Fr: Harold
Galit ka ba?
______
Fr: Harold
Magtext ka naman, galit ka ba? Ano ba ginawa ko sayo?
_____
To: Harold
Hindi nga ako galit, kulit!
___
Fr: Harold
Bakit hindi mo ako pinapansin?
____
To: Harold
Pinapansin kaya kita.
____
Fr:Harold
Sinusungitan mo nga ako.
____
To:Harold
akala mo lang yun
____
Fr: Harold
So, hindi ka galit?
____
To: Harold
Hindi nga, kulit!
___
Fr: Harold
Bati na tayo?
___
To: Harold
Nag-away ba tayo?
___
Fr: Harold
Hindi
___
To: Harold
Hindi naman pala. Gusto mong mag-away tayo?
___
Fr: Harold
Syempre hindi.
___
To: Harold
Ayaw mo naman pala e, 'wag ka na makulit.
___
Fr: Harold
Hindi na. Sorry!
___
To: Harold
Sorry for what?
___
Fr: Harold
Naks english
____
To: Harold
Sige galit na ako sayo.
___
Fr: Harold
Ito naman hindi mabiro. Pero sorry kung ano man ang nagawa ko sa'yo. Hindi ko naman sinasadya iyon.
____
To: Harold
Naks Haba.
___
Fr: Harold
Seryoso ako. Mahal kita Kerstein,
___
To: Harold
'Wag ka nga magbiro d'yan baka maniwala ako.
___
Fr: Harold
Seryoso nga ako. Mahal kita,
___
To: Harold
Sige may gagawin pa ako, text text nalang tayo next time. :)
____
Fr: Harold
Bakit ba ayaw mong maniwala?
____
Fr: Harold
Mahal nga kita!
____
Fr: Harold
Kerstein?
____
Fr: Harold
Maniwala ka naman, please
____
Fr: Harold
Magreply ka naman. :(
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Novela JuvenilPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
