KERSTEIN POV'S
Nagkita-kita na kaming apat dito sa SM. Si Harold ay as usual sinundo ako sa bahay. Ngayon nandito kami sa sinehan at nanonood ulit ng horror. Naalala ko pa iyong unang beses na nagsine kami... half part lang ang napanood ko. Hindi naman sa natatakot ako sa movie, kung hindi lang tinakpan ni Harold ang mga mata ko noon ay baka napatapos ko iyon. Nung ginawa niya iyon ay syempre nagtaka ako kung bakit niya tinatakpan ang mga mata ko at ayaw niya akong panoorin. Sinilip ko pa ang isang mata ko sa harapan namin at nakita doon ang dahilan kung bakit niya tinatakpan ang mata ko. Ako mismo ang nahiya sa nakikita... sa harapan namin ay may dalawang taong walang humpay na naghahalikan! Napalunok ako at napatingin kay Harold. Nasalubong ko ang mga mata niya na nakatingin din sakin, ngumiti ako ng alanganin at napailing nalang siya. Isinandal nalang niya ako sa kaniyang balikat at naramdaman kong hinalikan niya ako sa aking ulo. Masaya ako sa nararamdaman ko. Kahit may relasyon na kami ay hindi iyon tinake advantage ni Harold. Madalas siyang nasa kuwarto ko at nanonood kami sa laptop ng movies. Hanggang yakap at halik sa ulo lang ang ginagawa niya sa akin. Hindi pa niya kinukuha ang first kiss ko kaya sobrang mahal ko ang taong ito. Napakataas ng respeto niya sa akin. Bata pa rin naman kasi kami mag 17 palang kami ngayong bakasyon. 1 week lang ang pagitan ng birthday naming dalawa. Grabe ang destiny 'no? Yung mga tatay namin napag-alaman namin na magkaklase noon tapos hindi pa nagkakalayo ang birthday at edad namin.
"Saan tayo kakain?" tanong ni Angel. Kakalabas lang namin sa sinehan at heto't naglalakad kami ngayon sa maraming kainan na nakapalibot sa amin.
"Anong gusto mo Kerstein?" baling sakin ni Harold.
Nag-isip din ako at pinagmasdan ang kaliwa't kanang kainan. "Doon nalang tayo sa Jollibee!" Masayang turo ko sa malaking bubuyog na nakatayo sa harap ng kainan.
"Parang bata... pero sige...gusto ko rin ang chicken nila riyan. Hahaha!" Sabi ni Angel sabay hila sakin. "Tara na Kerstein tayo na ang mag-order. Wag na muna kayo maghawak-kamay diyan at masakit sa mata!"
Natawa nalang kami ni Harold na napabitaw sa pagkakahawak sa isa't isa. Binalingan din niya si Chris na nagpipigil ng tawa sa gilid. "Bakit?" Masungit niyang sabi rito.
"Wala wala" Iwinasiwas pa niya ang kaniyang dalawang palad sa harap namin.
"Maghahanap nalang kami ng mauupuan natin at mukhang maraming kumakain dito." Singit ni Harold.
Tumango nalang kaming dalawa ni Angel at nag-order na ng makakain naming apat. Siya ang nagbayad sa pagkain nila ni Chris at ako naman ang sa pagkain namin ni Harold. Sinagot na kasi nung dalawa ang pambayad sa ticket namin sa sinehan kanina kaya kami naman ngayon ang taya. Wala pa naman kaming mga trabaho kaya hindi kami pumapayag na hindi gagastos para sa araw na ito kahit na sinabi nila Harold na silang dalawa ni Chris ang manlilibre sa amin.
"2 one piece chicken, 2 burger, 2 fries at 1 extra rice po. Tapos coke nalang po sa drinks." Order ko. Same lang sa inorder ni Angel. Para walang inggitan daw. haha. Pero may point siya.
"Kerstein tingnan mo 'yung dalawa doon. Para silang nagde-date." Bulong sa akin ni Angel. Tiningnan ko iyong tinuturo niya. Nakaupo sila sa may pinakasulok tabi ng salamin sa labas. Magkaharapan ang puwesto nila at nag-uusap silang dalawa ng seryoso. Napangiti ako sa itsura nila. "Diba?"
"Hmm. Tingnan mo naman ang itsura nila. Ang seryoso."Bulalas ko.
"Oo nga. hihihi" Kinikilig na sabi niya.
"Kayo ba ni Chris e my something na?" Binigyan ko siya ng makahulugang tingin.
Nakita kong nabigla siya sa tanong ko pero nakabawi rin agad. "Wala no! We're just FRIENDS." In-emphasize pa talaga niya 'yung friends na word.
"Hmm. FRIENDS." sarcastic kong sabi.
Inirapan niya ako sabay tawa. "Tara na nga at pumunta na sa kanila para di naman sila magmukhang nagde-date."
Nagtatawanan kaming dalawa na tinungo ang kinaroroonan nila Harold.
"Ang saya niyo yata masyado?" Nakangising sabi ni Chris kaya umirap agad itong si Angel.
"Para kasi kayong nagde-date dito kanina. Pfft!" Pigil na pagtawa ni Angel. Umupo na siya sa tabi ni Chris. Magkaharap kaming dalawa.
Ilang sandali lang ay dumating na rin ang order namin. Habang kumakain ay nag-uusap kami kung ano'ng course ang kukunin namin sa kolehiyo. Pare-pareho kaming magpapatuloy sa Santiago University para hindi na rin hustle sa pag-enroll dahil doon kami nag-highschool.
"Culinary ang ite-take ko sa college. 'Diba Kerstein ikaw rin?" Nakangiting tanong niya sakin.
"Hmm." Tumatangong sagot ko. Puno pa kasi ng pagkain ang bibig ko kaya hindi ako makapagsalita pa.
"Sana magkaklase tayo." Masayang wika niya nasinang-ayunan ko naman. "Kayong dalawa ba?"
Tiningnan ko si Harold at Chris. Wala pa kong naiisip kasi." Kamot ulong sagot ni Chris. "Sa enrollment ko nalang iisipin." dugtong pa niya.
"Mechanical Engineering sakin." Sabi ni Harold kaya napatingin kami sa kaniya. Ngayon ko lang din nalaman na iyon pala ang kursong kukunin niya.
"Woah. Nice 'yan 'tol!"
"Wow."
---
Gabi na rin kami natapos sa paggagala. Naglalakad na kaming dalawa ni Harold dito sa street namin, inihatid niya ako at 9pm na rin ng gabi. Hindi naman delikado sa lugar namin dahil subdivision naman ito at maliwanag pa rin ang daan gawa ng kabi-kabilang street lights.
"Ingat ka sa daan." Paalam ko na kay Harold matapos niya akong ihatid sa tapat ng gate ng bahay namin.
"Opo. Pero pumasok ka muna para makaalis na ako." nakangiting sabi niya sakin. "Bago ka pumasok payakap muna ako para mahimbing ang tulog ko mamaya."
Hindi na ako nakareact pa dahil hinila na niya ako papalapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit. Ang bango pa rin talaga niya kahit na maghapon kaming naggala.
Naramdaman kong lumapat ang labi niya sa ulo ko bago bumulong. "Sige na. Pasok ka na at aalis na 'ko. Goodnight." Hinalikan pa niya ako ulit sa noo ko bago ako marahang itulak papasok ng gate namin. Nakangiti nalang akong kumaway sa kaniya bago isara ang main door ng bahay.
--
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pinag-usapan nila ni papa nung araw ng graduation namin. Pero hindi ko na gaano iniisip iyon dahil hindi rin naman nabanggit ni Harold sa akin iyon. Hindi rin alam ni mama kung ano ang pinag-usapan ng dalawa at ang sabi niya sa akin ay magtiwala nalang ako kay Harold. Kaya naman iyon ang pinanghahawakan ko. Tiwala.
Tiwala ako sa pagmamahal sa akin ni Harold kaya alam ko na kahit hindi na kami gaano magkikita sa mga susunod na araw ay tiwala akong sa akin pa rin siya uuwi. Ako pa rin ang pahinga niya. At ganoon din ako. College na kami sa pasukan at alam kong bihira nalang kaming magkikita ni Harold nun. Doon namin masusubok ang pagsasama at pagmamahal namin sa isa't isa hindi lang bilang mag-bestfriend kung hindi bilang magkarelasyon.
-----
Author's note:
Thank you for supporting this story. Mayroon po itong book 2!
PS: Hindi ko na po ito na-edit pa kaya may mga typo. And sorry for that! 2015 pa kasi itong story inumpisahan at hindi ko rin naman mapokusan ito dahil sinisingit ko lang ang pagsusulat kapag may free time ako. Pampalipas oras lang din ito para sa akin. Salamat ulit! :*
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Teen FictionPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
