XXIV - Amanda

23 5 0
                                        

Sandra's POV

Bumaba ako mula sa kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom. Mag-aalas tres na pala ng hapon. Di ko man lang namalayan yung oras. Nakatulog kasi ako. Siguro sa antok at kakaisip. Chineck ko si Ezekiel sa kwarto niya pero wala siya ron.

Pagkababa ko, naabutan ko ang isang babae na parang may hinahanap sa refrigerator. Hula ko, nasa edad singkwenta anyos na siguro yung babae. Kahit na may kaedaran na, hindi maikakaila ang ganda niya. Kung iimagine ko yung bataan niya, marami siguro itong manliligaw. Siya kaya yung mama nila Ezekiel?

"Good afternoon po. Asan po si Ezekiel?" Pagkuha ko sakanyang atensyon. Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko. Lalo nung mapunta sa direction ko ang mga tingin niya. Nakakatakot yung aura at nakakapangilabot yung the way na titigan niya ako. Napalunok ako. Dapat ba hindi na lang ako nagtanong?

"Sit here." Maikli at malamig na utos niya sakin. Biglang tumayo balahibo ko sa katawan. Dalawang salita lang pero nakaramdam agad ako ng kilabot. Awtomatikong napasunod ako at naupo sa isa sa mga bar stools. She have this character na mapapasunod ka just by staring at you.

Just like Ezekiel.

Nabigla naman ako ng bigla siyang kumuha ng plato at nagsalin ng pagkain. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko habang pinapanood ang babae. Hindi ko matanggal yung takot na nararamdaman ko. Masyado ata akong naiintimidate sa awra niya. Para kasi siyang papatay with that emotionless face.

"What happened to your knee?" Malamig na tanong niya sakin tsaka nilapag sa harap ko ang kinuha nitong pagkain. Pansamantala kong nakalimutan ang takot ko ng makita ang pagkain. Naalala ko kasi na gutom pala ako. Sa sobrang nakakaintimidate ng awra ng babae, pati gutom ko nakalimutan ko. Bigla akong natakam nang masinghot ko ang pagkasarap sarap na amoy ng pagkain. Nagsimula na akong kumain sa harap niya.

"I got it from a tragic incident. Thank you for the food." Sagot ko sakanya habang nilalamutak ang pagkain sa harap ko. Ramdam ko ang diretsong panonood niya sakin. Kahit di ako nakatingin sakanya, tumatagos sa loob ko ang mga titig niya na nagpapanginig ng mga kalamnan ko. Parang di ko makain yung kinakain ko dahil hindi ako makafocus.

Asan ba kasi si Ezekiel? Nasa kwarto parin ba siya ng papa niya? Ayaw ko naman maging selfish kaya lang sa mga oras na to, parang gusto ko siyang andito. Para kasi akong nasusuffocate sa paraan ng pagtitig ng babae sakin.

Biglang umalis sa harapan ko ang babae. May kinuha ito sa kaniyang bulsa at humarap siya sa backdoor ng kusina na nasa left side lang. Matatanaw mo din doon ang view ng forest sa baba. It really looks peaceful pero hindi yon ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Feeling ko sasabog na puso ko sa kaba.

"I only have two sons. One of them died protecting a fatherless child. That child is under my other son's care right now. I wonder if both of my sons are doomed." Sabi niya nang makahulugan. Napatigil ako sa pagkain ko at tinitigan ang hindi pa ubos na pagkain sa plato ko. Her voice is cold and full of hatred. Is she referring to me? The fatherless child?

Biglang sumikip yung puso ko. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. No second thoughts. This woman is Ethan and Ezekiel's mother. Why is she telling me these right now?

Lumingon ako sakanya. Nakatingin parin siya sa labas habang hinihithit ang kinuha nitong sigarilyo mula sa bulsa niya. Even if she's not looking at me, I can feel her eyes full of coldness.

"I can't believe a person that is too young, will have sex with my adult son. I wonder what kind of person she is? A slut just like her mother?" Tuloy-tuloy na sabi niya sakin. Nagsimulang pumatak ang luha saking mga mata. I can't believe I am hearing this right now. Kahit na hindi niya direct na sinasabi sakin, alam ko na ako ang tinutukoy niya. So she knows what happened saming dalawa ni Ethan.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon