Sandra's POV
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang liwanag mula sa araw na tumatama sa mukha ko. Kinusut-kusot ko muna ang mata ko bago dahan-dahang minulat ang mga iyon. Unti-unti akong bumangon. Tinignan ko ang paligid ko. Kumunot ang noo ko. Pano ako nakarating sa kwarto ko? Tinignan ko ang suot ko. Suot ko parin yung suot ko kagabi. Walang nagbago.
Anong nangyari? Sino nagdala sakin sa kwarto ko? Wala naman kasi ako maalala masyado kagabi bukod sa nakayuko lang ako sa counter tapos may lalaki atang nangungulit sakin. Di ko maalala yung mukha at mga detalye.
Biglang nagring ang phone ko. Hinanap ko yung purse ko para kunin ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita kong tinatawagan ako ni Vanessa. Bakit kaya tumatawag to? Agad na sinagot ko iyon. It must be emergency.
"Sandraaaa!!!!" Sigaw niya mula sa kabilang linya. Nailayo ko konti yung cellphone ko sa tenga ko dahil para na akong mabibingi sa sigaw niya. Biglang nagising yung kaninang inaantok ko pang diwa.
"Ano ba, Vanessa? Kagigising ko lang. Keep it low please." Sabi ko sa medyo inaantok na boses. Pilit kong inaalala kung ano nangyari kagabi kasi wala ako maalala kung pano ako nakarating sa kwarto. Nakakapagtaka din na hindi masakit ang ulo ko at hindi rin bumabaliktad yung sikmura ko.
"I'm sorry kagabi, Sandra. I didn't know na sobrang lasing kana and you passed out. If I know lang, hindi na kita iniwan." Sabi niya mula sa kabilang linya. Bakas sa boses niya ang sinseridad. May kasalanan ba siya sakin? All I remember is, she danced with a guy and then left me alone. Wala naman siya kasalanan don. She had fun and that's what matters. It's my fault because I didn't keep track of my glasses that's why I get drunk. No one should be blamed for that.
"It's okay. We went there to have fun. Di mo naman obligasyon na alagaan ako. Anyway, pano mo ako nadala sa kwarto ko?" Tanong ko sakanya. Iniisip ko kung nahuli ba siya ni Ezekiel nung dinadala ako papuntang kwarto at hindi ko rin maalala anong oras na kami nakauwi. Masyado na ata ako lasing kagabi.
"Who? Me? Hindi ako naghatid sayo kagabi." Sagot niya sakin. Mas lalo akong nalito. Kung hindi siya naghatid sakin? Sino? Imposible namang si Ezekiel dahil hindi ko naman sinabi kung nasan ako. Imposibleng mahanap niya ako.
"Eh sino? Don't tell me hinatid ako ng guy na kumukulit sakin kagabi." Naiinis na sabi ko sakanya. Naalala ko nanaman yung lalaki kagabi na nangungulit sakin. Lasing ako pero that part, sobrang linaw sakin. Ang manyak na yon. Hinipuan ako.
Bigla ako napaisip. Mas lalong imposible na yun ang maghahatid sakin dahil hindi naman ako kilala ng lalaki at di niya alam kung taga saan ako. Parang gusto ko tuktukan sarili ko. Hindi nga masakit yung ulo ko or nahihilo pagkagising pero nabwibwisit naman ako dahil wala ako maalala. Iilan lang naaalala ko.
"No. Actually, a guy who looks like Ethan. Siya yung nagpick up sayo. Nakakatakot nga siya eh. His eyes are scary. Sino siya? Kapatid ba siya ni Ethan? In fairness, ang gwapo niya bes." Sabi niya sakin. Napataas ang kilay ko nang marealize na si Ezekiel nga ang naghatid sakin pauwi. Pero paano? Pano niya ako nahanap? Come to think of it. I remember someone saving me from the guy na nangungulit sakin. The voice is familiar. Siya kaya yon?
"What? He picked me up? Oh shit!" Bulalas ko. Nasapo ko ang noo ko. If that's the case, then he knows already. Fuck! He knows I got drunk again. Ayaw ko sana ipaalam kay Ezekiel kung san kami kagabi or kung ano ginawa namin because napakaindecent and also the way I dress kagabi. Nakakahiya!
"Why?" Tanong niya sakin. Wala namang particular reason why I got upset na malaman ni Ezekiel na nasa bar ako. Hindi ko lang alam ano idadahilan ko or sasabihin sakanya kasi for sure, he is going to be mad about it. Bigla ako natauhan.
BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
Roman d'amourSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...