XVIII - Brother's Love

86 6 3
                                        

Ezekiel's POV

Kasama ko si Jonathan ngayon sa office. I have to go back to work dahil nab-behind na ako sa mga paperworks ko. I am busy reading some documents ng mapansin kong kanina pa siya tahimik na nakaupo sa couch. Ayaw ko sana putulin ang pagmumuni-muni niya kaso nakakabahala ang pagiging tahimik niya.

"Napana kaba ni Kupido kaya ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ko sakanya. Tinignan ko siya saglit bago itinuon ang atensyon ko sa mga documents sa harap ko. Ngayon ko lang kasi napansin pagiging tahimik niya at parang ayaw makipagusap. Sobrang lalim ng iniisip niya na ikinakapagtaka ko dahil hindi siya ganito. Normally, pagpasok niya sa office, he will start lecturing me pero ngayon, nakatunganga lang siya sa kawalan.

Narinig ko ang pagbuntung hininga niya. Nakita kong tumayo siya tsaka lumipat sa harapan ko. Bakas sa mukha niya ang pagiging problemado. Napataas naman ang kilay ko. Tinigil ko muna ang pagbabasa. Sumandal ako sa swilvel chair at tsaka pinagsalikop ang dalawang kamay ko. Mukhang malalim nga ang problema niya. Kailangan niya ata ng makikinig.

"I don't know, man. I know twin kayo ni Ethan. You have no younger brother, but have you ever felt so frustrated? Yung gusto mo lang siya protektahan pero siya pa yung galit?" Tanong niya sakin. Kumunot naman ang noo ko. So yun yung prinoproblema niya? To be honest, di ko naman kilala yung kapatid niya. I don't know any members of his family. I never met any of them pero mukhang may problema siya sa kapatid niya.

"Hmm.. depends on how you approach your brother. Baka kasi you're too much?" Advice ko sakanya. Hindi ko naman kasi alam kung ano sasabihin ko. I can't relate that much dahil bata pa ako nang paghiwalayin kami ni Ethan. Kaya wala ako idea if pano ang brotherly love. Lumaki akong may hate sa kapatid ko.

"He said daig ko pa ang Daddy namin. I'm acting like a parent. So what kung 27 na siya? He is on that age yet he doesn't act like one." Pagrarant niya sakin. Halata sa mukha niya ang frustration. Oo nga pala. Trenta anyos na si Jonathan. Walang girlfriend. Walang anak. Pamilya lang ang focus niya pero mukhang sakit sa ulo niya ang kapatid.

"Hayaan mo na lang muna ang kapatid mo. I'm pretty sure titino din yon pagdating ng panahon." Tanging sabi ko. I may not know the whole details pero naniniwala ako na ang mga taong matigas ang ulo, tumitino pag nadagukan ng buhay. Hindi habang buhay, mananatili silang rebelde.

"Hindi ko na alam gagawin ko, Ezekiel. I'm always reminding him. I'm always there for him. Pero di niya nakikita yun. He always think na kontrabida ako when I'm just looking out for him." He continued with frustration. Habang tinitignan ko siya, biglang may nagflashback sa memorya ko. Ganyan na ganyan kasi yung itsura ko noong bata pa kami ni Ethan. Palaging problemado sa kapatid. Syempre ayaw ko mapahamak si Ethan pero masyadong matigas ang ulo niya noong bata. Napangiti ako ng maalala ko mga yon.

"I remember Ethan when we're kids.." paguumpisa ko. Biglang sumeryoso ang mukha niya. Nakafocus ang kaniyang mga mata sakin na parang gusto niya marinig kwento ko. "He always likes to play fragile objects. Yung mga babasaging bagay. I always stop him but he doesn't want to. Dahil clumsy si Ethan, nababasag niya mga gamit sa bahay and our parents will get mad dahil mamahalin mga yon.

I can't stop him that's why tinakbo ko lahat ng mga toys niya so he could chase me. Palaging umiiyak si Ethan dahil sa ginagawa ko. I ended up being scolded by our parents. If that's my way to protect my brother, I will." Sabi ko sakanya. Sa tuwing naaalala ko yung childhood memories namin ni Ethan, di ko mapigilang makaramdam ng konting galit pero kung lalawakan ko isip ko, I realize na masyado kong mahal si Ethan para protektahan siya.

I was blinded by my anger dahil nilayo ako ng parents ko kay Ethan. Siguro nagalit ako dahil pakiramdam ko ayaw ako ng pamilya ko pero deep inside, I am mad because I'm not beside Ethan to protect him anymore.

Resisting EzekielMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon