Sandra's POV
Simula nang mamatay si Ethan, napansin ko na marami ding nagsialisan na mga empleyado. Ilan lamang sakanila ang nanatili habang napalitan naman ang ibang nagsialisan.
Naging mas okay naman yung sitwasyon sakin dahil hindi ako nakakafeel ng awkwardness dahil narin sa issue namin ni Ethan noon. Kahit na alam na ng marami na hindi ko totoong tatay si Ethan, in their mind, he was still my father.
Andito ako ngayon sa dating office ni Kate at dahil pinatalsik siya, ako na ngayon ang nakaupo dito sa office niya. It's not that I want her gone, It's just that I'm not ready to go to work. Ano akala ni Ezekiel sakin? Robot?
Minsan di ko maintindihan yung lalaking yon. Last night, he was staring at me like I'm the prettiest girl in the world. Pero kaninang umaga na papunta kami ng work, akala mo may regla kung dedmahin ako. I don't care naman kung ano issue niya sa buhay. Kaya lang, nalilito na ako sa personality niya.
Maraming pagkakataon na tititigan niya ako ng matagal na parang may gusto siyang gawin sakin then after that magsusungit. Normal ba yon? Hindi ko na alam kung masungit ba o jolly ang personality niya. Ang alam ko lang, di ko na siya magets. Para bang iniiwasan niya ako na hindi.
Kanina pa ako nakatunganga sa laptop ko. Wala namang masyadong pinapagawa sakin si Ezekiel. Gusto niya lang naman iarrange ko yung meeting schedule niya for the whole month. It's not that much to be honest. Kayang gawin ng dalawang oras kung chill lang or isang oras kung mabilisan. Gusto ko lang talagang tumunganga kasi nga, wala pa ako sa mood bumalik ng trabaho.
Ezekiel doesn't want to leave me alone inside the house kahit anong pagpupumilit ko so I ended up going back to work. I was forced to go back to work kahit ayaw ko. Si Ezekiel lang nakakagawa non sakin at hindi ko maintindihan bakit ako sumusunod. Arrggg!! This is frustrating!
Nasa ganon akong huwisyo ng biglang bumukas ang pinto ko at niluwa non si Ezekiel. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Medyo natigilan naman ako dahil kakaiba yung aura niya ngayon. Para siyang balisa na ewan. Napadiretso ang mukha ko.
"Mapapaaga ang punta natin ng Batanes. Tinakbo kanina si Papa sa hospital. We might need to book a flight for tomorrow. Maaga tayo uuwi mamaya to pack our things." Medyo cold niyang sabi sakin. Bigla ako nakaramdam ng pag-aalala para kay Ezekiel. Is he okay? Alam ko na di biro yung sakit ng papa niya. Alam ko na nag-aalala siya. At hindi ko alam bakit ako nag-aalala? Why am I feeling this towards him?
I nodded automatically. This is not the right for me to be a bitch. Kahit na magreklamo ako, wala namang mangyayari. Dito pa nga lang na ang lapit ng bahay, ayaw na ako payagang mag-isa at mahiwalay sakanya. Doon pa kaya sa batanes na milya ang layo.
He walks out the door silently. Hindi ko maiwasang mapaisip kung okay lang ba siya. Next time I heard his conversation with his mom, I feel like something is going on. Para siyang may tinatagong galit and right now, he looks worried. Is it really okay to tag me along with him?
Dumaan ang mga oras na nasa opisina lang ako. Kanina ko pa inasikaso yung mga meeting schedule niya. Wala na siyang ibang pinagawa sakin dahil siguro kababalik ko lang sa work at ayaw niya ako pwersahin. Sabi niya kanina, mga around 3, uuwi na kami para magready for two weeks vacation sa Batanes.
Mag aalas dos y media na. Tatlumpung minuto na lang ang hihintayin ko bago kami umuwi. Inistretch ko mga paa ko kasi nangangalay na. Nakakapagtaka na unti-unti nang bumabalik sa dati yung tuhod ko. Nakakalakad na rin ako ng diretso pero hindi gaano. Siguro mga isang buwan pa to. Wag lang ako tatakbo dahil baka mapwersa ang mga tuhod ko.
Nasa ganon akong position nang pumasok ulit si Ezekiel sa office. He looks very tired pero nananatili parin ang neatness ng itsura niya. Nakaunbuttoned ang dalawang butoness ng polo niya sa taas and nakaloosen ang tie niya. Nakasabit sa kaniyang arm ang business coat neto. Medyo magulo din ang hair neto pero hindi mukhang gusgusin. He looks very hot. Napaaga ata siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
RomanceSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...