Sandra's POV
"I'm not going anywhere with you." Sabi ko ng makuha na namin yung Jollibee na binili namin on our way home. Ito yung unang pagkakataon na nagsalita ako since yesterday. Naiinis ako na hindi porket hinahayaan ko siya na bumawi eh magdedecide na lang siya na kung ano gusto niya. At tsaka wag siyang mag act na okay kami dahil hinding hindi mangyayari yon.
"I can't leave you alone, Sandra." Maikling sagot niya sakin. Napakunot noo naman ako sa sinabi niyang iyon. Padabog akong lumingon sakanya. Seryoso lang siyang nakatutok sa daan. I'm back to being grumpy again.
"First of all, you didn't ask me if I want to come. Second, not because I am letting you make it up to me, that doesn't mean we are friends and I have to go with you." Masungit kong sita sakanya. Lumingon siya saglit sakin tsaka itinutok ulit ang atensyon niya sa daan. Nung marinig kong sinabi niya sa mama niya na isasama niya ako, agad umusok yung ilong ko. I really don't have that much memories with their parents kasi bata pa lang ako ng iwan na nila si Ethan and I never had contacts with them after that.
"I won't ask you because you will say no. I'm not leaving you behind, Sandra. Ayaw kong mangyari ulit yung ginawa mo so I have to keep an eye on you." Kalmado paring sabi niya sakin. Ngayon ko lang napansin na magkaiba din ng tinis ng boses ni Ezekiel at ni Ethan. Mas malalim at brusko ang boses ni Ezekiel kumpara kay Ethan. Hindi maikakailang na malakas ang appeal niya sa mga babae.
Nakabusangot na inalis ko tingin ko sakanya at muling tumingin sa labas ng bintana. Ito yung dahilan kung bakit naiinis ako. He supposed to listen to me and not the other way around pero mas boss pa siya kung umasta. Unlike sa kapatid niya, si Ethan, kapag galit na ako or tumataas na boses ko, he would simply apologize or hindi niya ako kayang tiisin.
But with Ezekiel, kailangan ko muna umiyak ng dugo bago niya ako sundin or maybe not, kasi if he says no, it's a no. Ang kinakabwisitan ko, why can't I have the power to control him? Siya na nga nagkasala pero bakit ako pa kailangang sumunod sakanya? Bakit ang baliktad?
Hindi ko siya kinibuan hanggang sa makarating kami ng bahay. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko siya kikibuin. Feeling ko tuloy wala na akong sariling desisyon. Why does he keeps on telling me what to do? Parang gusto ko pagsisihan na pumayag akong bumawi siya.
"Sandra.." pagtawag niya sakin. Hindi ko siya nilingon. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad papasok sa bahay.
Bwisit lang tong tuhod ko, kung hindi ako napilay, mabilis pa sa alas kwatro ako makakarating agad sa loob ng bahay kaso dahil paika-ika ako, mas mabagal pa ako sa pagong. Naramdaman ko ang kamay niyang pinigilan ang braso ko.
"Sandra... will you just please calm down?" Sabi niya habang pinipigilan ako. Nagpumiglas naman ako at sinusubukang makawala sa mga kamay niya pero masyadong malakas ang kaniyang kamay. Walang laban ang mahinang katawan ko sa lakas ng katawan niya.
"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako." Sigaw ko na humarap sakanya bago hinila ang braso ko mula sa kamay niya. Tinitigan ko siya ng masama. His face is deadly serious pero hindi naman siya mukhang papatay. More like 'listen to me or I'll make you punish' look.
"Okay. I'll give you a deal." Sabi niya sakin. He look at me in the eyes. Biglang nagbago ang expression ko. Para akong nahypnotize sa paraan ng pagtitig niya sakin. Nagmistula akong maamong tupa nang tignan ko ang mga mata niya. Bakit ganon? Anong meron sa mga mata niya? Para akong hinihigop sa mundo niya. Why am I getting lost with his gaze? Ethan will look at me like this also but not as deep as Ezekiel's. "If you're going to prove that you're not gonna hurt yourself, I will leave you alone. If not, I'm gonna stick with you for the rest of your life." Pagtatapos niya habang nakatingin parin ng diretso sakin.
BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
RomantizmSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...