Entry #33

139 9 0
                                    


Dear Diary,

Alam mo Diary natatawa ako nu'ng binasa ko lahat ng entry ko simula umpisa pa'no ba naman dati puro si Angel ang sinusulat ko ngayon naman puro si Kerstein. Kaya ko lang naman palaging minimention si Angel noon dahil gusto ko siya pero hindi na ngayon kaya wala na siya sa mga entry ko. Hindi ko rin alam kung nasaan na siya ngayon nakikita ko pa rin naman siya sa praktis ng basketball pero hindi na kami nag-uusap. Si kerstein naman kaya ko palaging namemention ay siyempre kaibigan ko siya at bestfriend pa O iba na ang nararamdaman ko? Ilang araw ng gumugulo sa isipan ko ito Diary, nalilito na ako. Ang hirap espilingin parang nagte-take ako ng exam na puro malalalim ang salita. Ganun. Mahirap di ba?



It's me

Harold


Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon