Ezekiel's POV
Inaayos ko na mga gamit ko para makabalik na ng hotel. Nasa office ni Sandra si Bethany kaya malaya kong nakausap si Jonathan tungkol kay Sandra. Ayaw kasi magpaiwan ni Bethany kahit anong pilit ko. Maski ako naiirita narin. Wala ako panahon maging doctor niya kaya kesa makipagargument pa ako, sinama ko na lang siya dito sa opisina.
"Tingin mo nahatid na ng kapatid mo si Sandra sa bahay?" Tanong ko kay Jonathan. Sabi kasi niya sakin kanina, ihahatid daw ng kapatid niya si Sandra kapag nagising na ito. Kaninang umaga pa niya sinabi iyon. Hapon na kaya baka nasa bahay na ang dalaga.
Kaninang nasa opisina ako, with the help of Jonathan, nagawa kong mareach out mama ni Bethany. Inexplain ko kay Tita ang lahat nang nangyari samin ni Bethany magmula nung inadmit ito sa clinic ko hanggang sa kasalukuyan. Wala ako tinagong kahit na anong detalye.
Kailangan kong sabihin lahat para mas maunawaan ni Tita ang kalagayan ng anak niya. Simple lang naman ang gusto ko. Ang kunin niya ang anak niya dito sa Pinas dahil wala ako balak na bumalik sa US kasama si Bethany.
Akala ko magagalit sakin si Tita dahil parang ginawa kong parausan si Bethany pero laking gulat ko na nauunawaan niya ng buong buo at susunduin daw niya ang anak niya bukas na bukas din na ipinagpasalamat ko.
Namimiss ko na kasi ng sobra si Sandra. Ilang weeks ko na siyang hindi nahahawakan or nakakausap. Ayaw ko namang tumagal lalo yung hindi namin paguusap kasi baka masanay siyang wala ako sa tabi niya at ayaw ko non. I have a lot to explain and nananalangin ako na sana tanggapin parin ako ni Sandra at patawarin ako sa mga panahong di ko siya pinapansin. Alam kong mahihirapan ulit akong suyuin ang dalaga pero okay lang. I want my problem with Bethany to be over ASAP.
"Buti pinaalala mo. Kanina pa walang chat or tawag yung kapatid ko. Wait tawagin ko lang." sagot ni Jonathan. Akmang magdidial na to sa phone ng magring ito. Agad niya naman iyon sinagot. "Bakit pa?" Sagot ng niya sa kanilang linya. Mukhang papa niya ang tumawag sakanya.
Agad binundol ng kaba ang dibdib ko nang tignan ako ni Jonathan habang nanlalaki ang mata na parang may narinig na hindi magandang balita. Maaaring guni-guni ko lang pero kakaiba ang pakiramdam ko.
Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Para akong naestatwa habang tinitignan si Jonathan. Nang ibaba niya ang telepono, iniwas niya ang tingin sakin na parang may gusto siyang sabihin sakin pero di niya alam kung pano magsisimula.
"What is it, Jonathan?" Pag-uumpisa ko. Lumingon siya sakin at halata sa mukha niya ang sobrang pag-aalala at para siyang nahihiya. Gusto ko mainis dahil ayaw magsalita ni Jonathan. I'm not sure what's going on pero may pakiramdam ako na parang di ko magugustuhan ang sasabihin niya.
"I-it's about Sandra." Sagot niya. Finally, sinalubong niya ang mga tingin kong kasing lamig ng yelo. Sa mga oras na to, gusto ko ng umalis ng opisina para puntahan si Sandra.
"What about her?" Malamig na tanong ko sakanya.
"Dad found some blood in the kitchen. Sandra and my brother are missing. She left her phone in my room so my dad thought that Ben took Sandra somewhere." Matapang na sagot niya sakin. Nanlamig ang buo kong katawan sa narinig. Nanginginig ang mga tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa swivel chair ko dahil pakiramdam ko matutumba ako.
"We need to find her." Mahinang sagot ko. Hindi ko alam kung san kami mag-uumpisa para hanapin si Sandra pero ayaw kong masayang kahit anong segundo. Nagsisisi ako na pinili ko kapakanan ni Bethany para sa kaligtasan ni Sandra. I thought I'm doing the right thing for the one I love pero di ko napredict na habang ginagawa ko to, maaari paring mapahamak si Sandra.

BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
RomanceSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...