Kerstein

107 3 0
                                        




Dalawang araw na ang lumipas ng magka-usap kami ni Harold. Pagtapos ng araw na iyon, wala na. As in hindi na kami nag-uusap. Parang umiiwas siya sa'kin. Gano'n ang nararamdaman ko. At para sa akin ay sobrang sakit no'n. 'Di ko kasi alam kung bakit siya nagkakagano'n. Biglaan na lang eh. Iniisip ko, dahil kaya iyon sa mga salitang binitawan ko? Yung nagpasalamat ako dahil mahal niya ako kahit kaibigan lang? Ewan 'di ko na matandaan!


Naglalakad ako ngayon papasok sa eskwelahan. Lutang pa rin ang isip ko. Iniisip ko kasi ang mga imposibleng dahilan kung bakit biglang naging cold sa akin si Harold. Hindi ako sana'y na ganito ang pakikitungo niya sa akin.


Nakapasok na pala ako sa loob ng classroom hindi ko na napansin. Napabuntong-hininga ako pagkaupo ko sa silya ko. Tinitingnan ko ang mga classmate ko. Lahat sila ay nagdadaldalan samantalang ako ay tahimik lang na nakaupo sa isang sulok. Masyado ko bang itinuon ang sarili ko kay Harold? Kasi wala akong close sa kanila eh. Sinasabi nga nilang alien ako dahil hindi ako nakikihalubilo sa kanila. Nasanay lang siguro ako na si Harold lang ang kaibigan ko noon.


Nag-uumpisa na ang klase pero ako- tulala lang sa pisara. Kunwari'y nakikinig sa lektyur. Walang pumapasok sa isip ko. Kahit anong pilit kong makinig sa sinasabi ni Bb. Castro ay hindi ko magawa. Kasalanan ito ni Harold eh! Kung bakit ba kasi nag-iba ang pakikitungo niya sa akin.


Tumunog na ang bell. Ibig sabihin tapos na ang klase. Ngunit ako ay walang natutunan. 'Di ko rin nakita si Harold kaninang breaktime. Palabas na ako ng room nang may dumaang dalawang babae sa harapan ko. 'Di ko sinasadyang mapakinggan ang usapan nila.


G1: Bagay sila ano?

G2: Oo. Sana sila ang magkatuluyan.

G1: Tama ka girl! Kung ako si Angel, sasagutin ko na si Harold. Ang pogi pogi kaya nu'n.

G2:Tama! Yiiee. Kinikilig ako sa kanila.


Iyan ang narinig kong usapan nila. Sinong Angel? At wait! Harold? Si Harold ko ba ang tinutukoy nila?


Dali-dali kong tinungo ang lugar kung saan galing ang mga babae. Papunta ito sa gym. 'Wag naman sana. Bulong ko. Itutuloy niya kaya ang panliligaw kay Angel? Lalong nagulo ang isip ko dahil doon. Humahangos pa akong nakarating sa tapat ng gym. Paubos na rin ang tao dahil uwian na at mag-gagabi na. Doon ay nakita ko si Harold at Angel na masayang nag-uusap. Parang may kung anong pumitik sa dibdib ko. Ang sakit. Wala naman akong hika. Pero pakiramdam ko ay hindi ako makahinga!


"Hi Kerstein!" Masayang bati sa akin ni Angel. Lalong dumoble ang sakit na nararamdaman ko nang batiin niya ako. Nagseselos ba ako? O talagang nag-aasume lang na ako ang gusto ni Harold? "Hi" sa huli ay bumati rin ako sa kanya.


Napatingin ako kay Harold at parang nagulat din siya nang makita ako. "Pauwi ka na ba?" Tanong sa akin ni Angel.


Hindi kami close at lalong ayokong makipag-close sa kanya. Nagagalit ako na ewan. Basta. 'di ko maipaliwanag ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. "Oo." sagot ko.


"Tara. Sabay ka na sa amin." Suhesyon ni Angel.


"H-Hindi na." Pagtanggi ko. Sabay wasiwas ng mga kamay.


"Ihahatid na ata siya ni Chris." Narinig kong sabi ni Harold kay Angel.


"Gano'n ba. Sige, mauna na kami." Sabi naman ni Angel. At hinatak na si Harold papalabas ng gym.


Napakagat labi na lang ako. Sa huli ay hindi pa rin ako kinausap ni Harold. At bakit napasok sa usapan si Chris? Pinapanood ko lang silang dalawang naglalakad papalayo sa akin. Masaya sila. Halata naman. Dati ako lang ang nakakasama niya, Ako lang ang kaharutan niya, Ako lang ang hinahatid niya. Pero ngayon, may Angel na.


Bagsak ang dalawang balikat kong lumabas ng gym. Bigo na naman ako sa pagkausap sa kanya. Palagi niyang kasama si Angel at sa huli ay iiwan nila ako.


"Hi."  Napalingon ako sa gilid ko. Si Chris pala.


"Hi." Walang ganang bati ko sa kanya.


"Bakit parang ang lungkot ng mukha mo?" Usisa niya. "May problema ka ba?"


"Sabi mo ako ang gusto ni Harold?" Mahinang sabi ko. Pero sapat na para marinig niya.


"Oo nga."


"Bakit hanggang ngayon 'di pa rin niya ako kinakausap?'' Napatingin na ako sa kanya. Siya kasi ang nagsabi na gusto ako ni Harold. At ako naman nag-assume rin.


Nagkibit-balikat lang siya. Napayuko ulit ako. Daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Malalim na pagbuntong-hininga ang ginawa ko. 'Di ko na alam ang gagawin ko. Sobrang sakit pala. Lalo na kung umaasa ka na ikaw ang gusto niya.


Hinatid na ako ni Chris sa bahay. Wala ni isa ang nagsasalita sa amin. Wala ako sa mood para makipagdaldalan sa kanya. Sugatan pa ang puso ko. Pakiramdam ko magkakasakit ako.


"Anak nand'yan ka na pala. Nakapagluto na ako. Kumain ka na." Salubong sa akin ni Mama.


"Mamaya na po Ma. Busog pa po ako." Walang ganang sabi ko. Kahit gutom ako ay sinabi kong busog na ako. Wala rin akong ganang kumain. GAnito ba talaga kapag brokenhearted? Feeling ko magkakasakit ako.


"Sige. Pagtatabi nalang kita ng pagkain." Sabi ni Mama.


"Opo."


Umakyat na ako sa kwarto ko. Bagsak na bagsak ang katawan ko. Hinang hina ako. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay isinalampak ko ang katawan ko sa kama. Wala naman akong ginawa kanina pero feeling ko ay nabugbug ang katawan ko. Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng pagkaantok. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko na hindi matulog. Siguro naman paggising ko wala na ang sakit na nararamdaman ko?





______

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon