XXXIX - Alone

61 4 0
                                        

"He's already downstairs, Sandra." Sabi sakin ni Dennis nang pumasok siya sa kwarto ko. Tapos na ako magready nang sabihin niya na nasa baba na daw si Ezekiel. Hindi ko maiwasang kabahan.

It's been 4 days since the last time I spoke with him. Apat na araw ko na ring hindi siya nakikita kaya grabe yung kaba ko nang mga sandaling to. Feeling ko nanlalamig kamay ko sa sobrang pagkataranta.

Nagpalitan kami ni Dennis ng number bago ako lumipad papuntang Manila mamaya para makausap ko parin siya at hindi maputol and connection namin sa isa't isa. Alas dose pa lang ng hapon. Wala ko idea kung anong oras ang flight namin. Good thing sinabi sakin ni Dennis kung ano oras ako susunduin or else, I'm not gonna able to get ready on time.

Bumaba na ako ng kwarto para salubungin si Ezekiel. Ang bilis ng tibok ng puso ko. I don't know kung ano ba dapat ko sabihin or reaksyon kapag nakaharap ko na siya. Hindi naman pwedeng magalit ako kasi una sa lahat, ako yung nagsabing itigil na namin to. Pangalawa, I can't just say I miss him after all the things I'd said. Hindi ko alam na ganito pala kaproblemado kapag in love. Ni hindi ko alam gagawin ko.

Pagbukas ko ng front door, napasinghap ako ng makita yung kakisigan at kagwapuhan ni Ezekiel. Mga ilang segundo din ako naestatwa at nakatingin lang sakanya. He is wearing white polo and the two buttons on the upper part was unbuttoned. He paired it with black shorts and sneakers. Simple outfit but it makes him manly and sexy.

Our eyes lock for a second. Pakiramdam ko nagslow motion lahat ng paligid nung magtama yung mata namin. At this moment, I definitely miss him so much. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan ulit. Parang mapaghanap ang katawan ko sa presensya niya. I saw his eyes sparkles when he saw me.

Napangiti ako ng bahagya dahil parang nabigyan ako ng pag-asa na baka miss niya rin ako and he wants to talk to me now. Alam ko martir pakinggan pero hindi ko lang makontrol sarili ko na maging masaya ngayong nakita ko na siya. Agad nawala yung ngiti ko ng bigla niyang iniwas ang tingin niya tsaka dumiretso ng tingin kay Dennis at nilapitan ito.

Pakiramdam ko nawalan ako ng hininga sa ginawa niya. It's the first time na hindi niya ako pinansin. He will always give attention sakin o kaya mangungulit pero ngayon, ni isang word, wala ako natanggap. Napagod naba talaga siya sakin? Now I know na hindi ko lang guni-guni na hindi siya nagchachat sakin dahil busy siya or whatever. He is totally ignoring me at all.

Kakakita ko palang sakanya, ang bigat na agad ng pakiramdam ko. We never talked for 4 days, and he is acting like he doesn't care at all na parang wala lang ako sakanya. Sa apat na araw, ni hindi niya ako namiss samantalang nakikiusap siya non na wag ako matulog kila Dennis. Am I some kind of a joke to him?

Grabe, ang sakit!

I feel like I'm about to cry and my chest tightened as I see him walk past by me without even saying Hi to me. I smiled bitterly. I guess, I have to ignore him throughout the ride then.

Dumiretso siya kay Dennis para magpasalamat na ikinakapagtaka ko dahil nong last na nakita ko silang magkausap, they are like cats and dogs, but right now, they seemed to be just fine. Gusto ko sana magtanong kung ano nangyari pero siguro hayaan ko na lang. Mas maganda na makita silang okay kesa nag-aaway plus I don't think may balak si Ezekiel na kausapin ako.

After niya kausapin si Dennis. he carried my things and put in the trunk without saying a word again. Nagpaalam na ako kay Dennis tsaka bagsak ang balikat na sumunod na lang ako kay Ezekiel ng tahimik. Sasakay na sana ako sa passenger seat ng biglang buksan ni Ezekiel yung backseat pagkalagay ng mga luggages ko. Kumunot ang noo ko tsaka siya tinignan pero hindi siya nakatingin sakin. Nagtaka naman ako kasi wala parin siyang sinasabi kahit ano.

Resisting EzekielMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon