L - Final Chapter

29 3 1
                                    

Ezekiel's POV

It's been five months since I went back here in US. Maraming nangyari sa limang taon na yon. Nagawa naming maadmit si Bethany sa isa sa mga hospital na nagtretreat sa sakit ng babae dahil narin sa tulong ko.

Tama nga mama ni Bethany. Kung wala ako, mahihirapan siyang kontrolin ang anak. Ako lang kasi yung nakakapagpatahan kay Bethany. Kapag andyan na ako, kusang kumakalma ang babae. It sucks kasi limang buwan araw araw na kailangang nasa tabi ako ng dalaga.

Nitong buwan lang, nakikitaan namin ng magandang senyales na gumagaling na si Bethany. May pagkakataon na hinahanap ako ng babae pero lately, hindi ganon masyado. Parang kahit na hindi ako magpakita, she is functioning well as a human na ipinagpasalamat ko.

Sa limang buwan na pamamalagi ko sa US, pakiramdam ko miserable ang buhay ko dahil hindi ko pa nakakausap si Sandra. Limang buwan na ang nakakalipas simula nung umalis ako ng Pinas and all I can think about is her.

Walang araw na hindi ko siya naiisip and sa tuwing naiisip ko siya, gustung gusto ko na bumalik ng Pinas pero di ko magawa dahil di pa magaling si Bethany. Ayaw din ako pakawalan ng mama niya dahil hindi pa nakikitaan ng magandang resulta ang anak.

Nakukuntento na lang ako sa mga update ni Jonathan sakin. Palagi kong kausap si Jonathan tungkol kay Sandra. Kung kumain naba to or kung asan siya. Binilin ko kay Jonathan na i-make sure na safe si Sandra at hindi pinapabayaan ang sarili.

Natutuwa naman ako sa mga balita sakin ni Jonathan dahil nakita kong nag-improve nang husto si Sandra. Nagulat ako ng ibenta niya ang kumpanya at ang bahay. Hindi naman ako against sa mga plano ng babae pero biglang naging palaisipan sakin kung bakit niya ginawa yon. Is she planning to forget everything and move on?

Nang tanungin ko si Jonathan about don, hindi niya ako sinagot. Ewan ko ba sa lalaking yon. Binilin ko siya na iupdate ako palagi sa mga ginagawa ni Sandra pero may pagkakataon na parang may tinatago siya sakin. Just like three months ago.

He stopped updating everyday. Yung update niya is every other day or twice a week. Kapag tinatanong ko bakit ganon na siya mag-update, sinasabi niya na busy siya lately which is ipinagtataka ko dahil kahit busy siya, he always make sure to update me.

Kung plano ng dalaga na magmove on, does that mean wala na ako babalikan sa pinas? Am I not allowed to go back to her and explain everything? Nang sabihin sakin ni Jonathan mga plano ng dalaga, nagsimula akong mahirapang makatulog.

Lagi kong iniisip na sana matapos ko na problema ko kay Bethany para makabalik na ako ng Pinas. Iniisip ko palang na nagbabagong buhay na ang babae, parang pakiramdam ko, she doesnt want to do anything with me anymore. Na parang binubura niya na ako ng tuluyan sa buhay niya. Hindi naman sa hindi ako natutuwa sa mga ginagawa niya, pero pakiramdam ko lang na ginagawa niya lahat ng to dahil gusto niya na magbagong buhay ng mag-isa. Nang wala ako.

"Looks like you're in deep thought. Hindi mo man lang narinig sinabi ko." Biglang sabi ng mama ni Bethany. Napabalik ako sa katinuan ng magsalita siya. Nakalimutan kong kasama ko pala siya. Andito kami ngayon sa isang coffee shop. She said she wants to talk to me kaya nakipagkita ako sakanya.

"I'm sorry. What did you say again?" Tanong ko sakanya. Di ko maalala kung ano sinabi niya sa sobrang lalim ng iniisip ko.

"You look like a mess. Natutulog kapaba?" Tanong niya sakin. She is right. I look like a mess. Wala ako laging maayos na tulog dahil lagi kong iniisip si Sandra. Minsan nagsisisi ako na sumama ako sa US dahil pakiramdam ko mas lalong lumalayo loob sakin ni Sandra. Parang minsan naiisip ko na pinili ko na lang magtago kahit saan man basta kasama ko lang ang dalaga pero alam kong selfish ako kung gagawin ko yun. I want to give Sandra a peaceful life.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon