XLVIII - Her Determination

15 5 0
                                    

Sandra's POV

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita kong may mga swerong nakakabit sa kamay ko. Purong puti yung sa paligid ko. Nakaputing hospital gown din ako. Hindi pamilyar yung kwarto. Pakiramdam ko nasa langit na ako. Teka! Nasa langit naba ako?

Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Jonathan sa tabi ko habang nakayuko siya sa kama ko. Mukhang nakatulugan ng lalaki na bantayan ako. Hinawakan ko ang kamay niya. Parang nagulat naman ang lalaki at inangat niya ang kaniyang ulo. Napangiti siya ng makita akong gising.

"You're finally awake, Sandra!" Sigaw niya. Ngumiti ako bahagya. Umalis siya sa tabi ko pansamantala para tawagin ang nurse. Ininform niya ang mga ito na gising na ako. Pagkarating ng nurse sa kwarto ko at may chineck lang siya sa aparato tapos umalis na din ito. Sinabi lang ng nurse na ichecheck ako ulit after few hours.

Lumitaw sa isip ko yung last memorya ko bago ako mawalan ng malay. Nagsusuntukan si Ezekiel at Ben. I remember it clearly kahit na malabo na sa paningin ko ang mga nangyayari noon. I'm pretty sure na nakita ko si Ezekiel. Where is he? Napuruhan ba siya? Safe ba siya? Is he okay? Trinatry kong bumangon pero nanghihina ako.

"Don't force yourself. Kagigising mo lang." Sabi ni Jonathan sakin. I looked at him and he looks so worried kaya di ko na pinilit sarili ko at nanatili na lang na nakahiga.

"Tell me if Ezekiel is okay. I want to know if he is alive." Tanging sabi ko sakanya. Ramdam kong medyo naluluha ako. I remember the day Ethan died and it shattered my heart into pieces. Kung malalaman ko na may nangyaring masama kay Ezekiel, it would destroy my world. Kaya gusto ko lang malaman kung okay siya, magiging okay ako.

"He is okay. Don't worry." Matipid na sagot niya sakin. Napangiti ako ng bahagya. Masaya ako na okay si Ezekiel. Baka magbreak down na ako ng tuluyan if something happens to him.

"What happened? " Tanong ko sakanya. Kung totoong nakita ko siya, bakit siya wala dito? Ilang oras naba akong walang malay? Hindi ko na kasi alam nangyari after ko magpass-out.

"Ben is in jail. We got there in time kaya naitakbo ka agad sa hospital. Three days ka nang walang malay. Akala ko matatagalan pa bago ka magising." Pagpapaliwanag niya sakin. Tatlong araw na akong walang malay? Kaya siguro parang masakit buong katawan ko dahil tatlong araw na pala akong nakahimlay.

"How are you feeling?" Tanong ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit ko natanong yun. Ang alam ko lang, maaaring malungkot siya sa sinapit ng kapatid niya. I'm really not happy for what happened and kaibigan ko si Jonathan. Alam kong nahihirapan siya. I saw him smirk.

"You are both concern about me when there is nothing to worry about." He murmured.

"Huh?" Sabi ko dahil hindi ko masyado narinig yung sinabi niya kasi medyo pabulong.

"I'm doing fine, Sandra. My brother needs some lesson and I'm not against that. He doesn't listen to me so I hope, magtino na siya ngayon." Madamdaming sagot niya sakin. Nakita ko sa mukha niya na parang inaassure niya sakin na hindi dapat ako magworry sakanya. Inaanalyze ko mukha niya kung baka nagprepretend lang siya na okay siya pero mukha naman siyang okay.

"You are my friend. Of course, I am worried. Kapatid mo yun. I'm sorry that this happened." Malungkot na sabi ko sakanya. Kahit okay lang sakanya, alam kong deep inside, nasasaktan siya para sa kaniyang kapatid. Wala namang tao na hindi masasaktan kapag ganon nangyari sa kapatid nila. He might say it's okay pero alam kong hindi. I saw him smiled genuinely.

"Thank you, Sandra." Sabi niya bago tumigil ng ilang segundo. Parang kumukuha siya ng lakas na magpatulog. "Ben is my only brother and you are my friend also. Masakit sakin na ganito ginawa niya sayo and kahit kapatid ko yun, ayaw kong di niya pagbayaran ginawa niya. Masakit sakin dahil nakulong siya pero matalik na kaibigan ko sina Ethan and Ezekiel. Wala ako mukhang ihaharap kung tutulungan ko ulit kapatid ko." Madamdaming sagot niya sakin. Feeling ko maiiyak ako sa sinabi niya. When he said he is friends with Ethan and Ezekiel, I feel nothing but pure happiness.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon