa. I know kung saan lang ako dapat.
Oo nahulog na ako sakanya pero hindi rin ako yung tipo ng tao na naghahabol just like what I did to my ex. I just let him go. Hindi rin ako masyado nagwoworry kasi pinaparamdam ni Uno lagi sakin na magiging okay din ang lahat and he can handle it so I have nothing to worry about.
Nasa ganon akong pag-iisip nang makita kong pumasok na sa loob ng store si Uno. Nanlaki yung mata ko ng makitang may stain ng dugo yung braso ng polo shirt niya. Kahit kulay asul ang damit niya, nahahalata parin yung dugo. Hindi naman ganon kalaki pero alam kong dugo yun base sa kulay nito.
Mukhang problemado ang itsura niya pero kahit na mukha siyang namromroblema, gwapo parin ang dating. He is wearing shades and baseball cap. Ang lakas ng dating pero wala don ang atensyon ko kundi sa dugo sa damit nito. Magtatanong na sana ako kung ano nangyari kaya lang nauna siyang nagsalita sakin.
"Let's go somewhere else." Bulong niya sakin ng makalapit sabay hila sa kamay ko. Hindi naman ako nagreklamo at nagpatianod na lang sakanya. I am beginning to panic at this moment dahil sa nakikita ko sa itsura niya. Pakiramdam ko may masamang nangyari. Pero di ko pinahalata sakanya na kinakabahan na ako sa inaakto niya.
"Where are we going?" I managed to ask nang mapansin kong papasok kami sa kotse niya. He remained silent hanggang sa makapasok na kami ng tuluyan sa kotse niya. Tinanggal niya ang kaniyang shades at cap tsaka siya bumuntung hininga ng malalim. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa car headrest bago niya pinikit ang kaniyang mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/372943804-288-k906146.jpg)
BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
RomanceSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...