Kerstein

296 16 0
                                    




'Arrg.. Sabi ko na nga ba at may gusto siya kay Angel na yun. Kaya pala minsan ko na lang siya makasama.' Sabi ko sa isip ko. Nandito ako sa loob ng kwarto ko at binabasa ang Diary na napulot ko sa school kanina. And this diary is belong to Harold slash my bestfriend slash my crush. Yeah, he is my crush since elementary. Classmate na kami noon pa.

Well balik tayo sa binabasa ko. Eto nga ang diary ni Harold. Hindi ko nga alam kung matatawa ako dahil nagsusulat pala siya ng diary? I mean imagine, lalaki siya, take note gwapo din, tapos may ganitong sikretong tinatago. Natutuwa ako dahil nalaman ko ito at mababasa ko ang mga pinagsusulat niya dito pero sa kabilang side ng isip ko ay nakokonsensya ako dahil diba masama ang kumuha ng gamit ng iba?Well hindi ko naman ito kinuha sa kanya napulot ko ito. Uulitin ko NAPULOT ko. Hindi na rin masama. Pa'no nga ba ito napunta sa akin. Ito ang flashback...


Flashback....


Kakapasok ko lang ng school. 'Maaga pa naman kaya mag-stay muna ako dito' sabi ko sa isip. Mayamaya lang ay may napansin akong maliit na bagay sa kabilang upuan, to be specify isa itong maliit na notebook na kulay itim. Nacurious ako kaya nilapitan ko. Tumingin tingin muna ako sa paligid bago ito pulutin baka kasi pinagtitripan lang ako ng mga classmate ko kaya naninigurado lang ako. Nang wala akong makitang kahit sino ang nasa lugar ay dinampot ko ito at nakita ang first page. Nanlaki pa ang mata ko ng malaman na kay Harold ito. Hindi lang ito basta maliit na notebook kundi isa itong diary. Lahat ng mga happenings sa buhay niya ay nakasulat dito. Sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi ko. Alam na..


End of flashback...


Napakahaba ng flashback ko ano..


Back to reality again. Nakahiga ako sa kama sabado ngayon kaya walang pasok.


"kerstein!" Napabalikwas ako ng bangon ng tawagin ako ni mama.


"Po!"


"Bumaba ka nga diyan at pumunta ka ng supermarket!"


"Sige po." Bakit galit ka? gusto kong sabihin yan kaya lang baka bigla niya akong batukan.

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon