Pagkaalis nung babae kanina ay saka ko lang kinausap ulit si Harold. "Yeeh may love letter!" Pang-aasar ko sa kaniya.
Inirapan lang ako nung loko at binuklat 'yung papel na kasama sa binigay niya. Napakaseryoso niya habang binabasa iyong sulat. Grabe talaga ang charisma ni Harold at talagang sinusulatan pa siya! Pasimple akong sumilip sa binabasa niya at binasa ng malakas 'yung nakasulat.
"Dear Harold, I've been thinking a lot about you almost everyday and I wanted to tell you how I feel. I am writing this letter to remind you how much I like you. Pfft! Ang corny naman niyan! Hahahaha" Di ko na matiis ang pagtawa. Ang corny lang kasi at parang masyado namang obsessed yung babae sa kaniya.
"Ewan ko ba." Natatawang sabi rin niya. Para kaming baliw dito na pinagtatawanan ang isang papel.
Nang makabawi ako sa pagtawa ay napatingin ako sa tabi ni Harold. Nandoon kasi 'yung box na ibinigay din sa kaniya nung babae. "Akin nalang 'yang chocolate! Di ba chocolate 'yan?" Pagtukoy ko sa box na nasa tabi niya.
Aabutin ko na sana 'yung box nang bigla niya akong pigilan. Ang damot! "Huwag 'to at ibabalik ko sa nagbigay sakin. Para di rin masayang 'yung pinambili niya rito, makain pa niya." Natatawa pa ring sabi niya.
Sabagay may point naman siya. I know naman na busted 'yung babae kay Harold kilala ko ba naman kung sino talagang gusto niya. Kaya di ko na siya pipigilan sa plano niyang pagsauli nung chocolate doon sa babaeng nagbigay nun. Para na rin may kainin siya habang umiiyak kasi nabusted siya ng crush niya. Pfft!
"Para ka na namang baliw diyan na nakangiti sa kawalan." Natawa naman ako kay Harold. Nakatingin pala 'to sakin. Kasi naman nakakatawa 'yung iniisip ko. Iiling-iling nalang siya dahil di ako nagsasalita at tanging pagtawa lang ang ginawa ko.
--
Naglalakad na kami papunta sa mga classroom namin ngayon. Malapit na kasi magsimula ang klase. "O, pa'no? kita nalang tayo later?" Sabi ko sa kaniya. Mauuna kasi ang classroom ko sa kesa sa kaniya.
"Sige." Papasok na sana ako sa room pero napahinto rin ako kasi may nagsalita ulit siya. "Kilala mo ba kung anong section 'yung nagbigay ng sulat sakin?"
Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya. "I don't have any idea kung anong section siya. Pero mukha namang ka batch lang natin siya kay ipagtanong mo nalang. Don't worry magtatanong din ako sa mga classmates ko."
"Aish!" Napakamot naman siya sa batok niya.
Nagpipigil ako ng tawa ko habang naglalakad papasok ng room. Pogi problem nga naman. Noong nanligaw siya sakin inaamin ko na kinilig din ako sa kaniya. Pero di ko talaga feel na maging girlfriend niya. Kahit wala akong boyfriend noon ay di ko pa rin siya sasagutin. Siguro dahil friends lang ang gusto kong mangyari sa aming dalawa. Mas feel ko kasi na maging kaibigan siya kesa lovers.
Pag- upo ko sa puwesto ko rito sa klase ay hinarap ko agad ang classmates ko na nasa tabi ko lang. "Kilala mo ba si Meg Quinto?" tanong ko sa kaniya. 'Yun kasi ang pangalan na nakalagay sa sulat kanina.
Nakita kong nag-isip ito saglit kaya nabuhayan naman ako bigla. Ewan pero parang na-excite ako kung ano magiging reaksyon nun kapag ibinalik ni Harold 'yung mga binigay niya kanina. Ang meanie mo na! Sigaw ng utak ko. "Oo, nasa 4th floor 'yun! Room 421 ang alam ko." sabi nito na tumango-tango pa.
Napatango rin ako sa kaniya at nagpasalamat. Mabuti nga at di na siya nagtanong pa kung bakit ko hinahanap 'yun. Naging busy kasi siya sa pagsusulat at kung ano man 'yun ay hindi ko alam at wala akong interes na alamin pa. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko at agad na nagtext kay Harold. Sinabi ko sa kaniya kung anong room niya makikita 'yung hinahanap.
Tumunog naman agad 'yung cellphone ko hudyat na nagreply siya.
From Harold:
Salamat! Sakto pala at doon rin sa 4th floor si Kerstein. Daanan ko nalang din siya para sabay sabay na tayong mag-lunch. :)
Napailing na lang ako. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Hindi ko na siya nireplyan dahil dumating na rin naman 'yung prof namin.
Ang bilis ng oras parang kakaupo ko lang kanina tapos ngayon lunch time na. Si Harold nagtext sakin kanina sabi na mauna na daw ako sa canteen para makahanap ng mauupuan namin. Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko si Chris. "Uy, Chris!" Sigaw ko sa kaniya. May kalayuan pa kasi sako sa puwesto niya. Nilingon naman niya ako agad at ngumiti. Shocks! Bakit ganito ang aking nararamdaman sa mga ngiti niya? Bigla akong nailang. Hindi ko alam kung bakit. Iba 'yung dating ng mga ngiti niya e, kumpara kay Harold.
Sinalubong niya 'ko. "Mag-lunch ka na?" Tanong niya agad sakin.
"Ah oo." Medyo bigla akong nahiya. Ano ba Angel? Si Chris lang iyang kaharap mo kay bakit ka nahihiya riyan?
"Hmm. Hinihintay ko muna si Kerstein dito kasi sabay kami mag-lunch."
"Ay, huwag mo na hintayin dahil nandoon na si Harold sa itaas at susunduin na rin niya si Kerstein. Tara na sa canteen para makahanap tayo agad ng puwesto natin. Susunod 'yung sila." Hindi ko na siya pinagsalita pa at hinatak na siya patungo sa direksyon ng canteen.
Pagkatapos namin bumili ng makakain ay naghanap agad kami ng upuan 'yung pang sa amin lang apat. Para naman walang ibang makiepal sa pag-uusapan namin kung meron man.
"Ayun!" turo ni Chris sa may malapit sa pinto nitong canteen. "Dun na tayo para mabilis lang din tayo makakalabas mamaya."
Tama naman siya para di na hustle ang paglabas namin. Pagka upo pa lang namin ay nagsimula na naman magtanong itong si Chris. "Ano pa lang ginagawa ni Harold sa itaas?" Nilingon ko siya. Magkatabi lang kasi kami para doon umupo sila Harold sa kabilang side katapat namin mamaya. "Diba di naman 'yun umaakyat doon at naghihintay lang din siya sa baba kung kasabay man niya si Kerstein kumain?" Nakakunot din ang noo nito sa pagtataka.
Si Harold kasi 'yung tipo ng tao na maghihintay lang siya sa ibaba ng building. Ayaw niyang umakyat o manundo pa lalo kung magkalayo ang mga rooms namin. Dahilan niya ay baka magkasalisi kapag umakyat pa siya. Kaya ang usapan namin ay palaging sa ibaba maghihintayan. Ganun din naman sila si Kerstein.
"May ibinalik lang kasi si Harold sa itaas. May nagbigay kasi ng chocolate sa kaniya kanina at may pa love letter pa nga! Sakto naman na doon din sa floor ng section ni Kerstein 'yung hinahanap niya na nagbigay kanina ng letter kaya sabi niya e isasabay nalang niya si Kerstein papunta rito. Sana nga magkita sila." Mahabang salaysay ko.
"Love letter?" Nakataas kilay niyang sabi.
"Oo." Ikinuwento ko na nga sa kaniya 'yung nangyari kanina sa may gym at iyong tungkol sa letter. Pero hindi ko na sinabi sa kaniya kung sinong nagbigay non. Privacy pa rin 'yon na hindi na dapat pa malaman ng iba.
---
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Teen FictionPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
