XXXI - Dinner

27 5 0
                                        

Andito kami ngayon sa dining table ng kusina. Nakaupo ang papa ni Ezekiel sa host side ng table and then sa left side nito nakaupo ang mama ni Ezekiel na si Tita Amanda and then next to her ay si Dennis. Sa right side naman ng papa ni Ezekiel ay ang kararating na bisita kanina na si Bethany and next to her is Ezekiel and then me.

Nakatutok lang ako sa pagkain habang nag-uusap usap sila. Katabi ko si Ezekiel na tahimik din kanina pa gaya ko. I wonder what he is thinking right now. Di ko rin alam bakit sobrang bigat sa pakiramdam na magkakaharap kami. I can feel the awkwardness sa surroundings kahit na nakangiti silang magkakausap.

Actually ang magkausap lang sa hapag-kainan ay sina tita Amanda at si Bethany. The rest of us were just listening and nakatutok lang sa hapagkainan. Nakikinig lang sa usapan ng dalawang babae.

"Hindi ko alam na may girlfriend pala tong anak ko. He didn't mention it sakin. What do you do in US?" Tanong ni tita Amanda kay Bethany. Mukhang hindi lang ako ang nagulat at walang alam kay Bethany. So girlfriend pala ni Ezekiel ang babaeng to. Kaya pala wala akong mabalitaang babae sa buhay niya dahil nasa US pala. It's an LDR relationship.

"I'm studying right now. I just finished my Nursing school two years ago and I decided to study Psychology just like Ezekiel." Bethany answered with a beautiful smile on her face. Hindi ko maiwasang mainsecure. Di ko alam kung bakit. Hindi naman sa mababa yung confidence ko sa sarili but she seems to be matured and elegant. Siguro dahil laking US kaya ganito perception ko sakanya.

Ngayon ko lang nalaman na Psychology pala pinag-aralan ni Ezekiel. Does that mean he is a doctor? She seems to know him that much. Ilang taon na kaya sila? Nakakapagtaka lang na tahimik lang si Ezekiel and he's not engaging sa conversation like a real couple.

"Wow! Same field kayo ni Ezekiel. Maganda yan. How old are you naba? If you don't mind me asking." Tanong ulit ni Tita Amanda sa babae. I looked at Dennis and he is quietly listening to the conversation as well. Unlike me, he seemed enjoying the conversation. Hindi na ako nagtaka. Friendly at extrovert na tao si Dennis so normal na sakanya to have fondness in conversations.

"I'm 28. My mom is a software developer in Google that's why she's not having a hard time sending me to school again." Sagot naman ng dalaga. Nagulat naman ako sa edad ng babae. 28 na pala siya. She doesn't look that old. Kung titignan, parang ang bata kasi ng itsura although she look mature, hindi ganon katanda ang itsura. I looked at Ezekiel na tahimik lang sa tabi ko. Isn't he gonna entertain his girlfriend?

"Ikaw Ezekiel. Di mo man lang pinakilala agad samin si Bethany. She's gorgeous and studious. I am looking forward to have grandkids." Masiyahing kumento ni Tita Amanda. Nanatili lang akong tahimik. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit. She seems to like Bethany. This is not the type of conversation we had for the past two days. She belittles me in every possible way while she praised Bethany like she was the most perfect woman for Ezekiel.

Hinintay kong sumagot si Ezekiel pero nanatili lang itong tahimik na parang nasa pagkain lang yung mundo niya. Alam ko namang naririnig niya ang usapan pero mukhang wala lang talaga siyang balak makipagusap. I wonder what he's thinking right now?

"Ikaw pala si Sandra. Ngayon lang kita nakita simula nung dumating ka dito." Biglang sabi ng papa ni Ezekiel para kunin ang atensyon ko. Muntik ko mabitawan kutsara ko dahil sa gulat ko. Hindi ko lang inaasahan na bigla ako kakausapin. Napaangat ang mukha ko para lumingon sakanila and lahat ng mata ay nasakin. "Sorry kasi I am staying at my room all the time. Di ako pwede maggalaw galaw ng sobra. Welcome to the family." Nakangiting bati nito sakin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabing iyon ni Tito Elixir. Compared to Tita Amanda, sobrang welcoming nito sakin at ramdam ko sa bawat salita niya na buong buo ang pagtanggap niya sakin. Lumambot ang puso ko sa narinig. Ngumiti ako sa matanda.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon