Alas otso na ng gabi ng mahatid ako ni Dennis sa bahay. Unang plano namin, dapat makarating ako sa bahay bago mag alas siete pero masyado ata kaming nag enjoy sa sunset kaya late na kami nakauwi.
Gusto nga ng lalaki, magpunta pa kami sa isang tourist spot din sa Batanes. Maganda daw ang view pag gabi kaya lang sinabi ko na pagod na paa ko at tsaka gabi na rin kasi. Baka hanapin na ako. Ayaw ko naman na mag-alala si Ezekiel sakin. Hindi naman na siya tumutol.
"It's fun to be with you. Meet you tomorrow?" Sabi niya ng may malawak na ngiti pagkababa ko ng kotse. Awtomatikong napangiti ako pabalik sakanya. Kanina pa niya kasi sinasabi talaga yung swimming namin bukas na parang akala niya babawiin ko yun. Malapit na rin marindi yung tenga ko kakaulit niya.
"I told you it's fine. Just ask her if she agreed." Sagot ko sakanya. Tinutukoy ko ang mama ni Ezekiel. Ayaw ko naman pangunahan ang babae. Baka ikagalit pa nito na pumayag ako without her permission.
"I'll talk to her tomorrow. I'll make sure she will agree. Good night, Sandra." Paalam ni Dennis sakin. Napatawa ako ng kumindat siya sakin bago umalis. Alam kong may pagkapilya siya that's why I didn't take that seriously. Naexcite tuloy ako para bukas. Mukhang mageenjoy ulit ako na kasama siya kasi ang sarap niya talagang kasama.
Pumasok na ako ng bahay ng tuluyan nang mawala sa paningin ko ang papalayo niyang kotse. Hindi nakalock ang front door nung buksan ko iyon kaya malaya ako na nakapasok. Wala ding tao sa loob ng bahay pagpasok ko. Siguro nasa kani-kanilang kwarto na sila kaya masyadong tahimik sa loob ng bahay.
Dumiretso na ako sa kwarto ko. Hindi na ako nag-abalang tignan si Ezekiel sa kwarto niya. Siguro tulog na yon dahil sarado na ang kwarto niya. Ayaw ko naman na siya istorbohin pa. Bukas ko na lang siguro sasabihin kung san ako nagpunta ngayon. Pagod na rin ako kakalakad. Gusto ko ng magpahinga.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, sinarado ko na iyon. Hindi ko na binuksan yung ilaw dahil masyadong maliwanag ang sinag ng buwan mula sa bintana kaya kita ko ang daan papuntang kama.
Tinanggal ko lang sandals ko. Hindi na ako nag-abalang magpalit muna. My knee and feet hurts. Gusto ko munang mahiga sana at magpahinga ng isang oras then I'll change my clothes.
Masyado atang mahaba yung oras na naglagi kami sa labas kaya sumakit ng husto yung tuhod at mga paa ko. Kinuha ko yung pain reliever na nasa bedside table ko lang. Buti may tubig sa gilid non kaya di ko na kailangang bumaba para kumuha ng tubig.
Pahiga na sana ako ng kama ng biglang may humatak sa braso ko paharap sa kung sino man yon. Nanlaki mata ko ng makita si Ezekiel sa harapan ko. Bakit di ko man lang napansin yung presensya niya pagpasok ko? Kailan pa siya andito? Kanina pa kaya siya naghihintay dyan? His eyes are staring at me in a deadly manner. Ramdam ko na may pinipigilan siyang galit sa paraan ng pagtitig niya sakin.
"Ezekiel.." singhap ko. Trinay kong bawiin yung braso ko sakanya pero mas humigpit ang hawak niya sakin. Hindi naman masakit pagkakahawak niya kaya lang mahina lang talaga ako kaya hindi ko magawang makapalag.
"You really want to shut me out Sandra just for that guy?" Sabi niya sa malamig na boses. I can sense his anger through his words and I don't know why but it gives me chills down to my bones. Hindi ako agad nakareact sa sinabi niya.
It's my first time seeing him like this. Hindi siya ganito nagalit noong nalaman niyang nagpunta ako ng bar. His reaction right now is very different. Although his face is emotionless, alam ko na galit siya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.
"Am I really not that important Sandra? Do you really not care if I'm worried looking for you?" Tanong niya sakin. Bakas sa boses niya ang di maitagong lungkot. His eyes are full of sadness suddenly. Habang tinitignan ko siya, di ko alam bakit sumisikip yung dibdib ko habang binibitawan niya mga katagang yon. Why do I feel guilty?
BINABASA MO ANG
Resisting Ezekiel
Lãng mạnSandra's life after the tragic event was filled with bitterness and resentment towards Ezekiel, the man responsible for shattering her world. Living under his guardianship was a constant reminder of the pain and loss she had endured. The mere sight...