IV - New CEO

28 5 0
                                    

Ezekiel's POV

Bago ako umalis ng bahay, minakesure ko muna na nalinis ni Manang Gloria yung kwarto ni Sandra at naumpisahan niya na ang paglalaba para wala ng excuse si Sandra na paalisin yung babae.

I feel bad for Manang dahil naging biktima siya ng pagsusungit ni Sandra. Nadamay pa siya sa galit ni Sandra sa mundo. Akala ko naman sakin lang galit si Sandra. Hindi ko alam na damay pati inosente.

Si Manang Gloria ay isa sa mga katulong namin noon ni Ethan. Hinanap ko kasi isa isa yung mga naging katulong namin noon. Ayaw ko kasing kumuha ng kung sino sino at dahil katulong namin sila noon, alam ko na mabubuti silang tao. Sakto si Manang Gloria, nasa hospital ang anak at kailangang kailangan niya ng pera kaya agad ko siyang kinuha para lang malabhan ang gamit ni Sandra at malinis ng konti ang kwarto ng dalaga.

Kaninang umaga kasi, binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Sandra at kitang kita ko kung gaano kagulo ang kwarto niya. Tulog pa siya kanina kaya hindi niya napansin ang pagpasok ko. Doon ko naisipang maghanap ng tutulong na maglaba at maglinis ng kwarto ni Sandra. Sa tulong na din ni Jonathan ay mabilis kong nahanap ang bahay ng isa sa mga maids namin noon na si Manang Gloria.

Jonathan and I became close friends after what happened kay Ethan. Wala kasi akong kaibigan dito sa Pilipinas dahil lumaki ako sa US. Kasama ko si Jonathan na nagtawag ng police noon upang madampot si Gary. Nagpapasalamat ako kay Ethan kundi dahil sakanya, wala siguro akong taong mapagsasabihan sa mga oras na to.

Anyway, back to the story. Hindi ko magawang mapakain kanina si Sandra. After ng pagmamaktol niya sa kusina, nagdiretso siya sa sala para manood ng T.V. Hindi na rin siya nakipagargue sakin. Ramdam ko namang gutom na gutom na siya kasi naririnig kong tumutunog ang tyan niya kanina pero dahil sa pride niya, pinili niyang magutom.

I know what she's dealing with right now. I am a psychiatrist and she's not mentally and emotionally okay. The best thing I could do is to understand her and wag siyang sabayan. Kahit na psychiatrist ako, bakit parang nawala lahat ng pinag-aralan ko kapag kaharap ko si Sandra. Para akong nabablangko kapag kausap ko siya.

This is my first time ever na manunuyo ng babae. Noong nasa US ako, palaging ako ang hinahabol ng mga babae. I don't like to sound arrogant at poging pogi sa sarili pero yun ang totoo. Never ako nanligaw dahil babae ang lumalapit saakin. They say, nafafall sila dahil pilya ako which sounds absurd kasi ang alam ko, yun ang nakakaturn off sa babae.

When I tried it kay Sandra kanina, hindi umubra. Parang mas lalo lang nagalit yung babae kaya medyo naguluhan talaga ako kung turn on ba o turn off sa babae ang pagkapilya ng isang lalaki.

Hindi ko na siya kinulit na kumain pa. Alam kong kakain rin siya mamaya kasi lahat naman tayo kakain pag nagugutom. I just want to give her more time for now. Ayaw kong pwersahin siya kasi baka mas lalo lang siyang mapalayo sakin.

Nanonood parin siya ng T.V nang iwan ko. Hindi rin siya umiimik kahit na dumadaan si Manang Gloria. Panatag na ako na hindi niya pauuwiin si Manang. Siguro nawalan na siya ng lakas na makipagpatintero pa sakin.

Ayaw ko pansinin pagsusungit niya sakin dahil alam kong the more na papansinin ko yun, the more na lalaki lang yung away. Maghahalungkat lang siya ng mga bagay bagay na makakasakit sakin. As much as possible, I am trying to move on from the past and make it up to her. Hindi man niya ako mapatawad ngayon pero gagawin ko lahat para matunaw ang galit niya sakin.

Hindi ko naman maitatanggi na gusto ko si Sandra. I remember that moment when we first met. She kissed me passionately. Alam kong she mistakenly me as Ethan that time but that was the first time na nakaramdam ako ng kakaiba sa halik ng isang babae.

I kissed a lot of girls already before pero may kakaiba sa mga halik ni Sandra na hindi ko magawang kalimutan. If hindi dumating si Ethan that time, baka nagpatianod na ako sa temptation noon at baka humantong kami sa kama ni Sandra.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon