Amanda's POV
Inaayos ko na ngayon yung higaan ni Elixir dahil oras na ng kaniyang pagtulog. Hindi siya pwedeng mapuyat kaya kapag kailangan niya na matulog, inaasikaso ko na at sumasabay na rin ako sa pagtulog niya.
Mahinang mahina na ang katawan niya kumpara last year na sobrang lakas pa. Gabi gabi umiiyak ako nang patago dahil iniisip ko na anumang oras, kukunin na siya sakin pero kailangan ko yon tanggapin. Una kinuha sakin si Ethan, and now, my husband.
Gabi gabi ko rin iniisip si Ethan na sana nakapunta ako sa burol niya pero di ko rin magawang iwan si Elixir dahil sa kalagayan nito. Mahina na ang katawan niya at hindi na siya masyado makalakad. Ayaw ko naman siya iwan dahil nag-aalala din ako na baka may mangyaring masama sakanya. Kinampante ko na lang sarili ko na andyan si Ezekiel para asikasuhin ang kapatid nito then dadalaw na lang ako sa puntod ni Ethan pag nagkaoras na ako.
"Sandra seems to be a sweet child. I can sense that she truly loved Ethan more than anyone even if I don't know the whole story of them." Biglang salita ni Elixir habang inaayos ko ang kaniyang kumot. Kabaligtaran ko siya ng personalidad. He can see goodness in people. I am not. Hindi ako madaling magtiwala sa isang tao. Kahit na nakagisnan ko si Sandra bilang apo ko, nag-iba ang pananaw ko ng malaman ko ang balita and after that, hindi ko na siya makita bilang pamilya.
"You heard the news, Elixir. Sandra is not our grandchild. It's obvious that her mom fooled our son to get his wealth. What else could I possibly think?" Sagot ko sakanya. Napag-usapan na kasi namin noon ito ni Elixir and gaya ngayon, hindi ko maintindihan bakit di niya makuha yung point ko na niloko ni Tara si Ethan. Ngayong patay na ang dalawa, I really think that Sandra is trying to fool Ezekiel. It runs on their blood. Hindi naman malabong maloko ang anak namin ni Elixir dahil nararamdaman kong malalim ang pagtingin ni Ezekiel sa dalaga.
"Nakilala mo lang si Sandra sa maikling panahon. I know that Tara has her own reason kaya niya tinago kay Ethan. We both know that Tara loved Ethan. You cannot deny that." Pageexplain sakin ni Elixir. Natahimik ako sa kaniyang sinabi. He is right about that. Nakita ko naman na nagmahalan ang dalawa pero hindi ko parin magawang alisin sa sarili ko yung galit sa hindi ko malamang dahilan.
"What can you say about the video that leaked before? Gawain ba ng matinong babae yon? They don't know yet that they're not related but they did it. Hindi ko tatanggapin ang isang babae na walang delicadeza." Sabi ko pa sakanya. Because of her, my son died and I cannot forgive her about that. Hindi man ako physically present pero aware ako sa nangyari sakanila ni Ethan.
Kumuha ako ng imbestigador noon para alamin ang nangyayari sa bahay. Kahit ako, nasusuka sa nalalaman ko dahil di ko akalain na papatol si Ethan sa isang batang katulad ni Sandra. Ang malala pa, mag-ama sila. Of course, that happened when I didn't found out yet that they are not related pero still, I find it disgusting. Hindi ko naman magawang kasuklaman ang anak ko dahil anak ko parin si Ethan pero si Sandra, hindi ko siya kaano ano.
Now that she's here, naaalala ko lahat ng nalaman ko kaya di ko maiwasang maasiwa sa presensya niya. Now that Ethan is dead, she's planning to flirt my another son na obviously patay na patay sakanya. I won't let that happen.
Buti na lang dumating si Bethany. I didn't know na may girlfriend pala si Ezekiel. Well, I don't see any charms on her also pero mas better na siya kesa kay Sandra.
"I'm not saying that I am agreeing with you. Pero now that they have a proof that they are not related, may masama parin ba sa ginawa nila?" Tanong ni Elixir sakin. Natigilan ako sa pag-aayos ng kumot niya. I look at his eyes and even though it looks tired, I can see the sadness. Does he really like Sandra that much?
"Why are you so against me? We are talking about our son, Elixir. Ezekiel is the only one we got. Of course, I am protecting him." Medyo galit na sabi ko sakanya. Gusto ko sana kontrolin yung inis ko kaya lang di ko mapigilan dahil parang sinasabi niya na mali ako.
BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
Roman d'amourSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...