Kanina ko pa hinahanap 'yung papel na sinulatan ko. Nandoon nakalagay 'yung feelings ko para kay Harold. Iih! Saan ko ba nailagay iyon? Lahat na ng notebook ko ay nahalungkat ko na ang bawat pahina pero hindi ko pa rin iyon makita.
Flashback...
"Pahiram ako ng math notebook mo ah." Paalam ni Harold.
"Hawak mo na nga. May magagawa pa ba 'ko?" pagbibiro ko.
"Hahaha! Ikaw talaga. Kahit kailan."
End of flashback...
Biglang nagflashback sa isipan ko ang pangyayaring iyon. "This can't be!"
Dali-dali akong bumaba at tinungo ang kusina kung saan naghuhugas ng pinagkainan si Mama. "Ma, punta po muna ako kina Harold. Kukunin ko lang po 'yung notebook ko."
"Bumalik ka kaagad." Paalala niya.
"Opo."
Pagkalabas ko ng gate ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at idinial ang number ni Harold. Malapit lang naman ang bahay nila sa amin, kaya lalakarin ko na lang.
Ilang beses muna nagring bago niya sagutin. "H-hello?" Bakit parang nanginginig ang boses niya?
"Hello, Harold? Kukunin ko lang sana 'yung notebook ko na hiniram mo. May gagawin kasi ako." Dire-diretsyong sabi ko. Kailangan ko kasing makuha iyon.
"Yun ba? Isa-sauli ko na lang bukas pagpa--" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita.
"A, hindi. Kukunin ko na ngayon." Sabi ko at naglinga-linga muna sa paligid bago ko ituloy ang sasabihin ko. "Ahm... tatlong bahay na lang ang layo ko sa bahay niyo. Tumawag lang ako para sabihin na papunta na 'ko."
"S-Sige. Hintayin kita."
'Pagkasabi niya no'n ay binabaan na niya ako ng telepono. 'Problema no'n?' "Aish. Hayaan na nga."
Nandito na ako sa tapat ng bahay nila at sakto namang lumabas si Tita. "Kerstein, nand'yan ka pala. Halika, pasok ka. Napadalaw ka yata, gabing-gabi na?." Pinagbuksan niya ako ng gate nila at inayang pumasok.
"May kukunin lang po ako kay Harold. Nasaan po pala siya?" Tanong ko.
"Maupo ka muna diyan. Tatawagin ko lang siya sa taas." at naiwan na akong nakaupo rito sa sofa nila.
Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mga yabag na tila nagmamadali. "Nandito ka na pala. K-kanina ka pa?" nanginginig ang boses niya o hinihingal lang siya? Ang weird.
"Hindi. Kadarating ko lang. Nasaan pala 'yung notebook ko?" Tanong ko nang mapansing wala siyang dala.
"Teka. Kukunin ko lang sa taas saglit." and just a glimpse nawala na siya sa paningin ko. Ano bang nangyayari sa kan'ya?
Ilang minuto na akong naghihintay at hanggang ngayon ay wala pa siya. Natabunan na ba 'yon ng notebook ko?
"Hija, mag-juice ka muna. Nasaan na ba si Harold?" Sabi ng mama ni Harold na may dala-dalang juice.
"Salamat po." Kinuha ko iyon at ininom, "nasa taas pa po."
"Kanina pa 'yon a. Aakyatin ko lang--"
"Ay Tita, ako na po." Pagpresinta ko. Nagmamadali rin kasi ako.
"Sige. Dito lang ako sa kusina a," sabi niya at pumunta na ng kusina.
Umakyat na ako sa hagdan. Alam ko naman kung saan ang kuwarto niya. Palagi akong nandito sa kanila noon. Isa ito sa tambayan namin; ang bahay nila.
Nakabukas ng bahagya ang pintuan ng kuwarto niya, kaya naman sinilip ko muna ang loob nito. "Harold?" tawag ko sa pangalan niya.
Nakita ko siya sa isang sulok-- nakaupo sa kama niya. "Harold?" tawag kong muli. Sa pagkakataong ito ay lumingon siya sa akin. "Kanina pa kita hinihintay kaya umakyat na ako rito. Nasaan na 'yung notebook ko--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kung ano ang hawak niya-- 'yung papel. Hindi lang ito papel. Ito ay papel na naglalaman ng nararamdaman ko para sa kan'ya. I'm doomed!
"A-akin na 'yan!" Inagaw ko sa kaniya ang hawak niyang papel. "Bakit hawak mo 'to?" inis na sambit ko. Nahihiya kasi ako. Anong gagawin ko ngayon? O lupa, kainin mo na ako.
"T-Totoo ba ang mga nakasulat diyan?" Nakatitig siya sa akin ngayon. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Feeling ko, tinutunaw ako nito.
"A-ah... k-kasi..." iiihh, hindi ako makapagsalita ng maayos.
"Ano, Kerstein? Totoo ba na mahal mo rin ako?" Hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko. Nakikita ko sa mga mata niya na ang tuwa. "Kasi ako mahal kita. Mahal na mahal kita." Hinapit niya ako sa mga bisig niya. Hindi na ako makapagsalita. Ang sarap pakinggan na mahal niya talaga ako.
"Totoo ang mga sinasabi ko, ang nararamdaman ko. Hindi ka lang kaibigan para sa'kin." Naramdaman ko na dinampian niya ng halik ang ulunan ko. Totoo ba talaga ito o nananaginip lang ako?
"Pero nabasa ko ang diary mo," may bahid ng kalungkutan at pagkadismaya sa boses ko, dahil naalala ko na naman ang tungkol sa diary.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin pero ang mga kamay niya ay nanatiling nakahawak sa magkabilang balikat ko.
"Tinapos mo bang basahin?" Imbis galit ang maniig sa tono ng pananalita niya dahil binasa ko ang diary niya ay hindi. Bagkus ito ay pang-aasar.
"H-hindi." Napayuko ako.
"Haha. Tara nga dito," hinila niya ako papaupo sa kama, "ito o, read it. Tapusin mo, bago ka mag-react." Inabot niya sa akin ang diary niya at umupo rin siya sa tabi ko.
Napatingin ako sa kan'ya. Ang gandang pagmasdan ang mga ngiti niya. Pero kinakabahan parin ako sa kung anuman ang mababasa ko.
"Pwede bang sa bahay ko na lang basahin?" biglang sabi ko.
Sobra kasi akong kinakabahan. At isa pa, nakakahiyang basahin ito sa harapan niya! Baka bigla akong umiyak o tumili. Sobrang nakakahiya 'yon!
"Gabi na rin kasi. Baka hinahanap na ako ni mama." palusot ko.
"Sige. Ihahatid nalang kita." Suhesyon niya.
"Naku, 'wag na. Kaya ko naman na umuwi at saka malapit lang ang bahay namin." Ngumiti ako ng pilit. Para hindi na niya ako kulitin. "Sige, uuwi na ako ha? Akin na rin itong notebook ko. Bye."
Lumabas na rin ako ng kuwarto niya pagkakuha ko ng notebook ko. Narinig ko pa siyang tumawa. 'Baliw'. Halatang halata ba ang pagkabalisa ko kanina? Kasi naman! Tinitigan ko ang hawak ko-- ang diary niya. All the way na naglalakad ako pauwi ay nakatitig lang ako rito. Hindi naman ito daanan ng sasakyan kaya walang dapat ipag-alala kung mabunggo man ako dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko.
Pumasok na kaagad ako sa bahay pagkarating ko. "O, nakuha mo na ba ang kukunin mo?" tanong ni mama.
"Opo ma. Akyat na po ako," hindi ko na siya hinintay pang sumagot at umakyat na ako sa kuwarto ko.
Napatingin ako sa hawak ko. Ano naman kaya ang mababasa ko rito? Kinakabahan pa rin ako.
Kinuha ko ang notebook ko at hinanap ang papel na... "Waaah! Nasaan na 'yon?" Nilipat-lipat ko ang bawat pahina nito. "Wala pa rin," omyG! Naiwan ko iyon kay Harold. Ano ka ba, Kerstein, wala ka ng mukhang maihaharap sa kan'ya. Punong puno ka na ng kahihiyan!
Napatingin ulit ako sa diary niya. Bukas na lang kita babasahin. Hindi pa ako handa.
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Novela JuvenilPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
