XLV - Salvage

19 5 0
                                        

Sandra's POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Sinapo ko ang ulo ko dahil medyo sumasakit ngunit nakapa kong may bandage ako sa ulo. Binalikan ko yung last na alaala ko bago ako mawalan ng malay. Ang huling naaalala ko, hinihila ng isang lalaki ang paa ko palabas ng cabinet.

Nanlaki mata ko ng maalala ang nangyari. Tama! Nasa panganib ang buhay ko. Napabalikwas ako at pabiglang tumayo kaso nakaramdam ako ng panghihina at pagkahilo kaya agad din akong napahiga.

Ughh! Kailangan kong makaalis dito! Nasan ba ako?

"Be careful, Sandra. Baka bumuka sugat mo sa ulo." Sabi ng boses ng isang lalaki. Napalingon ako kung saan nanggaling yung boses na yon at nakita ko ang kapatid ni Jonathan na nakaupo sa isang upuan sa may paanan ko. May naaninag din akong isang lalaking nakatayo sa likod niya habang nakatanaw sa labas ng bintana.

"Saan mo ko dinala?" Galit na tanong ko sa kapatid ni Jonathan. Hindi ko alam kung ano pangalan niya. We haven't introduced ourselves properly yet  pero wala ako planong alamin ang buong pagkatao niya. Ni anino niya ayaw ko makita to be honest.

Hindi ko akalain na ganito pala kapatid ni Jonathan. Sobrang layo ng personalidad ng dalawa. Masyadong mabait si Jonathan at maginoo habang ang kaharap ko'y saksakan ng kademonyohan.

"Sorry sa nagawa ko. Nabigla lang ako. Pero ginamot ka na ni Uno kaya malayo kana sa kapahamakan." Mabait na sagot niya sakin. Gustong tumaas ng kilay ko sa pinapakita niya sakin. Kanina lang ay parang hayok na hayok siyang galawin ako tapos ngayon, para siyang maamong tupa na humihingi ng tawad sakin. Naamnesia ba siya?

Sino kaya si Uno na sinasabi niya? Ito kaya yung lalaking nasa likod niya na parang kanina pa ata nakatanaw sa labas? He seems uninterested and occupied. Okay lang kaya ito? I don't know why but I feel like I wanna thank him for treating me.

"I wanna go home." Malamig na sabi ko sa kapatid ni Jonathan. If totoong sincere siya sa pagsosorry niya, then he has to bring to me home. Yun naman talaga dapat ang gawin niya. Baka kasi hinahanap na ako ni Ezekiel sa bahay at magtaka yun kung wala ako.

Bigla ako nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit ng maalala kong hindi nga pala ako pinapansin ni Ezekiel. He is probably having a good time with Bethany while I'm stuck here and I don't even know if I'm gonna make it out alive. Kung may nangyaring masama sakin, he probably won't care and he wouldn't even know.

"I can't." Simpleng sagot sakin ng kapatid ni Jonathan. Napataas ang isang kilay ko sa sinagot niya. Walang emosyon ang mukha nito kaya malamang, seryoso siya na ayaw niya ako iuwi sa bahay.

"What do you mean you can't? Baka hinahanap na tayo ni Jonathan." Medyo naiinis na sabi ko sakanya. This is not the first time na dinakip ako at gaya ng una, takot ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Hindi ko alam kung bakit palaging malapit ako sa mga ganitong kapahamakan.

"I can't bring you home until I make you mine." Sagot niya sakin. Gaya kanina, seryoso parin ang mukha niya.

"Nahihibang ka na ba? Kakakakilala mo palang sakin ganyan na agad yung tingin mo?" Sagot ko sakanya. Gusto ko matawa na mainis. Alam ko na mas bata ako sakanya pero bakit pakiramdam ko napakaimmature at childish niya? He may have the same intention like Gary pero si Gary kasi, kinain na ng inggit at pagnanasa sa katawan kaya niya nagawa iyon.

Ngunit ang lalaking nasa harap ko, he is acting impulsively. Para siyang kulang sa aruga ng magulang at kailangan ng atensyon. Hindi ko alam kung bakit yun ang nakikita ko sakanya pero yun yung nararamdaman ko. Kapatid ba talaga siya ni Jonathan?

"This is our second meeting. Nakalimutan mo naba?" Sabi niya sakin. Kumunot ang noo ko at pilit inaalala ang una naming pagkikita pero hindi ko talaga matandaan kung kailan ang una. Alam ko sa sarili kong ngayon ko lang siya nakita dahil never pa naman ako nakatunton sa bahay nila. Ngayon lang nung pinick up ako ni Jonathan.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon