Kanina ko pa hinahanap yung notebook ko kung saan nakasulat ang lahat ng Entry ko. "Hindi pwedeng mawala iyon!" Bulong ko sa sarili. Papunta kasi ako ngayon sa bahay nila Kerstein. Yayayain ko siyang pumasyal sa park. Mag-uumpisa na akong magparamdam sa kanya. Yung paramdam na manliligaw ako hindi yung kaluluwa ahh..
Hinahanap ko kasi yung notebook ko dahil magsusulat ako ng panibago kong entry kay Diary. Saan ko ba kasi iyon nailagay?.
Naghihintay na ako sa kanya dito sa labas ng bahay nila. Sabi niya kasi sandali lang daw kaya heto, dahil manliligaw ako sa kanya e maghihintay ako dito kahit gaano pa katagal. De joke! 'Wag naman sanang sobrang tagal dahil mainipin din ako.
Kinakabahan ako. Grabe, feeling ko ikakasal na ako sa kanya sa sobrang kaba. Bakit ba kasi ang tagal niyang lumabas? Nagpapaganda pa ba siya? Ay, hindi naman niya kailangan magpaganda pa sa harap ko dahil maganda na siya sa paningin ko. Naks! Bumabanat ako. Pero ang tagal niya talaga, totoo.
Salamat naman at after 30 minutes of waiting eh lumabas na rin siya sa lungga niya.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit? May sinabi ka bang bilisan ko?" Pambabara niya. Basag ako dun ah! Oo nga naman, wala akong sinabi na bilisan niya. Hayy. Ang hirap namang manligaw.
"Sabi ko nga! Tara samahan mo ko."
"Saan"
"Basta, sumunod ka nalang!" Bakit ba ang taray niya ngayon? Naunahan na ba ako nu'ng Chris na yun? 'Wag naman sana.
***
*Sa park*
"Ano bang gagawin natin dito?" Inis na sabi niya. Badtrip ba ito?
"Wala lang, gusto ko lang pumunta dito." Hay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Gusto mo lang pala bakit sinama mo--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita.
"Gusto lang kita makasama." Diretsong sabi ko. Sa wakas at nasabi ko na. Wooh. (Hingang malalim.) Kinakapusan ako ng hininga.
Nakita kong bigla siyang natahimik. Bakit? Ayaw ba niya akong makasama? Ano na namang bang ginawa ko?
"Bakit natahimik ka d'yan? Masama bang makasama ang bestfriend mo?" Yun nalang ang nasabi ko. Bakit ba kasi badtrip siya? May nagawa ba akong mali? Ang hirap naman espelengin ng mga babae.
"H-Hindi naman. A-Ano.. S-Sige uuwi na ako. May gagawin pa kasi ako. Bye." Sabi niya at mabilis na umalis sa pwesto ko.
"Kerstein!" Tawag ko sa kanya pero para siyang walang naririnig dahil dirediretso lang siya ng lakad at maya-maya'y tumakbo na ito.
Naiwan ako dito na gulong-gulo ang isipan. Bakit biglang nagbago ang mood nun? Ano ba ang nagawa kong mali sa kanya? Paulit-ulit na tanong ko sa sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/49729763-288-k925006.jpg)