Sandra's POV
Pagkagising ko sa umaga, sobrang sakit ng ulo ko. Ito yung unang beses na uminom ako ng alak kagabi. Never pa naman ano nag-inom sa totoo lang. Kaya lang naman ako nag-inom kasi di ako makatulog hindi dahil sa sobrang pag-iisip kay Ethan pero isa na din yon. One of the reasons also is Ezekiel. Masyado kong iniisip yung incident sa labas ng bahay.
Hindi ko lang talaga magawang i-pinpoint kung anong mali at bakit nagreregister sa utak ko ng ilang ulit. Hindi naman siguro ako kinikilig. More on curiosity.
Tinignan ko ang buong kwarto. Malinis iyon. Wala din yung alak at baso na pinag-inuman ko kagabi. Saan kaya napunta yon? Hindi naman siguro ganito kalinis ko maiiwan yung mga kalat ko.
Nasapo ko ang ulo ko. Ramdam ko parin ang pagkahilo ko. Ganon ba karami nainom ko kagabi? Sa sobrang desperada ko ata na wag mag-isip isip, napainom ako. Anong oras naba? Tinignan ko ang digital clock sa bedside table ko at mag aalas otse pa lang ng umaga.
Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Paika ika akong nagpunta ng kusina. Bukod kasi sa sakit ng ulo, nakaramdam ako ng sobrang pagkauhaw. Ganito pala feeling after mong uminom. It feels awful.
Pagkarating ko ng kusina, medyo natutumba parin ako pero I managed to get some water from the pitcher in the fridge. Halos maubos ko yung kalahati ng pitcher sa sobrang uhaw ko.
"Ughh! Ang sakit ng ulo ko." Bulalas ko dahil masakit parin ang ulo. Gusto ko na iuntog sa pader yung ulo ko para mawala na yung sakit. Chineck ko yung first-aid kit namin na nasa cabinet na nasa gilid lang ng fridge pero wala akong makitang kahit anong gamot na biogesic. Kailan pa kami naubusan ng gamot? I need to buy some things in the grocery story.
"Hmm. I wonder why." Biglang salita ng isang tinig lalaki. Napatalon ako sa gulat at nilingon ang likod ko. Nakita kong prenteng nakaupo si Ezekiel sa harap ng mesa habang nagbabasa ng dyaryo. Bakit di ko siya napansin nung pumasok ako ng kusina? Ughh! I'm probably too dizzy to notice his presence.
"Pwede wag mo akong ginugulat." Masungit kong sita sakanya. I gave him one deadly stare before I turned my back and grabbed a plate. Nakita ko kasing may nakahain na kanin at ulam sa lamesa kaya kakain na lang muna ako. Baka pag kumain ako mawala tong awful feeling na nararamdaman ko. Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi niya. My usual spot.
"Ako dapat ang magulat, Sandra. Where did you get the alcohol? Don't tell me you sneak it out of my room." Seryosong tanong niya sakin. Napalingon naman ako sakanya na may halong pagtataka. How did he know I was drinking? I thought he is already sleeping when I started drinking the alcohol.
"I thought you were sleeping." Sagot ko sakanya. Kaya pala malinis sa kwarto ko kanina ng tignan ko. Yun pala, he went inside my room last night kaya niya nalaman na uminom ako ng alak. Akala ko kasi di na siya babalik to check up on me again.
"You felt disappointed na gising ako? Sabi ko sayo kahapon, if you're just gonna behave and not harm yourself, I will leave you alone. I guess, you want me to stick with you forever. No big deal on my end though." Sabi niya ng seryoso pero halata naman na inaasar niya ako. How can he do that? Tease me while having that serious look.
"You said if I'm not hurting myself. I just drink the half bottle. I didn't even cut myself." Pagdedefend ko sa sarili ko. Hindi naman ako napahamak sa pag-inom. Tinaasan ko siya ng kilay when he acted like he doesn't hear anything. "Yah whatever. You're not listening anyway. What's the point?" I said like I'm already giving up. Masyado kasing masakit ang ulo ko para makipag argue sakanya.
"You probably have headache. Stay still and I'm going to pharmacy later. Do you need anything else?" Tanong niya sakin not minding what I said habang nakatutok ang kaniyang atensyon sa dyaryo. Role ba niya sa buhay ko ang inisin ako? But he is right. Gusto ko na biyakin ulo ko sa sobrang sakit. Ano pa nga ba kailangan ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/372943804-288-k906146.jpg)
BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
RomanceSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...