XXXII - False Hope

72 5 3
                                        

Ezekiel's POV

Chineck ko sa labas ng bahay kung nasa labas parin ba sila Dennis at Sandra. Hindi na kasi bumalik si Sandra sa kusina after ng ilang minuto. Natapos ko na mga pinggan pero walang Sandra na lumitaw sa likod ko. Kinabahan pa ako ng makitang walang tao sa labas at wala na rin ang sasakyan ni Dennis.

Umakyat ako agad to check Sandra sa room nito. Kinakabahan ako habang papalapit ako sa kwarto niya. Iniisip ko baka tumakas nanaman siya kasama ng Dennis na yon. It's possible cause she has done it so many times. Leaving without telling me. Bigla ako nakaramdam ng inis.

Aaminin ko, nagselos ako ng makitang magkayakap ang dalawa kanina. The first thing I thought that time was to pull her away from him pero pinigilan ko ang sarili ko. I don't want to cause a scene.

Nang makaakyat ako sa kwarto, nagulat ako dahil nakalock ang kwarto ni Sandra kaya pakiramdam ko nasa loob na siya ng kwarto. Lumuwag naman pakiramdam ko. Nagtaka lang ako dahil nilock niya ang kwarto niya. Hindi naman siya naglolock ng kwarto.

Simula nang dumating si Bethany dito sa bahay, Sandra became so distant and colder compared noon. Sa tuwing nagkrukrus yung landas namin sa bahay, palaging umiiwas. Kapag trinatry ko siyang kausapin, pinuputol niya na agad yung usapan.

Aaminin ko bothered ako. She is probably mad at me for some reason. Gusto ko pa sanang kulitin siya para buksan ang pinto pero mukhang wala akong pagkakataon na makausap siya ngayong gabi. Siguro kakausapin ko na lang siya kapag may pagkakataon ako. Sa ngayon, I have to deal with Bethany first who is casually staying inside my room.

Dumiretso na ako kwarto ko at nakita ang babaeng nakapantulog na at kumportableng nakahiga sa kama ko. I find her so annoying this moment. Nagulat talaga ako nang makita siya kanina. I have no clue how did she find out that I am here in the Philippines and ang malala pa, natunton niya ako dito sa Batanes. There is no way she will know this place dahil wala naman siya alam sa personal na buhay ko and she's never been here. What is she up to? Is she some kind of stalker?

"How did you find me here?" Malamig na kumpronta ko sakanya habang nakatayo sa harap niya. I am pretty sure na kahit halungkatin ko buong memorya ko, wala ako nababanggit sakanya na nakatira ako sa Pilipinas or nakatira ang magulang ko dito sa Batanes. I'm starting to feel uneasy around her.

"That's the same face you showed me the moment you opened the door. What's wrong with visiting you here?" Sabi niya ng bumangon sa kama at inayos ang upo. Bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa asal ko ngayon sakanya. I don't care what she thinks. I'm not even happy to see her.

"I'm asking you, Bethany." Madiing sabi ko sakanya ng hindi niya sagutin ng diretso ang tanong ko. I really want to know kung pano niya ako natunton. Umalis ako ng US at nagpunta sa Pilipinas ng walang akong pinagsasabihan. Kahit sa clinic na pinagtatrabauhan ko, walang nakakaalam kasi predicted ko na na baka puntahan sila ni Bethany at tanungin kung asan ako pero heto siya, natunton parin ako.

"Are you not happy that I'm here?" Malungkot na tanong niya sakin. Rumehistro sa mukha niya ang sakit. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung ano ba nararamdaman ko sakanya pero wala ako maramdamang kahit na ano. Kung alam kong may sakit parin siya, baka maawa ako pero alam ko ng magaling na siya at maayos na ito mag-isip or so I thought?

"What do you want?" Tanong ko sakanya. Mas magandang sabihin niya na lang kung ano gusto niya para mabigay ko at umalis na siya rito. If she wants my body, then I'll fuck her tonight so she can leave here right away.

"What the hell I want? Are you freakin' serious, Ezekiel?" Sigaw niya na medyo malakas ang boses. Bumakas ang galit sa mukha niya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Hindi naman ako natinag sa naging reaksyon niya. Nanatili lang akong blangko ang expression sakanya. I really have no time to play around her. "You left me without saying a word and you're gonna expect me to just sit there and wait for you?" Pagpapatuloy niya. Napataas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. Although I have mistake as well that I didn't face her to end what we have but I'm still shocked that she look for me all the way here.

Resisting EzekielMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon