I - Ethan's Will

232 5 1
                                    

Sandra's POV

"May isa pa tayong hinihintay bago tayo magsimula." sabi ng attorney sa harapan ko. Wala na sana akong balak na pakinggan yung last will and testament ni Ethan kaya lang nagpumilit ang attorney na mahalaga daw na marinig ko ang laman ng will ayon na rin sa habilin ni Ethan.

I don't like to sound depressed but ever since the incident, nawalan na ako ng gana mabuhay. Feeling ko, I'm just existing in this world. Ilang weeks narin ang nakakalipas simula ng mawala siya. Palagi akong nalilipasan ng gutom. Palaging walang tulog. I always look at the bright sky like nothing is good in it.

Makakatulugan ko na umiiyak hanggang sa paggising umiiyak parin ako. Hindi ko na rin ata alam maligo. Dati, I usually take care of myself. I even do some make ups para magmukhang fresh but right now, I don't care if I look like a witch.

My room is messy all the time. Ni hindi ko alam kung bakit madumi ang kwarto ko when in fact, andon lang naman ako sa loob ng kwarto. Barely functioning.

"He's here." Maikling pagkuha ng attorney sa attention ko. I didn't even look at the person who just arrived. Just like I said, I don't care about the world now. I just want this to be over para makauwi na ako.

I want my personal space where I can lay the whole day and just reminisce the memories I had with Ethan. That's my only coping mechanism to keep my sanity. I don't know if that will make me sane, but I just want to keep remembering him and that makes me happy.

Umupo yung lalaki sa isang separate chair sa tabi ko. Hindi ko naman siya pinansin kasi wala akong interest alamin kung sino siya. Based on my peripheral vision, maganda ang tindig niya just like Ethan and he is tall just like Ethan.

Ughh! I can't forget Ethan. Kahit sa ibang tao nakikita ko siya.

"Let's start with, Sandra." Paguumpisa ng Atty. Nakatunganga lang ako mula sa kinauupuan ko. I even look like a zombie. Plain face. No emotions at all. I seem like I have no interest. "Lahat ng properties ni Ethan, sayo iniwan including yung bahay. That's approximately Php 102 million pesos plus lahat ng insurance at bank account ni Ethan, you are the first beneficiary, but you cannot have the Anime Corporation. Ethan believed that you can't still manage a company that's why iniiwan niya to sa kakambal niya na si Ezekiel Ramirez." The attorney said. I suddenly felt my blood rushing inside my dead body. Not literally dead, but I feel like bigla akong nabuhayan sa sinabi ng attorney.

So, the man beside me is no other than Ezekiel? I slowly turn my face to look at him beside me and siya nga ang nasa tabi ko.

Bumilis tibok ng puso ko as I look at him. Napahawak ako sa dibdib ko dahil feeling ko magbebreak down ako. I am looking at Ethan's reflection. Hindi maitatangging magkamukhang magkamukha silang magkambal. If I don't know na may kambal si Ethan, I would have think na bumangon mula sa hukay si Ethan and I would hug him right away.

Ezekiel was casually listening to what the attorney was saying na parang he was not surprised at all. What should I expect? Wala namang kabutihang iniisip ang isang katulad niya. I should not be surprised.

I composed myself. Kamukha lang ni Ezekiel si Ethan pero magkaiba sila ng personalidad. The one beside me is a demon. Malayong malayo sa kapatid niya. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na galit.

I don't care about Ethan's wealth to be honest pero ang magkaroon ng karapatan si Ezekiel sa mga ari-arian ni Ethan, yun ang hindi ko matatanggap. What makes him think that after all what happened, I'm just gonna let him walk around the Earth like he didn't do anything wrong?

"What the hell are you saying?" Tumayo ako at nilingon ang attorney. Hindi ko alam kung tama ba narinig ko pero this is absurd. Kahit anong mangyari, di ko papayagan ang isang Ezekiel na mamuno sa kumpanyang pinaghirapan ni Ethan. "Do you know what this guy did to Ethan?" I asked while pointing my finger to Ezekiel. "He killed Ethan. Binayaran kaba ng gagong to para palitan ang last will and testament? I don't see any reason para ibigay niya yung kumpanya sa isa sa mga rason kung bakit siya namatay." I said angrily. Tumingin ako muli kay Ezekiel. Hindi niya ako nilingon. Tahimik lang ito na nakikinig.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon