Ezekiel's POV
Alas onse na ng gabi ng malaman ko kung nasan si Sandra. Labis ang pag-aalala ko kanina pa ng hindi ko malaman kung nasan siya. Tinanong ko rin si Jonathan kung may kilala ba siyang Vanessa na kaibigan ni Sandra pero di daw niya ito kilala.
Hindi ko maiwasang hindi magalit dahil iniisip ko na, pano kung may nangyaring masama sakanya? I know she left a note but that doesn't mean na hindi na siya mapapahamak. She can't even walk that much.
Buti na lang maaasahan si Jonathan at nalaman niya kung nasaan si Sandra. I feel bad tuloy kasi alam kong nagpapahinga na siya pero inistorbo ko pa. Wala na kasi akong ibang malalapitan kundi siya lang. It will be absurd naman na mag-ask sa police kasi it's obvious, hindi naman nawawala or nakidnap si Sandra.
Ayon kay Jonathan, there is this app called Snapchat. Friend daw niya si Sandra doon at naka-on ang location nito. Buti na lang at chineck daw niya kasi nagbabakasakali siya na baka naka-on ang location nito kasi yun lang ang way to locate Sandra. Siguro dapat i-download ko na yun. Hindi ko naman kasi alam gamitin mga trending app nowadays.
I am thanking God this moment na umayon ang tadhana dahil kung hindi, baka di ko makakatulugan ang masyadong pag-iisip kung nasan ang dalaga.
Andito ako ngayon papasok sa club kung saan nakapin ang location ni Sandra. Syempre I wear something nice para makapagblend ako sa mga tao. Hindi ko lubos maisip kung bakit pumunta si Sandra sa ganitong lugar. Knowing what happened last night, alam kong mahina tolerance niya sa alak. She is probably drunk right now.
What are you trying to do, Sandra?
Pagpasok ko palang sa club, halos mabingi na ako sa lakas ng party music sa loob. Nakita kong may mga lasing na habang ang iba naman ay tila nageenjoy pa na sumasayaw sa dance floor. Nagkalat ang mga grupo ng kababaihan at kalalakihan. May mga naghahalikan sa gilid or mga nagdidirty dance sa kaniya kaniya nilang table. Makikitang may mga batang bata pa at may mga medyo may edad na din.
Nagsimula na akong hanapin yung nag-iisang pakay ko. Sa sobrang dami ng tao sa loob, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
I used to party a lot when I was at my 20's. I fuck a lot of women. I drink a lot of alcohol. I got myself into trouble. I got kicked out. I got into fights. Police arrested me at marami pang iba.
Club is fun but it could be a nightmare also. Dito mo makikita ang iba't ibang klase ng tao. If you are a newcomer, there is a tendency na mapapalaban ka sa mga tao or kung magandang babae ka naman, worst case scenario, guys might rape you.
Yun ang bagay na ayaw ko mangyari para kay Sandra. The moment na nalaman kong nasa club siya, hindi na ako nagsayang ng oras na paliparin yung kotse ko papunta dito. Sandra is beautiful and I know that guys might set their eyes on her and she's gonna be their walking temptation. I might be too late or I'm probably right on time. Kailangan ko lang siya mahanap as soon as possible.
"Naunahan tayo pare. Ang bilis naman ng isang iyon. Nakalapit siya agad don sa babae. Sayang! Sobrang ganda niya and sexy." Sabi ng isang lalaking padaan sa harap ko. Kumikinang kinang pa ang mata niya habang iniimagine siguro yung babaeng tinutukoy neto. Ewan ko kung anong nagudyok sakin na tawagin yung lalaking yon. Hindi ko rin alam. Basta may bumulong lang sakin na tanungin ang lalaki.
"Pare, san mo huling nakita yung babaeng yon?" Tanong ko sakanya ng tapikin ko ang kaniyang balikat at humarap sakin. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Mahahalata sa kanya na mukha na siyang lasing. Bata pa ang lalaki pero dahil sa itsura niyang sabog at mukhang mahilig magdrugs, nagmumukha siyang mas matanda sakin.
"Yung sexy? Wag kana mangarap. Naunahan kana." Sabi niya sabay tawa niya at ng kasama niya. Yung tawa na parang sinasabihan akong isang talunan. Well, I'm not here to compete with other guys. I'm here to pick up Sandra.

BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
RomanceSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...