XXXVI - Confession

63 6 0
                                        

Nagtext ako kay Dennis kung pwede ba ako magstay sakanya for maybe like 5 nights before we go home ni Ezekiel and he said it's fine with him. Kaninang hapon ko pa yun tinext sakanya and ma-lalate lang daw siya dahil maraming ginagawa sa hospital.

Alas otso narin ng gabi at wala parin sila Ezekiel. Hindi naman sa hinihintay ko siya. I just wonder if everything is okay. Ayaw ko sana dumagdag sa problema nila pero mas okay na siguro na wala muna ako dito sa bahay. Alam naman ni Ezekiel kung saan ako.

Dala ko na mga gamit ko sa sala at hinihintay na lang si Dennis. Nakaramdam ako ng matinding kaba sa gagawin ko. Tama ba tong ginagawa ko? It's my first time to sleep in another house with a stranger. I mean, Dennis is not a stranger but still, I haven't done this before to any guy. Okay lang ba talaga sakanya? Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil alam kong pagod siya sa work and heto ako, inaabala siya.

Nagulat ako ng bigla akong makareceive ng chat kay Dennis na nasa labas na siya. Dali-dali kong binitbit ang luggage ko tsaka ako lumabas ng bahay. Nakita ko siya na parang galing pang hospital at halatang pagod. Ngumiti siya sakin nang pagkaluwag luwag na parang hindi ito galing sa work.Kinuha niya ang gamit ko at nilagay sa likod ng kotse niya. Ngumiti ako sakanya na may halong hiya.

"I'm sorry Dennis kung inabala kita. Ayaw ko sana gambalahin ka kaya lang, feel ko lang na wag magstay sa bahay. I'm sorry for the trouble." Sabi ko. Lumungkot ang mukha ko dahil nahihiya ako. It's because of my selfishness kaya pakiramdam ko lahat nagagambala ko pero kasi ayaw ko rin naman magstay sa bahay and nasabi ko nang magsstay ako kay Dennis. Hindi ko naman na mababawi yon kaya paninindigan ko na lang.

"To be honest, I'm surprised but I really don't mind. Pwede naman ako matulog sa floor. May extra beddings don kaya you don't have to worry." Nakangiting sabi niya sakin. Hindi ko talaga matatanggi yung kabaitan niya sakin. Even if we are just friends for a very short period of time, pakiramdam ko maaasahan ko siya lagi pero ayaw ko naman itake advantage ang kabaitan niya. I just appreciate that I have a friend like him.

"Ano kaba? It's your home. Okay na ako sa sahig. Ako na nga nakikitulog tapos sakin pa yung kama." Sagot ko sakanya sabay hampas sa kaniyang braso ng mahina.

"Gusto mo tabi na lang tayo sa kama?" Tanong niya ng nakangisi na nagpalaki ng mata ko. Inanalyze ko mukha niya kung nagbibiro ba siya pero mukhang tinitease niya ako. Nakaramdam ako ng di mapaliwanag na kaba. I have a weird feeling thinking about sleeping beside him. "Joke lang. I won't do that. You're my visitor so you can have my bed. No more arguments." Pagbawi niya sa kaniyang sinabi. Lumuwag ang pakiramdam ko ng sabihin niya yon. Akala ko talaga tatabi siya sakin because I don't think I will feel comfortable if that happens. "Shall we go now?" He asked. Ngumiti ako sakanya at tumango.

Nag-iwan ako ng letter kay Tita Amanda na sa bahay muna ako ni Dennis magstay to show respect narin. Ayaw ko rin naman mag-alala sila kahit papano. Akmang sasakay na ako sa kotse ng may isang baritonong boses ang umalingawngaw sa paligid.

"You are not going anywhere, Sandra." Galit ang tono ng boses neto. Napalingon ako sa lalaking nasa likod ng sasakyan ni Dennis at kakababa lang nito sa sariling kotse. I was surprised that Ezekiel caught up with us immediately. Bakas sa mukha nito ang di maitagong galit. Mula sakin ay lumipat ang mukha nito kay Dennis na ang huli'y parang di rin papatinag kay Ezekiel. "I'm taking her back. She's not gonna sleep with you, tonight." He said calmy but firmly to Dennis. He grabbed my arm and pulled me back.

"I'm sorry to disrespect you for being her guardian, but I don't think she's still a kid that needs to obey you. She clearly doesn't want to stay in your house for a while." Pagpipigil ni Dennis kay Ezekiel. Ramdam ko sa grip ni Ezekiel ang pinipigilang galit. Gusto ko sana magreklamo sa paghawak niya dahil doon mismo bumaon ang kuko ni Bethany kanina pero mas mukhang mas dapat kong pigilan ang dalawa kasi nagkakaroon na ng tensyon base sa itsura nila. Hinila ko ang kamay ko mula kay Ezekiel at hinarap si Dennis.

Resisting EzekielMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon