"Sigurado kaba sa gagawin mo, Sandra?" Tanong sakin ni Atty. Bonifacio. Nasa office niya ako ngayon habang pinipirmahan ang mga papeles. Tumango tango ako sakanya.
"I have to start a new leaf and this is what I know the best for me." Sagot ko sakanya bago ko ibinigay ang mga papeles na pinirmahan ko. Nakita kong ngumiti siya tsaka tinanggap ang mga papeles sa kamay ko.
Nagpaalam na ako sakanya bago ako tuluyang lumabas sa opisina. I didn't regret what I did. Alam kong maraming bagay na mahalaga kay Ethan pero pakiramdam ko, maraming masasakit na ala-ala ang kailangan kong ibaon.
Hindi ko magagawang magmove-on kung ikekeep ko sa mga kamay ko ang mga bagay na hindi ko kayang alagaan ng sarili ko. I want to start something new all by myself. I want to see my capabilities and how far I can go.
"I can't believe you sold the company to me." Biglang sabi ni Jonathan na nasa driver seat. Andito naman ako sa passenger seat. Nagmeet kami ngayon kay Atty. Bonifacio dahil binenta ko sakanya yung kumpanya.
Masaya ako na mapunta ang kumpanya kay Jonathan. Alam kong mas kaya niya patakbuhin kesa sakin. Ngayong wala si Ezekiel, kailangan ng taong magmamanage ng kumpanya and hindi ko kaya iyon. Mapagkakatiwalaang tao si Jonathan and I dont see anyone that can handle the company more than him. Panatag na ako kahit papano.
It's been two months simula nung insidente kay Ben. Masasabi kong miraglong nakakapaglakad na ako after that. Nang madischarge ako sa hospital, pinag-isipan ko ng mabuti yung mga magiging hakbang ko.
Buti nagawa kong ibenta yung kumpanya kasi ang pagkakaalam ko, I need Ezekiel's consent para mabenta ko mga property na nakapangalan din naman sakin. Napag-alaman kong yung mga binasang last will and testament ni Ethan ay fake.
Wala talagang ganon na nakasulat. Although lahat ng property ay nakapangalan talaga sakin, ang tanging fake lang ay ang pagbibigay consent ni Ethan kay Ezekiel na manirahan sa bahay ko at yung need ko ng consent ni Ezekiel para ibenta ang bahay or kumpanya.
Ethan made it clear na yun ang ipalabas sakin para hayaan kong manirahan si Ezekiel sa bahay. I don't know why he did that and when I asked Atty. Bonifacio, he just shrugged. Hindi naman ako nagalit kay Ethan sa ginawa niya. Nacurious lang talaga ako bakit niya ginawa iyon.
"I have to start from the scratch." Tanging sagot ko kay Jonathan. Yun ang naisip kong panimula para sa sarili ko. Nagsimula ako sa pagbenta ng kumpanya kay Jonathan. Kailangan kong i-let go ang kumpanya dahil pakiramdam ko, hindi ko kayang magwork don.
Masyado maraming nangyari sa buhay ko and lahat ng iyon ay nagbibigay sakin ng sakit at trauma. Simula kay Ethan at Gary hanggang kay Ben. I feel like if the company is still on my hands, nakabaon parin ako sa past. I'm still on Ethan's shadows. It's not that I don't want to remember him. I just want to move on.
"I understand pero bakit pati bahay niyo binenta mo?" Dagdag tanong niya sakin. Mula sa labas ng bintana ay napatingin ako sakanya. Diretso lang ang tingin niya sa daan. Binalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana.
"All I can feel in that house is pain. Painful memories that I want to get over with." Sagot ko. After ko madischarge sa hospital, ang tanging nararamdaman ko sa loob ng bahay ay emptiness at pain. Masyadong maraming ala-ala ang bahay na yon na mas lalong nakakapagpadepress sakin.
Magmula sa mga memories ko kay Ethan hanggang sa mga panahong kasama ko si Ezekiel. Pakiramdam ko sa bawat segundong namamalagi ako sa loob ng bahay, mas bumibigat yung pakiramdam ko.
Parang masyado pang fresh yung mga alaala na kailan lang kasama ko si Ezekiel sa bahay and now, it's all just memories. Sa bawat araw na dumadaan, mas lalo ko nararamdaman yung pangungulila ko kay Ezekiel. And I can't talk to him hangga't di ko pa naaayos lahat ng dapat kong ayusin para sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
Storie d'amoreSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...