XII - Favor

33 6 0
                                    

Sandra's POV

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong medyo mainit na basang bimpo sa noo ko. Medyo nagiginhawaan ang pakiramdam ko dahil don. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si Ezekiel na pinupunasan ako ng basang bimpo.

"Good thing you're awake now. You feel better now?" Tanong niya sakin. Dahan-dahan akong bumangon. Nakatulog pala ako sa sofa. Sa sobrang hilo ko ata kanina, nakatulog ako ng mahimbing. Nasa ibabaw din ng mesa ang mga gamot na binili niya at yung sinabi kong donut at burger.

"What time is it?" Tanong ko sakanya. Maliwanag pa naman sa labas kaya alam ko na baka nakaidlip lang ako. Nawala na rin ang hilo at sakit ng ulo ko. Kahit ang tyan ko ay normal na din. Medyo nanghihina lang talaga ako.

"Mag-aalas dos na ng hapon. Ang haba ng tulog mo. Nagugutom kaba? I bought you donut and burger. Kung gusto mo kanin, paghahanda kita." Sabi niya sakin. Laking gulat ko naman na ganon na pala kahaba yung oras ng tulog ko.  Narinig ko ang pagtunog ng tyan ko. Oo nga pala. Hindi pa pala ako kumakain simula kanina. Isang subo lang ata nagawa ko kanina tapos isinuka ko pa.

"I'm okay with these. Thank you." Simpleng sagot ko bago nilamutak yung burger at donut. Kulang na lang pati box kainin ko sa sobrang gutom ko. I can feel he is focused on watching me eating. Napalingon ako sakanya at kitang kita sa mukha niya ang amusement. "What's with that look? You look like a pervert." Singhal ko sakanya kahit na hindi masyado naiintindihan sinabi ko dahil puno ng pagkain bunganga ko.

"I'm sorry. I'm just surprised na ganito ka pala katakaw." Sabi niya habang pailing iling. Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Nagutom lang ako dahil hindi ako kumain kanina.

"Bakit? May mali?" Masungit ko paring sabi sakanya habang patuloy parin ako sa pagkain. His opinion doesn't matter so kakain lang ako hangga't gusto ko.

"Nothing. You're just too cute." Sabi niya habang nakatingin sakin. Bigla naman akong nabilaukan sa sinabi niya. Nagrehistro sa mukha niya ang pag-aalala. "Gosh! Sandra dahan-dahan ka sa pagkain. Nabubulunan ka sa ginagawa mo." Paninita niya sakin. Umalis siya sa harapan ko at nagpunta ng kusina. Kumukuha siguro siya ng tubig.

Bakit ba niya kasi sinabing cute ako? Hindi ko alam kung inaasar ba niya ako o nagsasabi siya ng totoo. It's not my first time receiving a compliment pero nakakagulat lang kasi out of nowhere naman niya sabihin eh kumakain lang ako.

Ilang segundo lang ay may dala dala na siyang isang basong tubig galing kusina. Ininom ko yun agad pagkaabot. Hindi nga ako mamamatay sa kalasingan. Mamamatay naman ako sa pagkapatay gutom. Guminhawa naman pakiramdam ko ng makainom ako ng tubig. Medyo nararamdaman ko din na parang pabusog na ako.

"What do you feel now? Nahihilo ka pa ba? " tanong niya sakin. Bakas parin sa mukha niya ang pag-aalala. Bakit ganon pakiramdam ko? Abnormal ata ako. I don't want to compare pero bakit ko nararamdaman na mas maalaga si Ezekiel kesa kay Ethan. Mahal ko si Ethan and I really appreciate all the love and care he gave me. Pero habang tumatagal na kasama ko si Ezekiel, mas nakikita ko pa lalo yung differences ng dalawa and I hate what I am feeling kasi kinukumpara ko na silang dalawa.

"I-I feel better now. Thank you." Medyo mahina kong sabi. Do I really hate him? Or I'm just looking for someone to blame because in reality, I'm blaming myself why I lose Ethan. Kasi kung tutuusin, he didn't kill anybody. He didn't hurt anybody. All this chaos was because of Gary's selfishness and greediness. Dumagdag pa yung pagiging matigas ang ulo ko kaya mas lalong napahamak yung mahal ko sa buhay.

"What are you thinking? You seemed confused and sad? Is there something wrong?" Tanong niya sakin. Nahuli niya siguro akong malalim ang iniisip. Why does he care so much about me? Hindi naman niya ako kaano ano. Does he really like me that much to take care of me like this? Parehas ba sila ni Ethan ng nararamdaman para sakin?

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon