I just wear a white long thin fabric skirt paired with a blue tank top and a flat sandals. Nagsuot din ako ng kettle brim hat and a sunglass. Malamig ang hangin pero swerte ko daw sabi ni Dennis at natyempuhan ko yung buwan na hindi gaano malamig. Sa gabi lang talaga lumalamig ng sobra yung klima.
Dennis is just wearing a simple black polo shirt and a white short. Nakasimpleng outdoor slippers lang siya. Simple lang siya manamit pero ang lakas ng dating. Hindi ko maiwasang mapanganga ng makita siya kanina. Akala ko maiintimidate ako dahil doctor siya pero masyadong nakakagaan yung pagiging humble niya.
Hindi ko alam kung nasan kami ngayon. Sabi niya, dito daw pumupunta ang mga tourists para magpicture. May malaking sign kasi ng Batanes and malapit dito ay ang light house. Mula sa lighthouse, matatanaw mo ang napakalawak na dagat. Wala naman masyadong turista ngayon and sabi ni Dennis, hindi daw kasi peak season ngayon.
Inalalayan niya ako na maglakad dahil sa hindi pantay ang lupa. Kailangan ko rin magdahan-dahan dahil sa bali ko. Hindi kasi pantay yung nilalakaran namin. Para siyang wavy na chocolate hills sa Bohol pero malilit. Basta hindi ko alam pano sabihin in words kaya kailangan ko magdahan-dahan sa paglalakad.
Tinignan ko siya kung naiinis na kaya siya sa pag-alalay sakin. Mukha naman walang issue sakanya. Parang gustung gusto pa niya atang inaalalayan ako kaya lang nakakahiya parin talaga. Feeling ko pupunta kami sa taas ng light house kasi yun ang destinasyong tinatahak namin ngayon. I can't wait to see the view from up there.
"I'm okay, Sandra." Sabi niya ng tignan niya ako. Napansin niya sigurong nag-aalala ako sakanya na baka nahihirapan na siya sakin. He showed me a wide smile like he's saying I shouldn't be worried from anything. Sa isang ngiti niya lang, napawi niya agad yung mga agam-agam ko. Awtomatikong nahawa ako sa ngiti niya. Maybe that's the secret of his smile.
"I'm sorry, Dennis. Nahihiya kasi talaga ako." I said between our walks. He seems like he doesn't mind at all kaya lang syempre bago palang kami magkakilala. Nahihiya pa ako sa ngayon. Sabi niya okay lang daw kaya hindi na ako nagreklamo pa. Sino ba naman ako para mag-inarte pa?
"Sagot kita okay? I'll make your stay here in Batanes worthy." He said showing me his perfect set of teeth. Hindi ata ako magsasawang titigan mga ngiti niya. Yung ngiti niya kasi nakakalight ng atmosphere na parang wala kang time maging malungkot. Gumanti lang ako ng ngiti sakanya. Kahit sino siguro mahahawa sakanya. He doesn't know how grateful I am na pinasyal niya ako. Ang gaan talaga ng loob ko kausap ang lalaking to.
"Ilang taon kana pala?" Tanong ko sakanya habang paakyat kami sa lighthouse. Nacurious lang ako bigla sa edad niya. Sabi niya doctor siya so siguro nasa edad 30's na siya. Hindi ko naman kasi masabi kasi mukha pa naman siyang bata. Papasa siyang 25 years old kung mukha pag-uusapan.
"I'm 28. I bet you're just 12?" Pilyang tanong niya sakin. Awtomatikong napapout ang lips ko na parang naoffend sa sinabi niya. Nagkunwari akong nagtatampo. Sa totoo lang, sa liit kong to, pagkakamalan talaga akong bata pero dahil lang naman sa height. Feeling ko kasi maliit ako masyado sa 5 flat kaya nagmumukha akong 12 years old.
"You're so mean. I'm turning 22 this December." Sagot ko sakanya. Di naman ako actually naooffend. Maliit lang ako pero matured naman ang mukha ko. Nagulat naman ako na 28 years old na siya. I mean di naman ganon katanda. Si Ethan nga 34 eh. But they both look so young even with that age.
"I'm just kidding. You look like a woman. Pwede na." Sabi niya tsaka pinisil ang ilong ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Hindi naman masakit pero feeling ko kung may nakakita samin, magmumukha kaming magsyota. Tumawa lang siya ng bahagya habang hawak parin niya ang kamay ko para alalayan ako paakyat sa tuktok ng lighthouse.
BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
RomanceSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...
