Ezekiel's POV
It's been a week na hindi ako kinakausap ni Sandra. Hindi ko naman siya magawang suyuin dahil subsob ako sa trabaho. Feeling ko mga ilang buwan pa bago ko completely mapag-aralan ang pagbubusiness sa tulong na din ni Jonathan.
Ngayon, I decided not to go to work kaya nag-iisip ako ano pwede gawin. Nagtataka lang ako na this week, walang Sandra na sumisigaw sakin. Walang nagtataray sakin. Palagi siya sa kwarto at ayaw lumabas.
Dinadalhan ko siya lagi ng pagkain sa kwarto niya. Iiwan ko sa kwarto niya at kapag kukunin ko yung pinagkainan niya, never niya ginalaw sa buong araw. I tried to talk to her but she just shut me off. I know something is bothering her and I can't help her if she won't talk to me.
Nag-aalala ako kay Sandra. Iniisip ko kung may nasabi ba ako. Akala ko nga nung pumasok ako sa kwarto niya para ilapag pagkain niya, sisigawan niya ako pero hindi. Nakafocus lang ang dalaga sa phone nito na parang di ako napansin. Hindi naman ako langgam na hindi niya makikita kasi alam kong alam niyang andon ako pero nanatili lang siyang parang walang nakikita.
Hindi ko masabi kung kumakain ba siya kapag nagpupunta ako sa work pero di naman niya ginagalaw mga hinahatid kong pagkain. Wala ding mga food wrappers or any plastik na maaaring pinadeliver in case ayaw niya sa mga pagkaing dinadala ko pero wala. I even asked Mang Lance kung nagpapabili ba sakanya si Sandra pero hindi naman daw. Baka magkasakit ang dalaga sa ginagawa niya.
Ngayong araw, hindi talaga ako pumasok dahil may kakaiba sa pakiramdam ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bigla ko na lang siya naramdaman kaninang pagkagising ko. I feel like something is not right. May part sa puso ko na gusto ko puntahan si Sandra sa kwarto niya para icheck. Hindi lang siguro talaga ako mapakali. I'm really worried for Sandra.
Nagmartsa ako papunta sa kwarto niya. I don't care kung magalit siya sakin. Kailangan niya kumain. This time, I'll make sure she will eat. Alam kong ilang araw niya ng tinitiis yung gutom niya. Hindi ko naman siya magawang pilitin. Ewan ko ba. Para akong natatakot na magalit siya sakin. I should know what I need to do pero tumitiklop ako. Dapat pala siniguro kong kumakain siya bago ako umalis ng bahay. I am too focused sa company kaya parang kampante ako na hindi pababayaan ni Sandra ang sarili niya.
Nang sinubukan kong buksan ang pinto ni Sandra, nagtataka ako dahil nakalock. Hindi kasi mahilig maglock si Sandra. Napansin ko yun sa ilang araw na pamamalagi ko dito sa bahay. Kaya nagtataka ako bakit nakalock. Doon na ako kinabahan.
"Sandra?" Tawag ko sa pangalan niya. Ilang beses ko tinawag pangalan niya pero di siya sumasagot. Kumatok ako ng ilang beses pero di siya sumasagot. Kung sa ibang pagkakataon, iisipin kong iniignore niya ako pero iba yung pakiramdam ko ng araw na to. Nagkaroon agad ako ng di maipaliwanag na bigat sa dibdib.
Sandra, I hope you're okay.
First thing that crossed my mind is to kick the door open. Hindi ko na hinanap yung susi tsaka hindi ko maaalala san ko nilapag. Pag hinanap ko, I might be too late. I have no time for that. Sinipa ko ng isang beses na malakas ang pinto at natumba iyon. I was surprised of how strong my kick was. Adrenaline rush maybe? I don't care kung magalit si Sandra. I have to make sure she's okay.
Ngunit tumigil ang mundo ko ng makapasok ako sa kwarto niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Halos hindi ako makahinga. Parang ilang segundo rin ata akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Bigla na lang nangilid ang luha ko. Tumambad sa harap ko ang nakahigang katawan ni Sandra sa sahig. May hawak na patalim sa kaniyang kanang kamay at may laslas sa kabilang pulso niya.
"Sandra!" Sigaw ko tsaka tumakbo palapit sakanya. Halos naliligo na siya sa sariling dugo. She lost too much blood. Kinapa ko ang kaniyang pulso kung may buhay pa siya. Halos maginhawaan ako ng malamang hindi pa siya totally patay. Pansin ko na fresh pa yung cut sa pulso niya kaya hindi pa ganon katagal nung naglaslas siya.

BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
RomanceSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...