Fujin Point of view.Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko naman yung mga bodyguard na nakalibot sa loob ng mansion.
Nagtaka ako agad kung bakit sila nandito sa loob. Nakita ko naman ang nakahilatang babae sa foldable bed na nasa kusina.
"Anong nangyari? Bakit siya nakatulog?" tanong ko.
"Pinainom ko siya ng gamot niya, pinatulog ko na siya."
Bakit may nararamdaman akong kakaiba? Hindi ko alam pero parang may masamang nangyayari.
----
Blaze Point of view.
Nandito na ako sa bahay ni Anastasia pero mas lalo lang siyang hindi kumakalma kaya mabilis ko siyang dinala sa hospital.
Nakakasama sa baby ang ginagawa niya. Nang makapunta na kami sa hospital ay agad siyang inasikaso kaya nang makuha na siya ng mga doctor at nurse ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko.
Nagaalala rin ako kay kuya. Hindi ko rin kasi siya makontak kanina pa.
Sinubukan kong tawagan si Dark pero hindi ko rin ito nakontak.
"Fuck!" mura ko at mabilis na napasabunot sa ulo ko.
Wala pa akong tulog kaya sumasakit yung ulo ko at natataranta na rin ako. Hindi ko alam kung nasaan na si Kuya pero isa lang ang lugar na pwede niyang puntahan.
Yung hotel niya.
Doon siya nagtatrabaho kaya imposibleng wala siya doon. Kapag wala siya doon edi may possibility na kinuha siya ni Drake.
"Fuck!"
Mabilis at natataranta akong sumampa pabalik sa kotse, halos mabitawan ko pa ang susi sa sobrang panggigigil at pabalikwas akong nagpaandar, dinig ko ang malakas na pag-arangkada ng makina. Hindi ko na iniintindi kung maayos ba ang pagmamaneho ko—wala na akong pake.
Sana naman ligtas pa siya, huwag sana...
Anastasia.
Paano na lang siya? Paano na kung may masamang nangyari?Mabilis ang tibok ng puso ko, halos marinig ko ang bawat pintig habang pumipihit ako ng manibela.
Tumataas na ang init sa loob ng kotse, pero hindi ko na ramdam. Hindi ko rin ramdam ang mga businang bumabangga sa tenga ko habang tuloy-tuloy akong nag-overtake.
"Come on, come on, move!" sigaw ko habang pinipilit lampasan ang mga sasakyang masyadong mabagal.
Traffic.
Tangina.
Sinagasaan ko ang bawat kotseng nasa unahan ko dahil sa bilis ng takbo na parang wala nang bukas. Kung may multa, bahala na. Kung may magalit, bahala sila.Mas mahalaga makita kong buhay si kuya.
Tristan Point of view.
Nagpicture ako na parang may tali sa kamay ko habang nakaluhod. Ginamit ko yung timer na 10 seconds at paulit ulit akong nagtatake kasi naman! Ang kunti lang ng time.
Nang mukha ko naman na yung gusto kong image ay tumigil na ako.
Sinend ko na iyon sa tita ko at mabilis lang din siyang nagreply.
[Okay, saan mo kukunin yung pera? Dating gawi? Pupuntahan mo ako?]
Pupuntahan? Uhm... paano ba?
[Cash ’yan?]
[Ipapacash ko, yun naman ang gusto mo lagi diba? Ayaw mong ilagay ko sa card mo.]
[Sige kukunin ko diyan. Mamayang gabi, pumunta ka sa mansion ng Wulan. Doon ko kukunin yung pera at tatapusin na natin ’to.]
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...