XXV - Private Doctor

57 5 0
                                        

Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga reclined lounge chair sa pool area ng bahay. I am wearing my ombre knitted strapless long sleeve top and triangular swimwear bottom tapos pinatungan ko lang ng hollow out skirt. Malamig ang simoy ng hangin pero di gaano dahil sa tirik ng araw. Perfect para magchill dito sa labas.

Mabuti na lang at hindi ko nakita mama ni Ezekiel. Hindi ko siya nakita sa kahit anong sulok ng bahay. Kahit si Ezekiel, di ko nakita kaninang paggising ko. Medyo okay naman pakiramdam ko nang magising ako kaya hindi ko na hinanap kung asan siya. He probably went somewhere to do important things. Siguro kaya ko naman ihandle sarili ko ngayon.

Naalala ko bigla kung ano nangyari kagabi. Ezekiel told me to sleep with him last night in his room. Hindi ko rin alam kung pano ako napapayag. His reason is, he doesn't want me to go anywhere. Hindi ko naman alam kung saan niya nakuha yung ideya na yon or kung pano niya naisip yon dahil wala naman ako sinasabi sakanya pero parang nababasa niya kung ano gusto ko gawin.

After what happened yesterday, I was really planning to leave this house pero hindi ko naman alam ano next na hakbang ko dahil I can't do it alone. I don't even know kung pano ako bababa ng bundok. I can't drive as well dahil sa bali ko and kung sakali, ano gagamitin ko? I am thinking so many things to leave the house but it's too complicated.

It's a blessing in disguise din na dumating si Ezekiel sa mga oras na nararamdaman kong nag-iisa ako. Having him last night makes me feel okay. Lumuwag nang husto ang pakiramdam ko. Hindi nga lang ako nakatulog ng maayos kagabi dahil first time ko siyang nakatabi sa kama. Akala ko nga may gagawin siya sakin pero nakayakap lang siya sakin hanggang sa makatulog siya.

Good for him at nakatulog siya agad samantalang ako, gising ata buong diwa ko sa posisyon naming dalawa kagabi. I could have said no to him when he told me I will sleep with him last night but I found myself letting him pull my hand going to his room.

Kahit habang hila niya kamay ko papasok sa kwarto niya, hindi man lang ako pumalag. Maybe last night, gusto ko ng may kasama so I have no time to think kasi panigurado, kung mag-isa ako baka umiyak nanaman ako.

Habang yakap niya ako kagabi, doon ko napagtanto na I want to be close to him. I want him near me. Ayaw ko siyang lumayo sakin dahil siya lang nakakapagpanatag ng loob ko. Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman to pero yun ang narealize ko nitong nagdaang araw.

Siguro sa paulit-ulit niyang pagaassure na hindi niya ako pababayaan and he always protect me all the time, unti-unti ko nararamdaman yung safety ko when he's around. He can stop my worries and fears in his presence. Yun ang kailangan ko sa mga panahong binabagabag ako ng mga negative thoughts and emotions ko.

Siguro ang gagawin ko na lang ngayon ay magtiis ng dalawang linggo bago kami umalis dito. Feeling ko nga ang bagal ng oras pero wala ako magagawa kundi hintayin si Ezekiel until he decides to leave this house pero sa totoo lang, atat na ako umuwi.

Ayaw ko naman mag-inarte at ayain siyang umuwi dahil alam ko na gusto niya makasama ang tatay niyang may sakit. I don't like to be selfish. Kahit ngayon lang, hayaan ko siyang makasama ang tatay niya.

Nasa ganon akong posisyon nang may nakita akong pumasok sa swimming pool area at dumiretso siya sa railings para tignan ang tanawin sa labas. Nakasunod lang ang tingin ko sakanya.

It's my first time na makita ang lalaki. Kahit nakatalikod siya sakin, alam kong hindi siya si Ezekiel. Mukhang di ako napansin ng lalaki dahil nasa gilid kasi ako ng entrance ng pool kaya pagpasok niya, hindi ako agad mapapansin.

He is wearing simple gray long sleeve and pants paired with white sneakers. Medyo neat din ang haircut niya. Feeling ko ang tawag sa haircut niya is faux haux. Pansin ko sa side view niya na trim din ang stubble beard niya. He looks gorgeous. Sino kaya siya?

Resisting EzekielMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon