VIII - Caring Hands

25 6 0
                                    

Dahil medyo okay na ako, pumayag na rin ang hospital na i-discharge ako. Sabi ng doctor, okay naman na daw ako. I just need to better take care of myself and do some activities for me to recover. I don't know much about other details dahil si Ezekiel naman ang kausap hindi ako.

Nang palabas na kami ng hospital, lumapit samin ang isang nurse na may dalang wheelchair. Napansin kong nakaunbutton yung dalawang butones sa taas kaya medyo napapansin yung cleavage niya. Is that how they supposed to dress?

"Mam, gusto niyo po magwheelchair? Para di po kayo mahirapan magpunta sa kotse niyo." She asked me. Lumingon ako sa babae. Tumaas ng kusa ang kilay ko sakanya. Ano tingin niya sakin? Baldado? Nakakalakad naman ako kahit papano. Pansin ko na malagkit din ang tingin niya kay Ezekiel. Did she really want to help me or makalapit lang kay Ezekiel?

"Thank you for your concern. I think she's fine. Andito naman ako para alalayan siya." Narinig kong sabi ni Ezekiel sa nurse. Ngumiti naman ang babae nang pagkatamis tamis kay Ezekiel. Wala naman ako pakialam kaya lang naiirita ako sa pagngiti ng babae. Mukha siyang kabayong sinuntok sa sikmura.

Buti na lang nakaramdam si Ezekiel. I really don't like when people treat me like I'm some kind of a disabled person that needs special treatment. Normal pa ako. I just have an injury. Di pa ako lumpo.

Habang naglalakad kami papuntang parking lot, bigla akong nahilo. Muntik pa akong ma out of balance. Buti na lang maagap si Ezekiel at nasalo niya agad ako. I feel so weak. Ilang hakbang palang nagagawa ko, ang lakas na agad ng tibok ng puso ko. Para akong tumakbo ng sampung kilometro.

"Sandra..." Bakas sa boses niya ang pag-aalala. "Are you okay? Kaya mo ba maglakad?" Tanong niya sakin. Hindi ako sumagot. Trinay kong tumayo ng maigi at maglakad para di ko na kailangan ng tulong niya kaso nung umisang hakbang ako, para nanaman akong matutumba. Nakaalalay lang si Ezekiel kaya nasasalo niya ako agad. "Let me hold you." Sabi niya. Wala na ako nagawa dahil nanghihina yung katawan ko. It's like dumidilim paningin ko kapag humahakbang ako. Hinayaan ko na lang na alalayan niya ako.

Hawak ng isang kamay ni Ezekiel ang kanang kamay ko at ang kabilang kamay naman niya ay nakahawak sa kaliwang balikat ko. Inaalalayan niya akong maglakad papunta sa kotse niya. Hindi ko alam na sa dulong bahagi pala siya nagpark. Mag-iinsist sana ako na ako na lang maglakad mag-isa pero I feel like my body is still weak dahil sa isang linggong hindi ko pagkain.

Biglang nanlambot yung tuhod ko sa paglalakad. Muntik na akong mapaupo dahil biglang kumirot ang bali ko sa tuhod.

"A-aray." I exclaimed softly. Nagsisisi tuloy ako bakit di ako nagpawheelchair. I thought kaya ko. Nagkasabay yung panghihina ng katawan ko at ng bali ko sa tuhod kaya nahihirapan ako maglakad.

"Bubuhatin na kita. Your body still weak." He said. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Gusto ko sana tumutol kaya lang wala akong lakas. Parang naubos lahat ng tubig ko sa katawan. In just one snap, buhat buhat niya na ako na parang bagong kasal. He didn't asked me kung okay ba akong buhatin. Bigla na lang niya akong binuhat. "You're so light. You need to eat more." He said while still carrying me. Parang wala ngang effort na binuhat niya ako.

Habang buhat niya ako, amoy na amoy ko ang kaniyang pabango. He smells so good. Yung amoy na sisinghutin mo ng matagal hanggang sa maubos yung amoy ng pabango niya. He smells so manly.

Tinuon ko na lang sa ibang direction and attention ko.  Why am I paying attention sa features niya? So what kung mabango siya? As if I care. I'm not the type of girl na mahuhumaling dahil lang sa mabango siya. Nagkataon lang na malapit siya kaya naaamoy ko siya.

Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng kotse niya. Inopen niya yung passenger seat habang buhat ako tsaka ako dahan dahan na binaba sa loob ng kotse.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon