XLVI - Waiting

11 4 0
                                    

Ezekiel's POV

Two days nang nakacoma si Sandra sa hospital at heto ako ngayon sa tabi niya habang hawak ang kamay niya. Hindi ko alam kung kailan siya magigising. Ang tanging nararamdaman ko lang sa mga oras na to ay kagustuhan na magising ang babae.

It's been two days narin simula nung nangyari ang kidnapan. Nakarating sa location agad sila Vanessa at Jonathan kasama ng mga police. Nadakip si Ben at nadala sa hospital si Sandra.

Hindi binigyan ng parusa si Uno dahil narin sa pakiusap sakin ni Vanessa. Napagalaman kong si Uno ang nagbigay ng paunang lunas kay Sandra kaya di ko na siya sinampahan ng kaso. Siya din naman ang nagturo ng lokasyon kaya alam kong may mabuti siyang kalooban.

Buti na lang at nadala agad sa hospital si Sandra. Sabi ng mga doctor, kung nagtagal pa daw ng ilang araw, baka napahamak ang dalaga dahil hindi ganon kaganda ang pagbibigay ng paunang lunas.

Palagi kong binabantayan ang dalaga. Nagbabaka sakali ako na baka anumang oras magising na siya. Umuuwi ako ng bahay kapag maliligo ako tsaka ulit pupunta ng hospital para bantayan si Sandra. Ganon ang routine ko sa dalawang araw na walang malay ang dalaga.

Nasa ganon akong posisyon ng pumasok si Jonathan. Mukhang wala din siyang tulog dahil halata ang eyebags sa ilalim ng mga mata niya at parang bangag na bangag ang itsura niya.

"You're like a zombie." Sabi ko kay Jonathan nang lingunin ko siya.

"Nagsalita ang hindi." Sagot niya sakin. Napatawa naman ako sa kaniyang sagot. Wala din kasi akong matinong tulog sa dalawang araw. Pinipilit kong matulog pero di ako makatulog. Pakiramdam ko, magdamag lang ako nakatitig sa walang malay na katawan ni Sandra.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. It's been two days also since the last time I talked to him. Alam kong naging busy siya sa pag-aasikaso sa kapatid niya kaya ngayon lang siya nakadalaw sakin.

"How is your brother?" Tanong ko sakanya. Galit ako sa kapatid niya dahil sa ginawa nito kay Sandra pero nag-aalala ako kay Jonathan dahil alam kong mahirap to para sakanya. "I know that he is your brother. Kung ako lang sinaktan niya, I will forgive him, but he hurt Sandra." Dagdag ko.

"You don't have to feel sorry. You did the right thing." Sagot niya sakin. Ito yung bagay na inaadmire ko kay Jonathan. Napakalawak niya mag-isip at mang-unawa. Hindi siya yung tipo ng tao na papanig sa mali kaya siguro kahit papano nafeel bad ako para sa kapatid niya.

"What's your plan?" Tanong ko sakanya.

"I did everything to guide him to the right path. Hindi ako nagkulang bilang kapatid. If this is the consequence of his actions, I'm not gonna interfere anymore. Baka in this way, matuto na siya." Sagot niya sakin. Natutuwa ako na nauunawaan ni Jonathan ang pagsampa ko ng kaso sa kapatid niya. Alam ko na mahirap to para sakanya pero gusto kong matuto ang kapatid niya ng leksyon. Iniisip ko rin ang kaligtasan ni Sandra kapag hindi ko ginawa ito.

"Thank you Jonathan for understanding." Tanging sabi ko lang. sa totoo lang, worried ako na baka magalit sakin si Jonathan pero I'm thankful he's not.

"Ikaw? Anong plano mo?" Tanong niya sakin. Mula kay Sandra ay napatingin ako kay Jonathan. He is staring at Sandra as well. Lumingon ako ulit kay Sandra. Napaisip ako. Ano ang plano ko?

"Just like I always do. I won't leave her alone anymore. Not again." Simpleng sagot ko. Sa oras na magising si Sandra, sasabihin ko na lahat sakanya. Simula ngayon, wala na ako itatago sakanya. I don't like to feel this regret again. Ang dami ko na kasalanan sa dalaga. Ayaw ko ng dagdagan ulit.

"What about Bethany?" Dagdag tanong ni Jonathan. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Naaalala kong kailangan ko i-meet ang mama ni Bethany. I heard na magkasama na ang dalawa kaya di ko alam kung ano pa ang gusto sakin ng mama ni Bethany.

Resisting EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon