A/N: Ito pong mga entry na susunod ay hindi pa nababasa ni Kerstein para hindi kayo malito. Gusto ko lang maipakita kung bakit biglang nagbago si Harold.
***
Dear Diary,
Kasabay kong umuwi si Kerstein kanina at walang humpay ang pagtawa namin. Grabe, nakakatuwa talaga siya palagi siyang nagjojoke. Bakit ganun Diary kahit simpleng joke lang niya e napapatawa niya ako? Yu'ng tipong alam ko na yu'ng ijojoke niya pero parang first time pa rin. Naninibago na nga ako sa sarili ko.
Si Angel naman, nakikita ko siya sa school pero hindi na katulad ng dati na clingy siya. Simpleng "Hi" nalang ang sinasabi niya tapos umaalis na kaagad. Siguro Diary sinabihan na siya ng syota niyang gangster.
Nalilito ako Diary...
It's me
Harold
