Chris

151 4 2
                                    


Naglakad ako patungo sa puwesto ni Mang Edgar, nagtitinda siya ng fishball. Palapit pa lang ako sa tindahan niya nang may matanaw akong dalawang tao na pamilyar sa akin.

Hindi nga ako nagkamali. Si Harold at Kerstein iyon. Mukhang nagkakamabutihan na silang dalawa, ah. Wala na talaga akong pag-asa kay Kerstein... Kahit naman nagparaya ako ay umaasa pa rin ako...na piliin niya, pero mukhang malabo. Dahil noon ko pa alam na may gusto siya kay Harold.

Binilisan ko ang lakad ko at pumuwesto sa likuran nila. Nakita ko si Kerstein na kumuha ng paper plate at nagsalin ng fishball na tinuhog niya. Gano'n din si Harold.

Nagsalita na ako para mapansin nila. "Naks, ang sweet..."

Nataranta ako nang umubo siya. Nabilaukan ba siya? "Ano ka ba, Chris? Gusto mo ba akong patayin?" bulyaw niya sa akin.

"Pfft! Sorry. Na-carried away lang ako." Natatawang sambit ko. Natawa lang ako sa reaksyon niya. Hindi ko naman sinasadya iyon. Binalingan ko Harold na alalang-alala ang mukha. "Tol, kumusta?" Bati ko rito. At ang loko, hindi ako pinansin. Um-order nalang ako kay Mang Edgar ng sampung pisong fishball.

"Okay ka na ba, Kerstein?" may pag-aalala sa tono nito.

"Oo, salamat."

"Pre, bakit kasi bigla kang nagsasalita riyan?" baling niya sa'kin. Nakakatakot ang mga tingin niya. Para itong laser.

Nagkibit-balikat lang ako. At sumubo sa fishball na hawak ko. Nakita ko pang nanlaki ang mata ni Kerstein. Hanggang ngayon ba ay gulat pa rin siya?

Narinig kong nag-'tsk' si Harold. Mukhang napikon na naman ito sa'kin. "Mauuna na kami." Biglang paalam ni Kerstein. Mabuti naman. Ayokong masira ang guwapo kong mukha. Kaunti na lang kasi at babangasan na ako ni Harold. Nase-sense ko lang iyon. Pero hindi malabong magkatotoo.

"Sige. Ingat. Sorry ulit," sabi ko at tinanguan lang ako ni Kerstein.


Sila na ang sweet. Napabuntong-hininga na lamang ako habang pinapanood papalayo ang taong mahal ko. Ang hirap mag-move on, men!

Isusubo ko na ang huling fishball na nakatuhog sa stick na hawak ko nang may malambing na boses akong narinig. "Chris?" Anito. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. "Sabi ko na nga ba at ikaw 'yan, Chris," aniya nang makompirma na ako nga ito.

"Ikaw pala, Angel, kumusta?" Mala-anghel ang mukha nito, maging ang tinig.

"Okay naman ako. Medyo napagod lang dahil sa praktis. Kuya, sampumpiso nga po ng fishball," order niya. Representative nga pala sila ng school para sa nalalapit na paligsahan ng mga unibersidad.

Tumango-tango lang ako. Hindi pa kasi ako tapos ngumuya. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago nagsalitang muli. "Pauwi ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm."

"Sabay na tayo umuwi," pang-aalok ko sa kanya. Hindi kami close ni Angel kaya medyo naiilang ako. Nakakahiya naman kasi kung iiwan ko siya kaagad.

"Sige. Naunahan mo lang ako. Sasabihin ko rin iyan, eh," natatawang aniya.

Nakakahawa ang pagtawa niya. Napapangiti rin ako. "Gano'n ba?" Kakamot-kamot pa ako sa likod ng ulo ko. Wala naman akong kuto kahit balakubak pero napapakamot ako!

"Tara na," sabi niya pagkakuwan. Ang bilis naman niyang ubusin iyong kinakain niya. Nagulat ako at agad namang binawi ang ekspresyon ko.

Habang naglalakad kami ay marami kaming napagkuwentuhan. Magkapareho pala ang ruta namin pauwi. Kaya heto kami, lulan ng dyip, magkatabi, nagkukuwentuhan.

"Isinuko mo na pala ang panliligaw mo kay Kerstein?" Natatawang sabi niya.

Naikuwento ko na sa kanya ang tungkol sa panliligaw ko kay Kerstein. Pati na rin ang pagpapaubaya ko sa Harold.

"Oo nga. Paulit-ulit." Ismid ko sa kanya.

Kahit papaano ay nakalimutan ko ang nararamdaman ko para sa babaeng mahal ko. Nang dahil sa kadaldalan, at super attentive na si Angel ay nakalimutan ko na may pinagdadaanan ako.

"Mabuti nga 'yon. Halata naman din na may gusto sila sa isa't isa, pinapatagal pa nila." Biglang naging seryoso ang kanyang mukha.

Nakatitig lang ako sa kanya buong biyahe. Ang kinis ng mukha niya. Ang ganda ng hugis; korte ng ilong, kapal ng kilay, manipis na labi. Naibalik ako sa huwisyo nang huminto ang sinasakyan namin. May bababa pala. Sumilip ako sa bintana para malaman kung nasaan na kami. Nanlaki ang mata ko nang malaman kung saang lugar na kami. "Manong, sandali! Bababa po ako," pigil ko kay manong tsuper.

Pigil ang pagtawa ni Angel. Nahalata niya siguro na nawala ako sa ulirat kanina. Nakakahiya.

"Nandito na pala ako. Sige. Mauuna na ako. Ingat ka sa pag-uwi."

Nginitian lamang niya ako. Pagkababa ko'y sumilip siya sa bintana at kumaway sa akin. Napakaway na rin ako. Mabait si Angel, makulit at palangiti. Hindi na ako nagtataka kung bakit ito nagustuhan ni Harold noon.

Napahiga ako sa kama ko at napaisip. Ang bilis ng pangyayari. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakakausap ko na si Angel. Dati rati ay ilag ako sa kanya dahil mukha siyang mataray. Pero ngayon, lahat ng pag-aalinlangan ko nawala no'ng makausap ko siya.

Naagaw ang atensyon ko ng cellphone ko na tunog nang tunog. Sino ba ang tumatawag nang ganitong oras? Tiningnan ko ang wall clock sa loob ng kuwarto ko. 10pm? Kunot-noo kong dinampot ang nag-iingay na cellphone. Sinilip kung sino ang caller at mas lalong nalukot ang noo ko. Iniisip ko pa lang siya pero heto na at tumatawag na. Nagbigayan na rin kasi kami ng cellphone number kanina. Siya ang unang nanghingi. Sino ba naman ako para tumanggi.

Napaayos ako ng upo sa kama na akala mo'y kaharap ko lang ang kausap ko. "Hello, Chris?" Malambing na sabi niya. Kinilabutan ako. Nanlalamig.

"H-hello?" Kandautal na sambit ko. Kinabahan akong bigla! "Bakit ka napatawag?" Nahugot ko na ang lahat nang lakas ko para lang hindi mabulol.

"Wa... la naman. Matutulog ka na ba?"

"Sana..."

"Sige, matulog ka na. Huwag mo 'kong masyadong isipin para makatulog ako nang maayos, ah," sabi niya. Magpoprotesta pa sana ako kaya lang pinutol na niya ang tawag. Halata sa boses niya ang pagpipigil ng tawa.

Iiling-iling kong ibinalik ang cellphone sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama ko. Paano niya nalaman na iniisip ko siya? Instinc?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon