XL - Struggles

18 4 0
                                        

"Can I have two more shots of tequila, please?" Sabi ko sa bartender. Ramdam ko yung hilo ko sa mga oras na to. Nakakadalawang  shot palang ako pero alam ko ng may tama na ako agad pero kaya ko pa naman ang sarili ko. I just want to be drunk tonight.

"Are you sure about this, Sandra? Ayaw ko naman pagalitan ulit ni Ezekiel mo." Suway sakin ni Vanessa pero hindi rin naman ako pinigilan. Alam kong nauunawaan niya kung bakit ko kailangan uminom ngayon. We are in another club right now. Mas bongga yung ambiance ng lugar kumpara sa unang pinagdalhan sakin ni Vanessa. Mas elegante at disente yung ngayon. May mga sumasayaw parin of course. Some of them are drunk pero iilan lang nakikita kong kaedad ko. Most of them are in 25, I guess. May mga kaedad naman ako sa mukha pero konti lang kaya siguro medyo parang matured yung ambiance.

Niyaya ko uminom si Vanessa ngayon dahil sobrang nasasaktan na ako sa mga nangyayari lately. Kababalik lang namin ni Ezekiel ng Manila kaninang magaalas dos ng hapon. Simula kaninang pinick up niya ako sa bahay ni Dennis, hindi ako kinausap ng lalaki hanggang sa dumating kami sa Manila. But that's not the worst part. Kasama namin si Bethany na lumipad pabalik. I was ignored for four days straight. Ang masama pa don, katabi ni Ezekiel ang babae papuntang airport, sa loob ng eroplano hanggang pauwi sa bahay.

Just when I thought I can finally talk to Ezekiel, he left after he dropped me at home without saying a word. Of course, with Bethany again. Kulang na lang isampal niya sakin na hindi ako ang pinipili niya. Alam ko na ito naman yung gusto ko una palang. Wala akong laban pagdating kay Bethany. Ako ang nagtulak kay Ezekiel palayo sakin. I am just shocked na ganito pala talaga kasakit na kahit ito yung gusto ko mangyari, ang sakit parin pala ng katotohanan.

I'm just relieved that I managed to not cry in front of Ezekiel and Bethany throughout our way to Manila kahit na gustung gusto ko ng bumulahaw ng iyak kanina. Siguro kasi umaasa ako na baka pipigilan ako ni Ezekiel at lalapit siya sakin para sabihing hindi niya ako kayang mawala. Mga ganong bagay. Pero masyado ata akong delulu. I know I'm too crazy para isipin na hahabulin niya ako after ko siya itulak palayo. I'm too positive to think about that na hindi ko inisip mga possibilities.

Siguro nga pagod na siya sakin.

A tear fell from my eyes as I drink the whole glass of tequila. Alam ko na I managed to survive the pain from Ethan's death pero di ko akalain na mas makakaramdam ako ng matinding sakit kay Ezekiel.

In just short period of time, nagawa kong mahulog kay Ezekiel ng ganito. Nasasaktan na ako before ko pa man masabi sakanya totoong nararamdaman ko. I don't think it's worth it to tell him how I really feel for him.

Nagtataka lang ako na sinasabi niya sakin na mahal niya ako and after that, he ghosted me. How can he do that to me? Na parang pinaasa niya ako. Nabagok ba siya sa sinabi ko na lubayan niya na ako? Pero kasi ineexpect ko na hahabulin niya ako. Ganon naba kadali sakanya na bitawan ako?

Gusto ko magalit pero alam kong di pwede. To be honest, it's the right thing to do rin naman dahil may girlfriend siya. This is what I want. No. This is what should I do. Kaya ako umiinom ngayon dahil hindi ko kaya yung sakit.

Hindi ko kaya yung sakit na isiping kasama niya si Bethany ngayon and balewala na lang ako. Simula nung umalis siya kanina nung idrop off niya ako sa bahay hanggang sa umalis ako ng bahay, hindi na bumalik si Ezekiel. Kahit isang tawag o text wala.

Iniisip ko na baka di na siya babalik just like what I dreamed about him pero imposible din yun kasi may mga gamit pa siya sa bahay. Pero there is possibility na baka lumipad na siya pabalik ng US without telling me kasi nga di niya na ako kinakausap for how many days straight.

Ininom ko ulit yung last na baso ng tequila at pagkainom ko, halos umikot yung paningin ko sa naging epekto non. Mababa lang kasi tolerance ko sa alak kaya madali ako malasing.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon