Kerstein

2 0 0
                                        

Mixed emotion. Iyan ang tanging naramdaman ko pagkatapos ko mabasa ang diary ni Harold. Bakit ba hindi ko ito binasa noon? Dapat noon pa. Akala ko... akala ko si Angel talaga ang gusto niya. Nagtampo pa ako sa kaniya. Iniwasan ko pa siya nung mga panahon na unang nabasa ko itong diary  niya. Napakagatlabi ako dahil biglang may pumatak na luha sa kaliwang mata ko. Agad ko itong pinunasan.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang tulala sa kisame. Hindi pa rin ako inaantok. Ang daming pumapasok sa isip ko. Isama pa yung diary na sinulat ko sa isang papel na nabasa ni Harold. Bakit ba kasi ako nagsulat non? Nakakahiya tuloy! Nagtalukbong ako ng kumot out of frustration. Para na akong mababaliw kaya tinakpan ko ng unan ang mukha ko at doon sumigaw para hindi marinig ni mama.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng bigla nalang tumunong ang message ringtone ng cellphone ko. Kaya agad ko iyon kinuha para mabasa kung sino yung nagtext sakin.

From Harold:
Good evening Kerstein! Sorry pala kasi di ako makakasabay sayo sa pagpasok bukas may practice kasi kami ng basketball.

Napalabi ako sa nabasa. Bakit parang disappointed ako? O masyado lang ako umaasa na palagi kaming sabay pumasok?

Nagreply nalang ako ang okay sa kaniya bago itinapon sa kama sa tabi ko iyong cellphone. Pabagsak din akong humiga. Para akong naiinis sa text niya. "Siyempre Kerstein, basketball ang priority niya ngayon dahil malapit na ang laban." Kinumbinsi ko nalang ang sarili ko para kumalma. Ilang malalim na buntong hininga pa ang ginawa ko bago pa mapagpasiyahan na matulog.

--

Pagpasok ko sa gate palang ng school may nakita akong dalang babae na nag-uusap. Wala sana akong balak na pansinin sila dahil di ko naman ugali maki-chismis sa usapan ng iba. Pero nakuha nila ang atensyon ko dahil narinig ko ang pangalan ni Harold. Marami naman sigurong Harold dito sa school. Hindi naman siguro siya 'yun.

Lalagpasan ko na sana sila ng magsalita ulit 'yung isang babae. "Sige na please. Pakiabot lang ito kay Harold nandoon siya sa  school gym may practice sila ngayon alam ko. Sasamahan naman kita pero doon lang ako sa may pinto. Nahihiya kasi ako lumapit." School gym? Practice? Naikuyom ko ang mga palad ko dahil sa narinig. Si Harold pala talaga ang pinag-uusapan nila.

Wala ako sa huwisyo at hinayaan ang mga paa kong lumakad papunta sa gymnasium. Hinayaan kong mauna itong mga babaeng to sakin para di naman nila maisip na sinusundan ko sila.

Nakatayo ako rito sa likod ng halaman at hinintay munang makalabas 'yung babae kanina na pumasok. Nandito kasi sa labas 'yung isa na nagpaiwan. Ilang sandali lang ay lumabas na yung kasama niya na nakangiti at sinabing naiabot na raw niya yung pinabibigay kay Harold. Isa iyong box at papel na sa pagkakarinig ko ay letter daw nung babae sa kaniya. Grabe siya talaga nagbibigay ng letter?

Agad akong umalis sa puwesto ko kanina para sumilip sa loob ng gym. Natatanaw ko mula sa pwesto ko ngayon si Harold na nakaubo sa bleacher. Nakalapag sa tabi niya yung box at binabasa naman niya 'yung letter daw nung babae. Psh! Seryoso siyang nagbabasa nang mapansin ko si Angel na katabi pala niya. Nandon pala 'yon? Bakit di ko nakita kanina? Napataas ang kilay ko nang makita ko ang pagtawa ni Harold. Nakakainis! Bulyaw ko sa isipan at umalis na sa lugar na iyon.

May pasabi sabi pa siya na gusto niya 'ko? Na mahal nya ako tapos makikita ko may nagbibigay ng love letter sa kaniya?

"Ay love letter!" Naisigaw ko ang kaninang iniisip ko. Ano ba yan nakakahiya!

"Anong love letter pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ni Chris.

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon