Dear Diary,
Mahal ko na nga ang bestfriend ko Diary. Sigurado na ako sa nararamdaman ko hindi na ito joke. Ika nga naglevel-up na ang pagtingin ko sa kanya. Hindi ko pa sana mapapansin ang nararamdaman ko sa kanya kung hindi dahil kay Chris, kaya salamat sa kanya dahil siya ang nagbukas ng puso ko para kay Kerstein hindi lang bilang kaibigan. Paano nangyare? Ganito kasi Diary. Si Chris at yung syota niyang warfreak e nagbreak na dahilan nga nu'ng sumugod yung babae kay Kerstein na wala namang ginagawang masama kaya ayun nagalit si Chris sa kanya at nakipag-break na siya dito. Sobrang possessive daw nu'n kaya ayaw na ni Chris sa kanya. Tapos heto na ngayon pinopormahan niya na si Kerstein dahil matagal na niya itong gusto. Hindi naman ako madaldal Diary noh! So, kaya ngayon alam ko na ang feelings ko para kay Kerstein. Mahal ko na siya at hindi ako papayag na mapunta siya sa iba. Sana nga lang hindi ako mabusted sa pangalawang beses na manliligaw ako. Pag-iisaipan ko muna kung kelan ako manliligaw sa kanya. Di pa kasi ako ready!
Pray for me! Sana hindi ako maunahan...
It's me
Harold
