Entry #8

259 16 0
                                    


Dear Diary,

Hindi ko maexplain ang kaligayahan ko ngayon dahil sa wakas Magkaibigan na kami ni Angel. Pumayag siya at nakuha ko na din ang cellphone number niya. Makakatext ko na din siya. Excited na nga akong matapos ang klase para makasabay ko na siya umuwi. 'Wag ka maingay Diary ah nandito pa kasi ako sa classroom at kasalukuyang nagtuturo ang teacher ko sa harapan. Okay lang naman dahil nakatalikod siya sa akin. Hindi niya nakikita na nagsusulat ako o kung makita man niya iisipin niya na nagte-take down notes ako hehe. O siya Diary at may nangungulit sa akin ngayon. Walang iba kundi ang aking bestfriend si Kerstein.


It's me

Harold


Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon